Kabanata 19

466 15 1
                                    

CINCO'S POV

Hindi naman na kami nakiisyuso pa sa nangyaring lamay sa kapitbahay kaya nagtipon lang rin kami agad sa kubo. Sa araw na 'to, napagplanuhan namin na puntahan ang school na pag-aaralan namin dahil sabi ni Rica ay kinabukasan na raw ang enroll-an. Napag-pasyahan naming puntahan ngayon doon para mag-inquire about tranferees. Pinayagan naman kami ng mga magulang namin para raw may information kami about sa pag-enroll.

Hindi na kami nagpahatid dahil gusto rin nila Rica na gumala kami after mag-inquire kaya binigyan nalang kami ng allowance ng mga magulang namin.

Nilakad nalang namin ang terminal dahil malapit lang naman. Nung makasakay kami ng jeep, hindi pa puno kaya naghintay pa kami ng mga sasakay. Magkakatabi kami sa left-side ng jeep at malapit sa pintuan.

Ganito ang pwesto namin. Si Ken ang nasa tabi na mismo ng pintuan ng jeep, kasunod niya si Roy, next si Rica at ako. Maluwag pa ang tabi ko kaya hindi pa kami umaandar. Maya-maya, may pumasok na dalawang matanda na may dalang supot. Galing yata sila sa palengke dahil medyo masangsang ang amoy ng supot nila. Tumabi sila sa akin pero bahagya akong nagulat dahil lumayo sila agad.

Nawirduhan ako kaya nagtataka ko silang tinignan.

As in layong-layo sila sa akin. Oa yung akto nila. Medyo napahiya ako sa ibang nakasakay dahil napatingin rin sila sa dalawang matanda na layong-layo sa akin. Ginitgit talaga nila ang sarili nila dun sa dulo malapit sa driver. Parang diring-diri sila sa akin. Parang isa akong virus na hindi dapat nilalapitan.

Napaamoy tuloy ako sa damit ko kung mabaho ba ako. Napalingon na rin sa akin sila Rica at tinanong kung anong problema pero hindi ko sila nasagot dahil nahihiya talaga ako sa akto ng mga matanda.

"May mali po ba?" Tanong ko pero pinanlisikan lang nila ako ng mata. Parang galit na galit at diring-diri sila sa akin kaya agad na rin silang bumaba ng jeep.

"Anong meron dun?" Nagtatakang tanong ni Rica nung makalabas ang matanda.

"Inaway siguro ni Cinco. Simpleng sadista talaga 'yan e." Pang-aasar ni Ken at humagalpak ng tawa.

Ngumuso ako. "Wala akong ginagawa. Hindi ko nga alam kung bakit ganon sila.." pagrereklamo ko.

Biglang nagsalita ang lalaking katapat namin sa jeep. Ang mga tao rin don ay nakatingin sa akin. Hindi naman nila ako jina-judge ng tingin nila at parang wala lang sa kanila ang nangyari. Nahihiya nga ako e. Baka isipin nila na mabaho talaga ako kaya ako nilayuan ng dalawang matanda.

"May dala ka bang luya?" Tanong sa akin ng lalaking katapat namin.

Nagtataka ko siyang tinignan bago umiling. "Wala po."

"Pangontra?" Tanong niya ulit.

"Pangontra po?"

"Oo, pangontra. Ramdam ko na. Mga aswang 'yon. Takot kasi sila sa luya atsaka sa mga pangontra." Paliwanag nung lalaki kaya agad akong naliwanagan.

Pinakita ko sa kanya ang porselas na itim. Ito yung binigay sa akin ni Cuadro. Hindi ko ito tinatanggal dahil ang sabi niya ay pangontra ito sa mga aswang. "Ito po. Bigay po 'to ng pinsan ko. Sabi niya, pangontra raw po ng aswang."

"Kaya pala." Tumango-tango yung lalaki. "Huwag ka mag-alala. Hangga't may ganyan ka, hindi ka nila malalapitan."

Nagsalita si Rica. "Kilala niyo po ba sila?"

Umiling ang lalaki. "Maraming aswang dito sa atin. May ilan akong kakilala pero hindi nalang namin pinapansin o kinakabangga dahil may lahing mangkukulam rin 'yon. Baka ano pa gawin sa amin. Hinihintay na nga lang namin 'yan sila umalis." Ngumiti yung lalaki. "Palipat-lipat naman 'yang mga aswang e. Kapag rumarami na ang nakakaalam na mangkukulang o aswang sila, lumilipat na rin sila ng lugar."

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now