Kabanata 28

451 14 2
                                    

CINCO'S POV

Lasog ang kanyang katawan at dilat ang kanyang mata habang umaagos ang masagana niyang dugo. Parang napipi rin ang kanyang ulo sa sahig. Pero, ang mas nakakahabag sa kanya ay yung katawan niya. Hindi ko matanggap. Parang ang sakit-sakit niya tignan. Pilay-pilay ang kanyang katawan na parang pumihit ito paikot.

Natutop ko ang aking bibig.

Napaupo ako sa sahig habang nakatingin sa kanya. Kahit ang paglunok ay hindi ko na magawa. Mashado akong natigilan. Hindi ko kayang gumalaw. Hindi ko lubos na maiprocess sa utak ko ang lahat. Kanina ay nakikita ko pa siyang gumagalaw at maayos, pero ngayon, hindi na. Kahit anong sign na maaari pang magpakita na buhay siya ay wala na. Dumidilim ang paningin ko sa sobrang lumbay at nanlalabo ang mata ko dahil sa sobrang lungkot.

"Lin..." Narinig ko ang hikbi ni president sa tabi ko. Unti-unti rin siyang napa-upo na parang hindi na kinaya ang nakita.

Nanatili akong nakatulala kay Lin. Umihip ang hangin kaya napansin namin ang isang papel na nasa kamay niya ang lumipad papalapit sa amin ni president. Dumikit 'yon sa tuhod ko kaya marahan at nanginginig ko 'yong dinampot.

Tulad lang siya ng lumang papel. Yung papel na binigay sa akin ni Cuadro at yung papel na nakita ko kanina sa bag ko. Same na same lang. Binuklat ko 'yon at tumambad sa akin ang isang sulat na hindi ko maintindihan. Basta dikit-dikit ang pagsusulat pero mas hindi ko 'to maintindihan kesa sa sulat ng doctor.

"Kay Lin?" Nanginginig na tanong ni President habang nakatingin sa papel na lumipad sa amin. Tumango ako kaya mas lalo lang siyang umiyak.

Pagbaba ng mga teacher galing sa lumang building para sana pigilan si Lin, lumapit na ito sa amin. Sinuway nila ang mga estudyante at pinabalik na sa kanya-kanya nilang kwarto pero dahil nabalisa kami ni president, hinatid kami sa clinic.

Matapos ang ilang oras at pangyayari, nakahiga ako sa clinic bed habang pinagmamasdan ang puting kisame. Nalulumbay ang puso't isipan ko para kay Lin pero hindi ko magawang umiyak. Parang sobrang blanko na ng mata ko para pilitin pang lumuha.

Sumasakit ang puso ko habang nagf-flash ang kaunting interaction namin ni Lin. Ang pag-uusap namin, ang mga tingin niya, ang maliit niyang tinig, ang pagtulong niya sa akin kay Kulas--- lahat. Nalulungkot ako pero parang hindi pa kayang magdusa ng katawan ko sa nangyari sa kanya. Hindi ako makaiyak at mas nahihirapan ako sa ganon.

Hinawi ng katabi ko ang kurtina, si President. Umupo siya sa kama. Namamaga ang kanyang mata kakaiyak pero mahinahon naman na siya ngayon. Hindi na siya lumuluha ulit.

"Patingin ako nung sulat..." Nanghihinang sabi niya habang nakalahad ang kamay.

Marahan akong kumilos at sinunod siya. Kinuha ko sa bulsa ang hinanging sulat sa amin na galing kay Lin. Ibinigay ko sa kanya 'yon at sinimulan naman niyang titigan 'yon. May nakapa pa akong papel sa bulsa ko kaya kinuha ko 'yon at tinignan, ito yung message na nakita ko kanina.

Napatingin sa akin si President. "Ano 'yan? Meron ka rin?" Tanong niya. Inilabas niya sa kanyang bulsa ang isang maliit rin na papel na tulad ng akin at ipinakita 'yon. "Alam ko ang sulat ni Lin. Sa kanya 'to..." Aniya.

Nagpalitan kami ng papel at binasa ang mga nakalagay. Iba ang ginamit na words sa message para kay President pero same lang ito ng pinopoint.

"Kung ganoon, si Lin ang nagbigay nito sa atin?" Paglilinaw ko.

Tumango siya. "Sa kanya 'to sulat. Itong isa..." Ipinakita niya ang papel na hinangin kanina na hindi namin maintindihan ang sulat. "Wala akong ebidensya pero malakas ang kutob ko na dasal ito."

Along with the EntitiesOn viuen les histories. Descobreix ara