Kabanata 49

450 14 1
                                    

CINCO'S POV

"Cinco, sa bahay nalang tayo nila Lawrence gumawa. Wala kasing magbabantay sa bahay nila kaya bawal siyang umalis. So, I suggest na sa kanila nalang tayo gumawa ng research." Sabi ni President, naging kagroup ko kasi siya sa research so heto kami ngayon.

Tumango ako. "Sige, kailan tayo?"

"Sabado, hapon. G?"

Inalala ko ang date ngayon, thursday. Tumango ako. "Sige, ayos lang." Tumango siya at lumabas na para magtake ng breaktime niya.

Bumuntong-hininga naman ako matapos makipag-usap. Tinatamad kong pinasok sa bag ko ang mga gamit na ginamit namin kanina sa last sub before maglunch. After non, umupo lang ulit ako sa upuan ko at chinat sila Rica na hindi ako bababa. Nagreply naman sila na ayos lang dahil nag-uusap rin daw sila ng mga kaklase nila about activities.

Bumuntong-hininga na naman ako at nagpangalumbaba matapos kong ibalik sa aking bulsa ang cellphone. Wala akong magawa kaya pinagmasdan ko nalang ang mga kaklase kong naiwan sa room. Mga nagda-daldalan habang kumakain, mga nag-uusap at ilang mga natutulog lang.

Tumingin ako sa labas ng bintana.

Magda-dalawang linggo na simula nung hindi ko makita si Erro. Wala talaga siyang balita at hindi manlang ako sinabihan na matagal ko siyang hindi makikita. Walang kahit na anong presensya niya or halimuyak ng dama de noche. Ang tahimik ng buhay ko ngayon. Parang nakakatamad. Naiinggit nga ako kay Rica dahil mabuti pa siya, nakikita-kita si Simon. Pero, hindi naman ito nagtatagal, dumadalaw lang. Ngunit kahit na, maswerte pa rin si Rica dahil nagpapakita sa kanya si Simon. E, si Erro? Kahit strand ng buhok niya wala.

Nakakalumbay. Nakakatamad. Ilang days na akong naghihintay sa presensya niya pero wala pa rin. Mas nanlulumo lang tuloy ako everyday dahil wala pang balita sa kanya. Kapag nagpakita talaga siya, yari siya sa akin!

"Huy! Para kang problemado!" Humalakhak si Claire nung makabalik dito sa room. Bumaba kasi sila ni Kulas para bumili ng chips. 'Yon nalang raw ang lunch nila.

"Oh." Inilapag ni Kulas sa table ko ang isang chips, favorite ko 'yon. Mukhang libre niya. Nilingon ko siya. Bumalik siya sa kanyang upuan at binuksan ang sariling pagkain niya. "Kumain ka na. Para kang lalamya-lamya diyan. Anong problema mo?"

Humalakhak si Claire. "Oo nga, Cin. Sa linggo na debut mo, oh!" Ngumisi siya. "Ready na susuotin ko at first time ko makapunta sa inyo. Salamat sa invitation!" Humalakhak siya at inismikan si Kulas.

Nilingon ko si Kulas nung umirap siya at inis na bumuntong-hininga.

Alam ko na agad ang rason ng mukha niyang dismayado. Yung mga invitation kasi, nadistribute ko na. Yun nga lang, sinabi ko sa iba na huwag muna ipapakita kay Kulas ang invitation. Gusto ko kasing personal sabihin sa kanya ang isang bagay. Nabigay ko na ang invitation sa lahat ng invited at badtrip si Kulas dahil sa lahat ng kakilala ko, siya lang ang hindi pa nakakatanggap. Sigurado akong naiisip na niya na hindi siya imbitado.

Bumuntong-hininga ako. Tamad akong bumaling sa bag ko at nangalkal doon. Nung makita ko ang hinahanap, inibot ko kay Kulas 'yon. Natigilan naman siya. Ilang sandali siyang nakatingin roon bago niya inilapag ang pagkain at inabot ang invitation na hawak ko. Kinuha niya 'yon at binuklat. Sure akong hinahanap na ng mata niya ang pangalan niya sa invitation.

"18 Roses?" Mahinang sabi niya nung mahanap ang pangalan niya. Tinatamad ko namang inihiga ang ulo ko sa desk. "A-Ako last dance mo, Cin?" Nilingon ko siya habang nakahiga ako sa desk. Halata sa mukha niya ang gitla ngunit nagsusumigaw ang ningning sa kanyang mga mata.

Along with the EntitiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora