Kabanata 53

485 22 0
                                    

CINCO'S POV

Isang linggo ang lumipas nung matapos ang birthday ko. Sa mga araw na nagdaan, kasama ko ulit si Erro. Binabantayan niya ako sa byahe papasok at papauwi, binabantayan niya ako sa pag-gawa ng assignment, sa pagtulog— marami. Hindi niya na ako nilulubayan which is gustong-gusto ko. Palagi siyang malapit lagi kapag lalabas o aalis ako. Basta, hindi na niya ako mashadong iniiwan. Kung aalis man siya, nagpapaalam siya. Kung may pupuntahan siya, magsasabi siya. Ganon na ang routine namin.

Masaya ang damdamin ko dahil nga ganon na ang nangyayari sa amin. Hindi na ako nangangamba pa pag-aalis siya sa tabi ko kaya laging nasa maayos na kalagayan ang pakiramdam ko. Parang ang healthy tignan.

"Bababa na kami, Cin, ha?" Paalam ni Claire para maglunch. Kasama niya si Kulas na seryoso lang na nakatanaw sa akin. Nginitian ko lang sila at tinanguan bilang sagot. Umalis naman na agad sila.

Ibinalik ko ang atensyon sa pagsusulat ng notes na nilesson kanina. Hindi ko kasi natapos dahil mabagal ako magsulat. Hiniram ko nalang tuloy ang notebook ni Claire para makakopya pa ako. Hindi rin naman nagtagal 'yon. Matapos kong matake-down lahat ng notes, inayos ko na ang gamit ko at ibinalik sa bag ni Claire ang notebook niya. Pinasuyo niya 'yon sakin kanina na ibalik nalang daw after kong hiramin. After that, nilinis ko ang aking table bago bumaba para magtake na rin ng lunch.

Kahit nasa loob pa ako ng building, amoy na amoy ko na ang dama de noche. Mas tumindi lang ito nung makalabas ako at nagtungo sa batibot. Iginala ko ang aking mata para hanapin ang ninanais na makita, mabuti nalang nakita ko agad. Nasa dulo siya katabi ng punong malaki. Nakahalukipkip siya habang nakangisi sa kung saan. Dahil don, sinundan ko ang kanyang tingin. Nung makita, namilog ang mata ko. Nakita ko si Kulas na umiikot-ikot sa kabilang puno. Iniikutan niya ang puno ng paulit-ulit. Parang wala siya sa wisyo. May ilang tumitingin sa kanya at natatawa ngunit agad ring inaalis ang tingin para hayaan. Naiisip nilang baka trip lang talaga ni Kulas na umikot-ikot sa puno kaya hindi naman na nila ginawang bigdeal ito.

Napasapo ako ng noo sa kunsumisyon.

Lumapit ako kay Erro at pasimpleng pumwesto sa tabi niya. Sure naman akong hindi ako pag-iisipan ng masama ng ilang tao na nasa batibot since nakatayo at nakasandal lang naman ako sa puno. Halata rin naman sa mga students na wala silang pake kahit ano pang gawin ng mga taong nakikita nila. So, overall, safe naman ako. Walang mag-iisip ng baliw sa akin. Even though, magsalita ako, wala naman makakarinig dahil malayo-layo sila.

"Tigilan mo si Kulas." Madiin na utos ko.

Tinigil niya ang paninitig kay Kulas dahil agad siyang napalingon sa akin. Pagtingin ko kay Kulas, nakahinto na siya at parang nagtataka kung bakit nandoon siya. Bumusangot ang kanyang mukha at umalis rin kaagad sa batibot. Mabuti nga at hindi niya ako nakita dahil nasa kabila siyang panig.

"Nantitrip ka na naman..." Kalmadong suway ko habang nakahalukipkip.

Narinig ko ang kanyang mahinang halakhak sa aking tabi. "Namukhaan ko siya kaya sumunod sa kanya ang aking mata. Nakita kong masama ang ipinupukol niyang tingin sa ilang mga nilalang na nandito kaya binigyan ko siya ng parusa."

Bumusangot ako. "Parusa? Kaya pinaikot-ikot mo sa puno?"

Humalakhak siya. "Isang daang beses lang naman..."

"Ewan ko sayo." Sabi ko nalang, nangungunsumi. "Hintayin mo ako rito, bibili lang ako ng pagkain."

Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot at nauna na akong umalis.

Ganon lang lagi ang routine namin. Hanggang dito, papanoorin niya ang pag-aaral ko. Ultimo sa pagkain, sasabayan niya ako. Kapag kami lang ni Rica, kasama namin sa table sila Simon at Erro. Pero kapag kasama namin si Ken, nakatanaw lang sa malayo ang dalawa at nagbabantay. Ganon lang.

Along with the EntitiesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant