Kabanata 24

472 20 4
                                    

CINCO'S POV

Sa ilang linggong nakalipas, hindi ko siya nakita. Hindi ko nga naramdaman ang presensya niya at wala akong kasiguraduhan kung magpapakita pa siya.

Pero ngayo'y nasa harapan ko na..

Nakatayo lang siya pero nagsusumigaw ang awra na hindi maganda ang presensya niya. Hindi ko alam kung paano ko nalaman pero malakas ang pakiramdam ko na galit siya. As in. Ang titig niyang walang buhay at napakalamig, ang labi niyang natikom lang, at ang kanyang kilay na bahagyang salubong, alam ko na. Alam kong hindi niya nagustuhan ang naabutan niya sa akin.

"Tulungan mo ako..." Naiiyak kong pagmamakaawa. Hindi ko alam pero siya lang ang nakikitaan ko ng hope ngayon. Pakiramdam ko, siya nalang ang pwede kong makapitan. Ang mahiwagang tulad niya ang magpapagaling sa akin. Siya lang ang nakikita kong pag-asa sa mga oras na 'to.

Hindi niya ako sinagot at pasiring na nilingon ang kalapit na table. May dinampot siya ron at pinagmasdan ito, ballpen ang hawak niya. Nagtangis ang panga niya at mahigpit na hinawakan ang ballpen hanggang sa masira ito.

Ibinigay niya ito kay Simon. "Ibaon mo ito sa lupa sa dulo ng gubat, ngayon na." Tukoy niya sa ballpen.

Tumango si Simon at bahagyang yumuko. "Masusunod po." Sagot ni Simon at nawala ng parang bula sa harapan ko.

Bumalik ang tingin sa akin ni Erro. Mas salubong na ang kilay niya habang pinapasadahan ng tingin ang buong mukha ko. Habang nakatayo, inabante niya ang kamay sa akin. Gumalaw ang gitnang daliri niya kasabay ng pagtanggal ng kumot na tumatakip sa katawan ko.

Namangha ako dahil don.

Hindi niya ako hinahawakan pero parang inutusan niya ang hangin na tanggalin ang kumot para makita ang kabuoan ng katawan ko.

"Hindi ko inaasahan ang pangyayaring 'to. Nawala lang ako ng kaunting oras, may nangingialam na sa katawan mo." Asik niya. Tiim-bagang niyang ibinalik ang tingin sa akin. Umihip ang hangin at inutusan na naman niya itong humampas sa mismong mukha ko para mapawi ang luhang panay agos.

"Tulungan mo naman ako oh..." Naiiyak kong pagmamakaawa.

Nagtangis na naman ang bagang niya sa inis. "Tumigil ka sa kakaiyak. Ayan ang napapala mo dahil sa pagiging makulit ng iyong kamay. Bakit ka ba dumadampot ng mga bagay-bagay?" Naiiritang tanong niya.

"A-Ano? Anong bagay-bagay?"

Sumama ang tingin niya sa akin. "May sumpa ang bagay na dinampot mo."

"S-Sumpa? Saan?" Napalunok ako nung maliwanagan. "Yung ballpen?" Hindi siya sumagot.

Sa kanang bahagi ng kama, umupo siya ron, katabi ko. Inangat niya ang kanyang kaliwang kamay at marahan na ipinasok ito sa shirt na suot ko. Naramdaman ko ang malamig niyang palad na gumapang sa balat ko patungo sa aking tiyan. Natigalgal ako. Hindi ko magawang magreklamo. Natikom lang ako at hindi alam ang gagawin dahil sa gulat. Ganito pala yata kapag name-mental block, hindi na alam ang ikikilos. Hinayaan ko nalang. Wala rin naman akong magagawa dahil hindi naman ako makagalaw.

Ang malamig niyang palad ay nasa tiyan ko lang. Naramdaman ko ang marahan at maingat niyang paghaplos ron. Ramdam ko ang gitnang daliri niyang gumagalaw ron at parang nagd-drawing ng circle. Pumikit siya at salubong ang kilay na parang may matinding iniisip. Matapos non, tumigil ang daliri niya at kusang inalis ang kamay sa loob ng shirt ko.

Dumilat siya at seryoso akong tinignan. "Ibuka mo ang iyong bibig." Utos niya.

"Ha?"

"Ibuka mo." Mariin niyang utos na mukhang nauubusan na ng pasensya kaya ngumanga agad ako. Namilog ang mata ko nung ipasok niya naman sa bibig ko ang gitnang daliri niya. Mariin akong napapikit nung maramdaman ko ito sa aking lalamunan. Idinikit niya ang daliri sa itaas ng lalamunan ko at idinulas hanggang sa ilabas niya ang daliri niya.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now