Kabanata 7

521 18 1
                                    

CINCO'S POV

Hindi mapigilan ang iyakan ng mga tao, pati na rin kami ni Rica. Ang mga gamit ay nasa labas na at ang inaalala nalang ay sana hindi mahagip ng apoy ang bahay ng mga kapamilya ko. Lahat ng bahay nila ay ayos pa naman pero kung hindi mapapatay ang malaking apoy sa mga nasusunog na bahay ng aming mga kapitbahay ay talagang aabutin ang mga bahay ng aming kamag-anak.

"Cinco!"

Napalingon ako kay Mama nung tinawag ako. Nilingon kami ni Auntie Alura (mama nila Rica at Roy) kaya agad niyang dinaluhan si Rica. Ako naman ay lumapit kila Mama na umiiyak.

"Magiging okay rin ang lahat. Nag-call na kami ng mga firefigthers." Naiiyak niyang sabi sa akin.

"Ma, anong nangyari? Anong sabi ni Lola? May nasaktan ba sa sunog?" Tarantang tanong ko.

"Ang sabi nila ay may natrap sa loob ng mga nasunog na bahay..." Pareho kaming mas napaiyak dahil sa binalita niya. "But, shh, it's fine. Ipagdadasal natin sila ha?" Tanging nasabi nalang ni Mama.

Tinawag siya ni Papa kaya naiwan akong nakatayo malapit sa kotse namin habang pinapanood ang malaking sunog. Kahit anong punas ko sa mukha ko ay hindi nito mapigilan ang malalang pagluha.

Ipinagdikit ko ang aking mga palad at pumikit. Nagsimula kong ichant ang lahat ng dasal na alam ko. Pagtapos nun ay ang sarili kong dasal. Lahat ng santo ay tinawag ko sa pagdadasal ko, tinanaw ko ulit ang sunog at napakalaki pa rin nito. Mas lalo akong nahabag at napaiyak ng lubusan.

Pinunasan ko ang mukha ko at ipinagdikit ulit ang palad ko. Taimtim akong nagfocus at nagdasal sa isipan ko na sana ay may tumulong sa aming matigil ang malalang pangyayari na 'to.

'Kung sino man ang nakakarinig sa akin ngayon, kahit sino, lahat gagawin ko, tulungan niyo lang na matigil ang malubhang sunog na 'to...'

Napadilat ako nung may malanghap na bulaklak, ang dama de noche.

Napalingon ako sa aking gilid nung makita ang engkantong binati si Uno, siya ang nakita ko sa aking panaginip, ang nakita ko sa gubat, at tinatawag kong impakto. Natiklop ako dahil nakatitig siya sa akin. May kasama pa siyang isang lalaki pero hindi ko na 'yun pinansin pa. Nanatiling nasa kanya ang paningin ko.

Ngumisi siya at nilingon ang malaking sunog. Pinanood niya rin ang mga taong nakatalikod sa banda namin na iniiyakan ang apoy. Narinig ko ang bahagya niyang halakhak habang pinapanood ang mga taong nagsu-suffer sa nangyayari.

"Nakakatuwa." Aniya. Pasiring niya akong hinarap na may ngisi sa labi.

Nilingon niya ulit ang sunog at pumikit. Ilang minuto siyang nakaganon bago dumilat at inangat ang mukha para tignan ang kalangitan. Pumikit siya ulit at ilang minutong nakapirmi sa ganong ayos. Nung matapos siya, nilingon niya ulit ako at nginisian. Nilagpasan niya ako kasunod ng lalaking kasama niya. Pagliko niya sa likuran ng kotse, nawala na sila ng parang bula. Kahit ang dama de noche na naamoy ko ay nawala na rin.

Hindi ko na sila pinansin pa at ibinalik ang tingin sa apoy pero agad akong natigalgal nung may maramdamang pagpatak sa ulo ko. Inangat ko ang aking ulo at tinanaw ang kalangitan.

Marahan na tumulo ang tubig sa kalangitan hanggang sa unti-unti itong lumakas.

Ulan?

Nagsigawan ang mga tao nung maramdaman rin ang mabilis na pagpatak ng ulan. Iginala ko ang aking mata at lumiwanag ang mga mukha ng bawat taong umiiyak lang kanina.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now