Kabanata 58

457 26 4
                                    

CINCO'S POV

Kinabukasan, ganon lang ulit ang nangyari. Nananatili akong nasa bintana habang tinatanaw si Erro. Mukhang magdamag, nandoon lang siya, nakatayo at pinapakiramdaman kung kailan ang pagbabalik ko. Hindi ako sigurado kung alam niya ang nangyayari, pero dahil sa mga pangontrang nararamdaman niya, alam kong may ideya na siya. Habang pinapanood ko siya mula rito, ako yung nahihirapan sa ginagawa niya. Nananatili siyang nakatayo roon at naghihintay. Naghihintay kung kailan ulit siya makakalapit. Naghihintay kung kailan ulit kaming dalawa magkakalapit.

Ganoon lang nangyari sa buong araw. Everything's filled with so much gloominess and dejection. I feel so empty. Kahit ang pag-iyak minsan, hindi ko na napapansin na lumalabas na pala sa aking pisngi.

On the other hand, tulad ng sabi ni Ken kagabi, babantayan nila kami ni Rica. Kahit sa pagkain, nakaantabay sila. Inaya pa nga nila kaming manood sa sala ngunit pareho kaming tahimik ni Rica at hindi nag-eenjoy. Ramdam nila 'yon. Halatang-halata nila na wala kami sa usual self namin. Para silang naninibago at mas lalong nag-aalala. Panay nga sila tanong kung may nararamdaman ba daw kami pero lagi lang kaming umiiling ni Rica bilang sagot. Ganon lang lagi. Nakakapanlumo lang ng lahat. Parang naghihintay kami ng kamatayan namin.

"Bakit kayo nandito, ya? Hapon na, wala ba kayong balak na bumisita sa mga kaklase mo?" Plain na tanong ni Rica habang kumakain kami ng meryenda sa hapagkainan. Hindi niya manlang nilingon ang kanyang kapatid.

Kasalukuyang wala si Lola kaya kami-kami lang ang nandito. May aasikasuhin daw siya para sa pangtawas namin kaya ipinasuyo niya kami kila Roy at Ken na bantayan ng maigi. Ang utos niya pa, huwag kaming papalabasin ng bahay at huwag hahayaang patanggalin ang mga pangontrang suot namin. At isa pa, umalis rin si Auntie Arina kaya maluwag talaga ang bahay.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Roy. Pagod at nanghihina ang kanyang mata na tinignan kaming dalawa. "Nabisita na namin ang ilan. Yung iba, hindi pinapayagan na magpapasok ng ibang tao. Yung iba naman, saglitang tingin lang. Karamihan ay family mourn lang. Hindi matagalang burol or lamay. Pina-cremate na ng iba dahil hindi na raw makilala ang kanilang mga itsura." Bumuntong-hininga siya. "Ngayong may nangyayari sa inyo, hindi na rin ako makaalis. Nag-aalala ako, Ric..."

"Ayos lang naman kami." Simpleng sabi ni Rica.

Lumapit si Roy at hinagkan ang kapatid. "Hindi ka ayos. Hindi ka ganyan, Ric..." Hinalikan niya ang ulo ni Rica. "Magiging maayos rin kayong dalawa. Let's just wait, ha? Babalik rin kayo sa dati. Mawawala rin ang sumpa sa inyo ng engkanto..."

"Hindi naman kami sinumpa."

"Yes, you are." Bumuntong-hininga si Roy at nagkatinginan pa muna sila ni Ken bago ulit nagsalita. "Naisip namin ni Ken ang isang bagay..."

Umismik si Rica. "Ano naman 'yon?"

Hindi agad sila nakasagot. Ilang segundo silang tahimik bago si Roy ang sumagot. "Since hindi sinabi ni Lola ang specific na nangyayari sa inyo. We've been wondering about some things at... 'yun nga, naisip namin na baka may mga engkantong natitipuhan kayo..."

Hindi kami nakaimik.

Si Ken ang gumatong. "Pansin kasi namin ang kaibahan sa inyo, parang may hindi tama." Umismik siya. "Nakakaya niyong magstay ng matagal sa bintana niyo para lang tumanaw sa gubat. Sa mga kwarto niyo, pareho kayo ng mga ginagawa. Pareho kayong inuubos ang mga oras na nakatanaw lang sa labas."

Napayuko ako, hindi manlang makaramdam ng kahit na ano.

"Cin, Rica..." Bumuga ng hangin si Roy. "Pwede bang..." Lumunok siya, parang nahihirapang magsalita. "Pwede bang huwag kayong sasama sa kanila kung kinukuha man nila kayo? Huwag rin kayo mahuhulog sa kanila kung nakikitaan niyo sila ng kagandahan sa katawan. They just cover themselves. Alam niyo 'yan. Nagpapanggap at nagpapalit lang sila ng anyo. Huwag kayong sasama..." Hinawakan niya ang palad namin at pinisil ito. "Just please... stay with us, ha? Huwag niyo kaming ipagpapalit sa mga lamanglupa."

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now