Kabanata 41

459 13 1
                                    

CINCO'S POV

"Si Mang Kanor... patay na."

Iyan ang tumatak sa isip ko buong araw. Sa araw na ito, si Ken at Roy lang ang pumasok. May laban pa kasi si Ken ng basketball kaya bawal siyang umabsent, si Roy naman, inaasahan sa stall nila. Kami naman ni Rica, hindi na pumasok. Nakabihis na sana siya nung makita ko kaninang umaga pero dahil sa nabalitaan, umayaw na. Para siyang nawalan bigla ng gana, iyon bang nanghina.

Napabuntong-hininga ako.

Kahit ako man ay nakaramdam ng matinding pangamba at guilty. Nakakapanghina rin nung nabalitaan ko 'yon. Hindi namin inaasahan na agad-agad mangyayari kahit na nakitaan ko na siya ng doppelgänger.

Nakakapanlumo nga e. Hindi ko kasi nasabi nung araw na 'yon kay Mang Kanor ang nakita kong kapareho niya, nanghina na kasi talaga ako dahil sa takot. First time ko maka-encounter ng mga ganitong pangyayari kaya hindi ko talaga kinaya. At isa pa, hindi ko na rin siya nahabol that time dahil malayo-layo na siya nung mapansin ko ang doppelgänger na nasa loob ng tricycle niya.

Napangiwi ako.

Paano ko rin masasabi kung that time, alam kong walang pangontra sa ganon? Si Mang Kanor na mismo nagsabi at sigurado akong alam ng mga tao 'yon lahat rito na niniwala rin sa mga pamahiin. Kung ako man din, hindi pa sure kung gagana talaga ang ginawa namin ni Simon sa tulong ni Erro. Walang kasiguraduhin dahil nga ang alam ng mga tao dito sa mundo ko, walang pangontra. Wala akong magagawa. Ang choice ko nalang ngayon ay maghintay at manalangin na sana nga nakontra ko yung doppelgänger ko.

"Ganoon pala ang nakita mo, Iha..." Sabi ng isang babae, panganay yatang anak ni Mang Kanor. Kasalukuyan kasi kaming nakidalo sa lamay nila. Kahit hapon palang, nandito na talaga kami para makiramay.

"Opo, pasensya na at ngayon ko lang nasabi..." Lubos na makikita ang panlulumo at guilty sa akin. Nung makarating kasi kami rito, pinaliwanag ko sa kanila ang nakita ko.

Malungkot siyang ngumiti. "Wala namang pangontra sa ganon. Ang madalas na kasabihan ng iba, hayaan nalang daw. Iyon nga lang, mabilis ang naging pangyayari para kay Papa.." sabi nung babae.

Umiling ako. "Pero kahit na po, sana talaga sinabi ko na kagabi at pumunta ako rito sa inyo para bigyan kayo ng paalala..."

Umiling yung babae at hinaplos ang balikat ko. "Kahit sabihin mo sa amin, wala na tayong magagawa."

"Baka po kasi may iba pa pong pangontra. May nakapagsabi po sa akin na way kung paano. Sana manlang nasabi ko..." Tukoy ko sa ginawa namin ni Simon. Halata sa mukha ko ang konsensya.

"Iha, kung nakakaramdam ka ng matinding konsensya, maging kalmado ka." Hinaplos niya ang balikat ko. Nanatiling nanonood sa amin ang ibang mga kamag-anak ni Mang Kanor. "Wala kang kasalanan. Kahit nasabi mo man sa amin 'yan kagabi, wala ring mangyayari dahil wala rito si Papa." Natigilan ako. Naalala ko, ibinaba nga lang pala ako ni Mang Kanor sa kanto. Kung tutuusin, pwede siyang dumiretsyo para sabay na kami umuwi pero hindi. May dinaanan pa yata siya that time or may pinuntahan. Nagpatuloy magsalita yung babae. "Nangyari ang aksidente kagabi, kaya kahit masabi mo man sa amin or ipaalam man namin sa kanya ang gagawing pangontra, huli na ang lahat. Wala na tayong magagawa. Naging mabilis ang lahat. Nalaman nalang namin nitong madaling araw na nasa hospital na siya at nag-aagaw buhay. Pagpunta namin ro'n, saktong tumigil na ang puso niya."

Napasinghap ako.

Nagpatuloy siya. "Nakakalungkot man ang nangyari pero kailangan naming tanggapin. Maraming salamat dahil ipinahayag mo sa amin ang nalalaman mo." Panghuling sinabi niya.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now