Kabanata 10

521 15 0
                                    

CINCO'S POV

Nagulantang kami sa balitang nasagap tungkol kay Angel. Isang kababalaghan at nakakalungkot na malaman ang nangyari sa kanya.

"Ang pera niya nung debut ay ibinili niya nung motor dahil marunong naman daw siya gumamit. Kahapon ay bumyahe raw pa-manila para sa gathering ng mga kaibigan niya ngunit ayun, nahagip ng truck." Pagpapaliwanag pa sa amin ni Auntie Arina.

"Sayang ang buhay ng batang 'yon, kay bata pa." Komento naman ni Auntie Alura at umiling-iling.

Tumikhim si Lola. "Nabalitaan ko ang nangyari tungkol sa inyo, Roy. Totoo ba na tatlo kayo at nasa gitna ng larawan si Angel?" Pagtatanong niya kaya tumango si Roy at Rica. "Pamahiin 'yon e, ipinagbabawal. Ngunit sa baranggay na ito, alam kong hindi naniniwala sa mga kasabihan ang pamilya nila." Bumuntong-hininga si Lola. "Isang aksidente lang iyon para sa kanila. Wala na tayong magagawa para roon, makiramay nalang tayo." Pagtatapos ni Lola.

Pagtapos ng pagpupulong sa sala, nag-iba na ang usapin nila Mama kaya nagtipon kami ng mga pinsan ko sa kubo. Pare-parehas kaming tahimik at nangingilabot sa nangyari. Gusto kong isipin na aksidente lang rin ang lahat pero hangga't naiisip ko ang pamahiin na naganap ay kinikilabutan ako.

Narinig ang pagbuntong-hininga ni Rica. "Nakakalungkot ang nangyari sa kanya..." Aniya.

"Wala na tayong magagawa. Hindi sila naniniwala sa mga pamahiin." Bumuntong-hininga si Roy. "Makiramay nalang tayo bukas at ipagdasal ang kaluluwa niya..."

Tumango lang kami at natahimik ulit.

Kinabukasan, ang plano lang namin ay makilamay kay Angel. Wala sa isip namin ang mag-enjoy sa ibang bagay ngayon dahil sa nangyari. Buong araw lang kaming nasa kanya-kanyang bahay hanggang sa sumapit ang gabi.

"Condolence..." Malungkot naming sabi sa Mama ni Angel. Si Rica at Roy lang ang sumilip sa kabaong habang kami ni Ken ay nasa Mama ni Angel ang atensyon.

"Nakikiramay po kami..." Sabi ni Ken sa isang malungkot na tono. Inalalayan ni Ken ang siko ko at sinenyasan ang upuan sa tabi. Umupo kami roon kasabay nila Rica at Roy.

"Gusto ko po sanang itanong. Kamusta po yung ate na nininilbihan sa inyo? Yung nagwalis po ng gabi nung birthday ni Angel..." Biglang pagtatanong ni Rica sa Mama ni Angel. "Nabalitaan po kasi naming nagkasakit daw po siya..."

Bahagyang nagsalubong ang kilay ng ginang at iniisip kung sino ang tinutukoy ni Rica. Maya-maya'y umayos ang mukha niya. "Ah, si Thea?" Malungkot siyang ngumiti. "Nasa kwarto 'yun at nagpapahinga. Malubha kasi ang sakit niya. Hindi ko nga alam kung bakit. Napatingin na namin siya sa doctor pero parang walang epekto ang gamot..."

"Sa albularyo po? Pwede niyo po siya dalhin sa albularyo o mangtatawas..." Ani Rica.

Bahagyang natawa ang Mama ni Angel. "Hindi totoo ang mga pinagsasabi nila, Rica. Alam mong hindi kami naniniwala sa mga ganyan dahil alam naming mga gawa-gawa lang nila ang mga panghuhula nila..."

Mukhang ipaglalaban pa ni Rica ang gusto niyang iparating pero pasimple na siyang hinawakan sa palapulsuhan ni Roy at pinisil ito para pigilan siya.

"Gusto niyo ba siyang makita?" Pagtatanong ng ginang. Tumango agad si Rica. "Bea!" Tawag ng ginang sa isang pangalan. Lumapit sa amin ang isang babae na kahawig ni Angel. Mukha lang siyang mas matanda. "Ihatid mo nga sila kay Thea..."

"Dito po..." Sabi ni Bea at tinuro sa amin ang daan. Nagpasalamat pa muna kami sa Mama ni Angel bago kami umalis dahil may iba rin siyang kakausapin pa.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now