Kabanata 50

514 24 9
                                    

CINCO'S POV

"Wala akong kapatid, Cinco." Sabi ni Lawrence sa seryosong tono.

Natigilan ako.

Napatingin ako sa kanilang tatlo. Kapwa mga mukhang nagtataka sila President at Faith sa akin. Para bang sinusuri nila kung anong sinasabi ko or kung nagbibiro ba ako. Mga seryoso silang lahat. Para tuloy awkward at nabalutan ng sindak ang aming paligid.

Hilaw akong ngumiti. "Ah, I see. Pero, meron ka pang kasama sa bahay niyo, diba?" Pagkaklaro ko pa.

Napasinghap si Lawrence. "Wala..."

Kunwaring tumawa si President. "Ano ba 'yon, Cin? Hindi ba't sinasabi ko sayo nung nakaraan na dito tayo kila Lawrence gagawa ng research dahil nga walang tao sa bahay nila? Siya lang. Siya lang ang tao dahil magbabantay siya ng bahay nila. Bawal iwanan lalo na't nasa trabaho ang parehong magulang niya. Anong sinasabi mong may kasama?"

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

Tuluyang umakyat ang kilabot sa buong sistema ko at pinalibutan na ako ng matinding kaba. Mga mukha talaga silang seryoso at hindi nagbibiro. Parang sa pagkakataong ito, alam ko na. May hindi tama. May hint na ako. Kababalaghan na naman 'tong napasok ko.

Napasinghal ako.

Kaya pala. Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko sa bahay nila Lawrence dahil may kakaiba na. Naging palaisipan tuloy sa akin 'to. Ngayon nasa labas na kami, humaplos na sa akin ang hanging panlabas, bahagya nang magaan ang damdamin ko. Hindi tulad kanina na sobrang bigat.

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Humigop ako ng hangin bago nagsalita. "M-May tao kasi sa kabilang kwarto niyo, Lawrence." Amin ko.

Napasinghap si President at Faith sa sinabi ko. Halatang natigilan din sila dahil sa pag-amin ko. Si Lawrence, seryoso pa rin ang mukha. Hindi siya mukhang nagulat o ano pa man. Mukhang normal na sa kanya 'to.

"A-Ano, Cin?" Asik ni Faith.

Bumuntong-hininga ako. "Kanina, nung kumuha kayo ng meryenda at nagbanyo si President, naiwan ako sa kwarto. Nakabukas ng kaunti yung pintuan papuntang kabilang kwarto. Nakasiwang 'yon. Nakita ko doon na may nakasilip..." Pagkaklaro ko. "Pagbalik niyo, nawala siya. Pero, nung nagstart na ulit tayo mag-gather ng data, sa tuwing napapatingin ako sa siwang na 'yon, nakikita ko siya. Nakatitig sa akin..."

Lumunok si President. Mukha siyang nahabag. "A-Ano bang sinasabi mo? Sure ka ba? Sino naman 'yon?"

Umiling ako. "Babae siya. Mahaba kasi ang buhok nung mahagip ng mata ko." Nilingon ko si Lawrence na nakatikom lang ang bibig habang nakatingin sa akin. "Sino 'yon, Lawrence?"

Hindi agad siya nakapagsalita. Apat kaming hindi nakapagsalita sa tapat ng gate nila. Namayani ang katahimikan sa mga pagitan namin na animo'y nagpapakiramdaman. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko habang nakikipagtitigan kay Lawrence. Matindi ang kaba ko. Gusto kong malaman ang sasabihin niya. Gusto kong maliwanagan.

Kalauna'y bumuntong-hininga si Lawrence. "Last January namatay ang ate ko. Suicide. Napressure kila Mama." Malumanay na pag-amin niya. Lumunok siya at yumuko. "Yung kwarto na tinutukoy mo, kwarto ng ate ko 'yon.."

Napasinghap kaming tatlo.

Nanginginig ang halinghing ko nung bumuga ako ng hangin. Para akong mas nalamya. Hindi ko inaasahan at hindi ko madescribe ang takot na bumabalot sa akin ngayon. Ni, hindi nga mag-sink in sa utak ko na nagawa kong makipag-titigan sa kung sino mang nakita ko. Ang malala, nakipag-usap pa ako. Kakilabot! Hanggang ngayon, malinaw na malinaw pa sa akin ang nanlilisik niyang mata at mga nanunusok niyang tingin habang ginagawa namin ang research. Hindi ko maisip na nagawa kong makipag-tinginan sa tulad niya. Sa tulad niyang... kaluluwa?

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now