Kabanata 45

486 17 0
                                    


CINCO'S POV

Marahan akong napadilat nung nagkamalay. Unang tumama ang mata ko sa ilaw na bahagyang mahina. Kinusot ko ang aking mata para mas luminaw ang aking paningin, kisame palang, alam ko ng nasa kwarto na ako ng bahay namin. Yun nga lang, may kakaiba, yung ilaw ko dito sa kwarto, malakas at maliwanag pero ngayon, ang hina.

Bumuntong-hininga ako at bumangon.

Saktong pagtama ng mata ko sa isang silya na malapit sa bintana ng kwarto ko, namilog ang mata ko. Nandoon ang Ina ni Erro. Mabilis akong napatakip ng bibig at agad hinanap si Erro. Mabilis ko naman siyang nakita dahil nasa side lang siya ng kamang hinihigaan ko at nakatayo habang nakatingin sa akin.

"Nandito pa rin siya..." Bulong ko sa kanya matapos kong gumapang para lumapit at magtago sa likuran niya.

Nanumbalik na naman ang kaba at takot sa damdamin ko pero hindi naman na sobrang malala. Ayos na kasi ang presensya ng nanay ni Erro. Hindi tulad kanina na ang hirap talagang tapatan at dalhin. Nakakapanghina yung presensya niya, hindi talaga normal. Mabuti nalang ngayon at naisipan niyang hinaan kaya't hindi ako ganon kakaba at katakot.

Sinulyapan ko ang wallclock sa kwarto ko at nakita kong alas-tres na ng madaling araw. Sumakto pa talaga sa devil's hour. Kinagat ko ang aking ibabang labi at ibinalik ang tingin kay Erro na seryosong pinagmamasdan ang lahat ng mga kinikilos ko. Hindi niya talaga matantanan ang mukha ko, masasanay nalang talaga ako na ganyan siya palagi.

"Tulog na ang pamilya ko ng ganitong oras. Sino ang naghatid sa akin dito? Baka nagulat sila Mama at Papa?" Mahina ang boses ko nung ibulong ko ito sa kanya ngunit ang tono ko ay binabalot ng pag-aalala. "Baka magtaka 'yon kung bakit nandito na ako sa kwarto ko e nakita nila akong lumabas kahapon..."

Kumurap ng isang beses si Erro. Tinitigan niya ang mukha ko bago nagsalita. "Huwag ka mag-aalala, maayos na ang lahat. Gamit ang aking mahika, gumawa ako ng iyong kapareha at pinakita sa kanila na umakyat ka sa iyong kwarto."

Nakahinga ako ng maluwag sa nalaman. "Mabuti naman. Mahirap na, baka malaman nila." Tumikhim ako. "Ikaw ang naghatid sa akin?" Hindi siya sumagot pero ang mga mata niya na ang sumisigaw ng "oo" sa akin. Alam ko na 'yan. Ganyan naman siya.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Mahina ang boses niya, sapat na para marinig ko. Nasa tabi naman niya ako e, nakasiksik ako sa kanya para hindi makita ng nanay niya.

Tumango ako at ngumiwi. "Nakakatakot lang ang nanay mo. Bakit pala siya nandito pa? Wala naman siguro siyang gagawin sa pamilya ko 'no?"

Bumuntong-hininga si Erro. "Hindi niya ugali 'yon. Hindi niya interest na makipaglaro sa mga tao." Sagot niya. Bahagya niyang isiniring ang mata niya, parang umirap. "Wala na akong kailangang itago at wala na rin akong pagpipilian, inamin ko na sa kanya ang ating kasunduan." Pagpapaalam niya sa akin.

Tumango ako at bumusangot. "Anong reaksyon niya? Ayos lang ba sa kanya 'to?"

Hindi agad siya ulit nakasagot. Lumamlam ang tingin niya sa mukha ko. Bumaba ito sa aking labi ngunit agad ring umangat sa aking mga mata. Kalauna'y narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga. "Nararamdaman ko ang galak sa kanyang puso. Ano pa ba ang aking aasahan? Pangarap niya talagang magkaroon ako ng kauri mo na magsisilbing aking katipan."

Ngumiwi ako at sinilip ang nanay niya sa dulo kung nasaan ang bintana at silya ko. Diretsyo ang upo ng nanay niya na akala mo'y kasali sa mga first class na mayayaman. Ganon pa rin ang kanyang kasuotan kaya hindi ko pa rin makita ng buo ang kanyang mukha. Ang nakikita ko lang ay ang labi niya na may guhit na ngiti habang nakaharap sa amin.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now