Kabanata 9

490 15 0
                                    

CINCO'S POV

Mabilis kong itinago lang ulit ang cellphone ko after makabasa ng mga kasabihan about engkanto. Kakaunti lang ang mga nakuha kong impormasyon at ang ilang balita ay puro wala ng katuturan. Naburyong tuloy ako at humilata nalang sa kama.

Mula rito, dahil spanish at gawa sa matibay na kahoy ang bahay ni Lola, rinig na rinig ko ang tawanan nila sa ibaba. May mga gawaing-pambahay sila Rica at Roy sa kanila habang si Ken naman ay nagpaalam kaninang matutulog kaya hindi kami makapagtipon.

Hindi tuloy mawaglit sa isipan ko ang sinabi ng maligno na yun sa akin.

"Hay!" Irita kong singhal at dumapa sa kama. Sinabunutan ko ang sariling buhok para makapag-isip pa ng maayos kung anong atraso ko sa engkanto na yun. "Ano ba kasi 'yun?!" Irita kong tanong sa sarili.

Pinilit kong alalahanin ang mga kaganapan sa amin nung may sunog hanggang sa...

'Kung sino man ang nakakarinig sa akin ngayon, kahit sino, lahat gagawin ko, tulungan niyo lang na matigil ang malubhang sunog na 'to...'

Naalala ko bigla ang sinabi ko!

Napatakip ako ng bibig at mabilis na napaupo sa kama. Umakyat sa pagkatao ko ang pangamba at pagkatakot.  Marahil iyon ang hiling na sinasabi niya sa akin at kailangan kong bayaran 'yon kapag naningil na siya.

Bigla kong naalala ang isa sa mga nabasa ko sa internet.

'Pamahiin sa amin na kapag magdarasal, kailangang banggitin ang "in Jesus name" or "Sa ngalan ni  Jesus Christo" Amen, pagtapos magdasal. Baka raw kasi iba na ang dinadasalan mo o iba na ang nakakarinig sayo.'

Napahilamos ako ng mukha nung maalala ng lubusan ang nangyari. Sa sobrang lulong ko sa pag-iyak at sa pagiging wala ko sa wisyo nung may sunog, hindi ako nakapagdasal ng maayos. Kaya pala! Kaya pala ang maligno na 'yun ang nakarinig sa akin!

Para akong nanghina nung maliwanagan sa katangahang nagawa ko. Isang malaking pagkakamali at isang kasalanan! Maling-mali! Nakagawa ako ng malalang pagkakamali at kailangan kong bayaran 'yon sa lalaking maligno dahil utang ko na sa kanya 'yon!

Umihip ang hangin kasabay ng pag-amoy ko sa pamilyar na bulaklak, ang dama de noche.

"Hindi maipinta ang iyong mukha."

Mabilis akong napabalikwas ng tayo nung mamataan ko sa dulo ng kama ang lalaking maligno. Iyon lang ulit ang suot niya at nakangisi sa akin.

Parang tinambol ang puso ko dahil sa presensya niya. Kanina ay may lakas-loob akong lumapit sa kanya para magpasalamat pero ngayon, bumalik na ang matinding kaba at takot ko dahil naliwanagan na ako sa lahat. Hindi ko alam kung anong paniningil ang gagawin niya. Puno na ng pagkatakot ang buong pagkatao ko at natatakot ako sa maari niyang gawin sa akin ngayon.

"U-Umalis ka..." Nabasag ang boses ko dahil sa takot. Ramdam ko ang panginginig at panlalamig ng kamay ko.

Marahan siyang humalakhak at matalim akong tinignan. "Naalala mo na ba ang hiniling mo?"

Napalunok ako sa tanong niya. Unti-unting namasa ang mata ko dahil hindi ko na mahandle ang takot at pangamba sa akin.

"Hindi pa naman ako maniningil sa ngayon." Aniya. "Dadating ang oras para riyan..." May pagbabantang sabi niya bago nawala ng parang bula sa harapan ko. Nawala na rin ang amoy niyang dama de noche kaya agad akong nanghina at napaupo sa lapag.

Mariin kong inilapat ang palad ko sa aking dibdib para pakalmahin ang pusong maghuhumerantadong tumitibok. Para akong mamamatay dahil sa kaba at takot. Ngayon ay sumampal sa akin ang napakalaking problema at ang kaugnayan ko pa ay isang engkanto!

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now