Kabanata 39

417 16 0
                                    

CINCO's POV

Para akong nawala sa tuliro dahil sa nakita. Lumunok ako at pilit na hindi nalang lumingon sa salamin. Malala ang kabog ng puso ko at para akong natuyuan ng lalamunan. Nagsitaasan rin ang balahibo ko dahil sa kilabot.

Hindi ko na kinaya kaya kinalabit ko na si Claire at sinabing uuwi na ako. Medyo nagulat pa siya sa biglaan kong paalam dahil nag-uusap pa sila ng pinsan niya, pero hindi ko na pinansin. Ayoko na. Hindi ko talaga kaya ang ganitong feeling at parang need kong huminga ng maayos sa ibang lugar.

Nagtaka rin sila dahil parang pinagpapawisan at hindi okay ang mukha ko. Tinadtad ako ng tanong ni Kulas kung ano raw problema pero panay lang ang iling ko at sinabing uuwi na ako. Tapos naman na rin ang party. Panay na batian at inuman ng lahat. Hindi na ako kailangan. Nameet ko na rin naman the rest ng pamilya ni Claire kaya wala ng problema. Mabuti nga at pumayag na sila at inihatid ako sa gate.

Kinuha ko ang bag ko. "Sorry, Claire, ha? Pasensya na talaga. Uuwi muna ako..." Sabi ko pa nung nasa gate na kami.

"Ayos lang. Chat mo ako kapag nakauwi ka na ha? Sorry sa pinsan ko, naging uncomfortable ka ba?" Bakas ang pagkapahiya kay Claire kaya agad akong umiling.

Pilit akong ngumiti. "Ayos lang, Claire. Walang problema..."  Nagpaalam ulit ako kaya tumango na siya at hinayaan na kami ni Kulas. Nagmamadali ang lakad ko na parang uwing-uwi habang si Kulas ay nakasunod.

"Sorry, Cin. Uncomfortable ba ang mga tanong nila kung girlfriend ba kita?" Nagsalita siya habang pinapantayan ang mabilis kong lakad.

Umiling ako at pekeng ngumiti. "Ayos lang, Kulas. Alam nating dalawa ang totoo." Nasabi ko nalang. Napasinghal pa ako nung makitang dumidilim na. "Kaya ko naman na Kulas, natandaan ko ang dinaanan natin kanina, pwede ka ng bumalik don." Sabi ko pa.

Umiling siya. "Ihahatid na kita."

"Okay lang. Kaya ko---"

"Cin, I know you're not okay. Let me."

Umiling ako. "Kaya kong makauwi, hindi ko na kailangan ng guide atsaka medyo may liwanag pa naman." Huminto ako at hinawakan ang magkabilang braso niya. Punong-puno ng pag-aalala ang mata ko. "Please, pakibantayan nalang si Claire."

"What?" Nagtaka ang mukha niya. "Eto na naman ba tayo, Cin? Pinipilit mo na naman ba ako kay Claire?"

Umiling ako, natataranta. "Hindi! Hindi 'yon ang point ko. Basta kailangan mo siyang bantayan, please."

"Why would I?" Bahagyang nainis ang mukha niya. Hindi naman ako nakasagot, hindi ko gusto ang sinabi niya.

Tumalim ang tingin ko at ganon rin siya. Nagpatatasan kami ng tingin. At sa way na 'yon, alam kong alam niya na gusto kong sundin niya ang sinabi ko. Gusto kong sumunod siya. Pareho rin naman naming kaibigan si Claire at para rin ito sa kanya. Hindi ko lang talaga masabi ang reason dahil alam kong wala na namang maniniwala sa akin at magmumukha lang akong tanga kakaexplain sa kanila ang about sa nakita ko. Walang naniniwala. Masakit sa part na hindi ka pinaparinggan ng lahat dahil lang hindi sila naniniwala sa mga pamahiin. Ngayon, alam na alam ko na kung bakit nasasaktan si Rica kapag gusto niyang iligtas ang isang tao pero yung tao na mismo ang may ayaw.

Umihip ang hangin kaya mabilis akong natigilan. Mabilis na bumlanko ang laman ng isip ko at lumiwanag ang tingin ko kay Kulas. Napasinghap ako. Parang gumaan ang pakiramdam ko nung maamoy ko ang matinding halimuyak ng dama de noche.

"Ako ang maghahatid." Sabi ng pamilyar na boses.

Napalingon ako dahil don. Bahagya pa akong nagitla dahil hindi ko inaasahan na lilingon rin si Kulas sa pwesto ng nagsalita. Mukhang sinadya ni Erro na magpakita talaga sa mga oras na 'to sa kanya. Ayos lang naman siguro lalo na't wala na akong ibang nakikitang tao dito sa dinadaanan naming maluwag na eskinita.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now