Kabanata 22

439 15 0
                                    

CINCO'S POV

Natahimik si Claire dahil sa sinabi ko. In-offer ko pa si Kulas na pagtanungan niya upang malaman na nagsasabi ako ng totoo pero hindi niya nagawa. Bakas ang gulat at takot sa mukha niya bago kami hilain papaalis ng lugar na 'yon.

"Naniniwala ako sayo." Ani Claire. "May usapan na talagang may nagpaparamdam don sa banyo." Asik niya habang patuloy lang kaming hinihila pabalik sa room.

Nung makabalik kami, umupo kami sa sari-sariling upuan. Maingay ang room dahil sa mga kaklase kong kung ano-ano ang ginagawa. Wala pa rin kasi ang last subject namin kaya ganitong magugulo ang mga estudyante.

"Grr! Ang aga-aga, tinatakot ako! Alas-tres palang ng hapon, jusko naman!" Reklamo ni Claire. Nilabas niya ang make-up sa bag niya at nagretouch. "Nasaan ba si Mam?! Last na subject na natin! Bakit ang tagal niya?"

Sumagot si Kulas sa isang mababang tono habang nakalingon sa banda ko. "Baka hindi na siya pumasok."

"Why, Kulas?" Maarte ngunit may halong lambing na tanong ni Claire. Napangiti ako. Inamin niya sa akin na may gusto siya kay Kulas. Sinabi ko ngang umamin na siya dahil bagay naman sila pero nahihiya pa raw siya.

"Busy ang faculty kanina." Malamig na sagot niya at nagpangalumbaba.

"Guys!" Napatingin kami sa harapan nung magsalita ang president ng section namin. "May nasagap akong balita. Dismiss tayo ng maaga dahil busy daw si Mam Honey." Tukoy niya sa teacher naming last subject sana ngayon. Naghiyawan ang lahat at mabilis na inayos ang mga gamit. "Cleaners, maglinis!" Pahabol pa ng presidente.

"Omg! Yey, maaga ang uwian!" Asik ni Claire matapos ang kanyang pagme-makeup. "Gala tayo?" Suhestyon niya. Nilingon ko si Kulas nung hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin na parang hinihintay ang magiging sagot ko.

Bumuntong-hininga ako at hilaw na ngumiti. "Sorry, Claire. Hindi kasi ako mahilig. Pupuntahan ko rin kasi ang mga pinsan ko." Reason ko at isinuklit na ang bag sa balikat ko. Tumayo ako at nginitian sila. "Kayo nalang munang dalawa..." Pasimple kong kinindatan si Claire kaya agad naman niyang nakuha 'yon.

Ngumiti siya ng malawak at tumango. "Sige, I understand, Cinco. Kami nalang muna ni Kulas."

Tumango ako at tinalikuran na sila.

"Hindi ako free, Claire. Ikaw nalang muna. Pupuntahan ko si Coach." Dinig ko pang sabi ni Kulas bago ako tuluyang makalabas ng room.

Mabilis akong bumaba ng building at tumungo sa batibot ng school. Nilabas ko ang cellphone at chinat sa gc namin na maghihintay ako sa batibot para sabay-sabay kaming umuwi nila Rica. Hindi pa sila nagsi-seen kaya mukhang may teacher pa sila sa last subject.

Bumuntong-hininga ako habang tinitignan ang paligid. Wala pang mashadong student na nagsisi-uwian kaya tahimik pa ang school. Maganda 'tong school actually, ito raw ang pinakamalaking school dito sa lugar nila Rica. Nandito na kasi ang lahat ng grade-level ng mga student kaya sikat sa probinsya. Maganda at malinis rin ang school so hindi na lugi ang mga students.

"Hihintayin mo sila?"

Inangat ko ang aking tingin kay Kulas na nasa harapan ko na pala. Umupo siya sa tabi ko pero may kaunting space pa naman sa pagitan namin.

Hilaw akong ngumiti. "Ah, oo, yung mga pinsan ko..."

Sa loob-loob ko, napabusangot ako. Hindi ko kasi talaga gusto ang vibe niya. Hindi rin ako sanay na may kausap akong tao na ganito at lalaki pa. Basta, hindi ko siya type kahit na maging kaibigan. Napangiwi ako. Kainis naman, bakit hindi pa siya umalis at hayaan ako rito?

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now