Kabanata 56

517 26 9
                                    

CINCO'S POV

"Jusmiyo!" Asik ni Lola nung patapon niya kaming bitawan  sa bahay niya, sa aming family house— kung saan siya nakatira.

Nagtungo kami rito matapos naming iwanan roon sa bungad sila Erro at Simon. Halatang hindi maganda ang presensya ni Erro nung mapanood niya kaming marahas na hinila ni Lola para mapalayo sa kanila. Halata sa kanyang mukha na gusto niyang maparusahan si Lola ngunit agad ko ng pinigilan. Umiiling-iling ako sa kanya at mahinang sinasabi na"huwag". Ayokong magpadalos-dalos siya at ayoko ring masaktan niya si Lola. Mabuti nga't pinakinggan niya ako. Tiniis nalang nila na panoorin kaming kaladkarin ni Lola.

Ngayon, nandito kami sa bahay ni Lola kung saan walang tao. Kami lang. Sigurado akong nasa bahay ang mga Auntie namin at hindi naisipang dalawin dito si Lola ngayon. Mas maganda na rin siguro 'to. Ayokong mas marami pang makaalam, hindi ako handa. Takot ko nalang na malaman pa 'to nila Roy at Ken.

Umimpit ako at naiiyak na umiling. "Lola—"

Sinampal niya ako.

Natigilan na naman ako dahil sa kanyang sampal. Ngayon, napahawak na ako sa aking pisngi dahil ramdam na ramdam ko na ang lutong nito. Hindi lang ako, pati si Rica, sinampal na niya. Galit na galit siya. Yung mga mata niya, parang nangigigil. Parang hindi pa siya kontento na sampalin lang kami pero pinipigilan niya pa rin ang sarili niyang gumawa nang kung anong ikasasakit pa namin.

"Walang kasalanan si Cinco, La! Ginagawa niya lang ang kasunduan nila!" Depensa ni Rica sa akin.

Galit siyang bumulyaw. "Maaari niyong sabihin 'yan sa amin!"

"Nasa kasunduan 'yan, La! Bawal nga raw sabihin kahit kanino! Ang sabi sa kasunduan, sila ang magsasabi sa itinakdang araw!"

Suminghal si Lola sa pasigaw na sumbat ni Rica. "Mautak ang mga maligno pero mas mautak ang mga tao, Rica! Tandaan mo 'yan! Hindi ba't sinabi ko na ang bagay na 'yan sayo noon?! Anong nangyayari sa ulo mo ngayon?!" Suminghal siya at iritang ngumisi. "Bakit?! Huwag mong sabihin na umiibig ka na sa impaktong 'yon?!" Hindi nakasagot si Rica sa direktang tanong ni Lola. Napalingon sa akin si Lola at hinaklit ang braso ko. "Ikaw, Cinco?! Tapatin mo nga ako, umiibig ka na rin ba sa maligno na 'yon, ha?!"

Hindi ako nakasagot.

Bigla akong tinamaan ng kaisipan ngayon. Napalunok ako ng laway. Umiibig? Ako? Kay... Erro?

Ito ang tanong na laging sumisilip sa aking utak. Ito ang tanong na matagal-tagal ko ring iniiwasan. Hindi ko kailanman magawa 'yang sagutin dahil sa kabuluhan. Ngayong tinanong ni Lola, meron nga ba? Meron ba akong nararamdamang pagmamahal kay Erro? Umiibig na ba talaga ako? Mag-isip ka ng maayos, Cin. Ito ang bagay na iniiwasan mo pero ngayon, tinatanong mo na mismo sa iyong sarili. May gusto ka na ba sa kanya? Umiibig na ba talaga ako? Ang isang taong normal na tulad ko ay umiibig na nga ba sa kanya? Minamahal ko na ba ang tulad niya?

"Umiibig ka na ba?!" Galit na tanong ni Lola. Nabalik ako sa aking wisyo. Napalunok ako at marahang umiling. Tinaasan ako ng kilay ni Lola dahil don, parang hindi naniniwala. Inilipat niya ang tingin kay Rica kaya ganon rin ako. Napasinghap ako sa tingin ni Rica sa akin. Para siyang naiinis na nagtataka. Nagsalita si Lola. "Ikaw, Rica?! Umiibig ka na ba?!"

Salubong ang kilay ni Rica sa akin. Ilang segundo niya akong inis na tinignan na para bang hindi niya nagustuhan ang sagot ko kay Lola. Kalauna'y hinarap niya si Lola habang nakangisi. "Oo." Napasinghap ako sa sagot niya. "Oo, minamahal ko si Simon, umiibig ako ng maligno—" natigilan si Rica nung sampalin siya ulit ni Lola.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now