Kabanata 14

451 13 0
                                    

CINCO'S POV

Nanatili akong nakasilip sa maliit na glass-window ng pintuan ng matanda. Kasalukuyan siyang kinakausap ng nurse sa loob at mukhang galit siya rito. Para siyang nagra-rant sa nurse habang ang nurse ay pilit na sinisenyasan ang matanda na kumalma.

Napabuntong-hininga ako habang pinapanood sila. Bumabagabag sa akin ang sinabi ng matanda. Naaawa ako sa kanya. Parang gusto ko siyang pagbigyan na bantayan sa pagtulog. Feeling ko, hindi naman siya sobrang baliw. Hindi ko alam ang rason kung bakit nandito siya sa mental pero gusto ko siyang tulungan. Kahit kaunti lang. Kahit samahan ko lang siya matulog. Feeling ko, gagaan na ang pakiramdam ko.

"Uncle..." Napatingin ako kay Cuadro na nakatingin sa harapan kaya napatingin rin ako ron. Nakita ko si Papa na kakalabas lang ng room ni Mamita.

Napalingon sa amin si Papa at nag-aalala akong nilapitan. Hinaplos niya ang mukha ko. "Ayos ka na ba? May masakit pa ba sayo?"

Umiling ako. Naalala ko na naman si Mamita. "Umuwi na tayo, Pa." suhestyon ko.

Tumango-tango si Papa na sobrang willing na sundin ang gusto ko. "Oo, uuwi na tayo sa hacienda. Ipagpapahinga kita. Tara na." Aya niya sa akin at hinawakan ang palad ko. Sinenyasan niya rin si Cuadro kaya nagsimula na kaming maglakad.

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ng matanda at napabuntong-hininga. Kahit ano sigurong gawin ko, hindi naman ako papayagan ng nurse na magstay dun. Lalo na si Papa. Nag-aalala rin ako dahil baka ilapit na naman ako kay Mamita kaya mas napili ko nalang na umuwi.

Pag-uwi namin sa bahay, binalita ni Papa ang nangyari sa akin kaya nag-aalala si Mama na lumapit sa akin at kinamusta ako. Sinabi ko namang okay lang pero mukhang natunugan ni Mama na nagsisinungaling ako kaya lumapit siya kay Papa at pabulong itong pinagalitan. Agad namang nagsorry si Papa at malambing na pinakalma si Mama.

Nagpaalam naman na ako sa kanila na magpapahinga sa kwarto, mabuti nalang at pumayag silang dalawa. Pag-akyat ko sa kwarto namin inihiga ko agad ang sarili sa kama. Akala ko'y sa dala ng pagod, makakatulog agad ako pero hindi pala. Kada-pikit ko, naaalala ko ang nangyari sa amin noon ni Mamita.

Bumuntong-hininga ako.

Fresh pa ang lahat sa isipan ko kahit matagal na itong nangyari.

Ilang taon palang ako noon, pero may alam na ako sa nangyayari. Kahit bata pa ako, may kaalaman na ako sa paligid. Naiintindihan ko na ang maraming bagay at hindi pa naman ako sobrang maliit noon. Nasa wastong gulang na ako para maintindihan ang tama at mali.

Nasa manila sila Mama at Papa noon, nag-aasikaso sa mga trabaho at tinatayong negosyo. Iniwan muna nila ako kay Mamita, Daddy (asawa ni Mamita), Auntie Cent at ang nag-iisang anak niya, si Sixt. Lalaki ito, pinsan ko. Bunso si Auntie Cent sa magkakapatid pero mas maaga siyang nag-asawa at nabuntis. So, as a result, mas matanda sa akin noon si Sixt ng kaunti. Kaya lang, kakaiba ang pinsan ko na 'yon. Mashado siyang matalino. Parang minana niya ang utak at IQ sa grandparents namin which is sila Mamita at Daddy nga.

Scientist sila Mamita at Daddy so lagi lang silang subsob sa mga lab nila. Hindi ko na nga sila halos makita kahit nasa iisang bahay lang kami dahil panay sila trabaho sa lab nila. Ganoon rin si Auntie Cent, pero hindi siya scientist. Isa siyang nurse dito lang rin sa probinsya pero madalas na wala siya sa bahay dahil panay ang duty niya sa hospital. Sa kabilang banda naman, weekends ko lang nakakalaro si kuya Sixt dahil magkaiba ang pasok namin. Maaga ang pasok ko sa school habang siya naman ay panghapon. Ang madalas ko tuloy kasama ay yung mga katulong namin sa hacienda.

"Parang nakakatakot naman sila kuya Sixt..." Ngumuso ako habang nakatingin sa mataas na divider na punong-puno ng clear glass jar. Iba't ibang kakaibang hayop ang nasa loob non. Tulad nalang ng butiki, spider, rats at kung ano-ano pa.

Along with the EntitiesOn viuen les histories. Descobreix ara