Kabanata 40

500 16 0
                                    


CINCO'S POV

"Sa tabi mo, may isa pang nakasakay sa atin. Magkatulad kayo. Mula sa kasuotan, gamit, buhok at katawan, parehang-pareha. Ang pagkakaiba lang niyong dalawa ay yung sa mukha. Ang sayo, meron. Ang kanya, wala."

Sa pagkakasabi palang ni Mang Kanor, parang nanlabo na ang mata ko. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko dahil sa nalaman. Parang may malaking bukol rin na nakabara sa lalamunan ko sanhi ng aking paghirap sa pananalita. Hindi ko na napigilan pa at mas lalo akong napaiyak dahil sa kababalaghang sinabi niya sa akin.

"Iniba ko ang daan natin kanina dahil baka kako sumunod sa bahay ninyo, nito lang siya nawala nung makapunta tayo rito." Bumuntong-hininga siya at inalo ako. "Pasensya na at hindi ako makasagot kanina sayo, natakot tuloy kita."

Hindi ako sumagot. Patuloy lang ako sa pag-iyak na parang katapusan na ng buhay ko. Lahat ng sinabi ni Rica patungkol sa pagkakaroon ng doppelgänger ay nagreplay sa utak ko. Lahat. Ang pagkawala ng pag-asa kapag may doppelgänger daw, ang walang pangontra rito, ang pagkamatay ng maaga— lahat. Nagreplay sa utak ko ang lahat ng sinabi niya.

"Pasensya na, iha. May kasabihan pa naman sa bayan natin na wala raw pangontra sa ganyan. Hindi nila alam kung paano masusolusyonan." Ani Mang Kanor.

Hindi ko na siya pinakinggan pa dahil alam ko na. Alam na alam ko na. Ang mga nangyayari kay Claire? alam kong madadanas ko na rin. Hindi ako takot mamatay pero yung mamamatay ako dahil alam ko na ang rason? At mas maaga? Hindi. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari sa akin at hindi ko 'yon magawang matanggap. Hindi ko alam kung paano ihahandle 'yon. Hindi ko alam kung paano mapipigilan. Napa-paranoid ako kung ano at kung paano mangyayari.

Nung bahagya akong kumalma, pinasakay na ulit ako ni Mang Kanor para makauwi na raw kami. Wala naman sa wisyong sumunod ako. Ang dama de noche naman, naaamoy ko pa rin. Alam kong nakasunod pa rin si Erro pero wala ako sa mood para alalahanin pa siya ngayon. Mashado akong nabalisa at natuliro.

Nung tuluyan kaming makauwi, akala ko tapos na ang kababalaghan. Akala ko, iyon na ang huli sa araw na 'yon. Pero, hindi pa pala. Nagkamali ako. May mas ititindig pa pala ang balahibo ko at mas may malala pang ikakabog ang dibdib ko. Bakit?

Dahil nung huminto si Mang Kanor, ibinaba niya ako sa kanto namin. Hindi na raw niya ako maihahatid pa dahil i-iikot at igagarahe niya pa ang tricycle nila. Mukhang may dadaanan pa siya kaya hindi na ako nagpumilit pa. Tumango ako at nanghihinang nagpaalam. Hinintay kong makaalis ang tricycle niya hanggang sa tanawin ko ang kanyang likuran pero bago pa siya makalayo ng tuluyan, may napansin na ako.

Humigpit ang paghinga ko at parang binuhusan ng malamig na tubig. Parang tinambol ang buong sistema ako dahil sa nakita. Hindi ako makapaniwala. Napatakip ako sa bibig ko at napaupo dahil sa panghihina.

Nakita ko... may nakita ako.

Sa loob ng tricycle ni Mang Kanor which is yung side-car, open-wide 'yon. So, it means, nakikita ang likuran ng mga pasahero sa loob. Pero, malala ang nakita ko. Hindi lang likod. May lalaki ron. Kitang-kita ko ang mukha niyang nakaharap sa akin ngunit ito'y nakabaliktad. Ang mukha, ang katawan at ang kasuotan, kapareho ng kay Mang Kanor. Alam ko na agad, doppelgänger. Ang pagkakaiba lang nila, yung doppelgänger, nakangiti. As in nakangiti na parang sinasakop na ang buong mukha. Ang mata rin niya ay puti. Walang itim kundi purong puti lang. Napa-impit ako sa takot. Nakipagtitigan pa ito sa akin bago sila tuluyang nakalayo.

Habang nakaupo sa maduming sahig, iyak ako ng iyak. Punong-puno na ang utak ko na parang hindi ko na mapasok lahat. Hindi ko na maabsorb. Kumikirot ito sa takot at matinding emosyong nararamdaman. Parang pakiramdam ko, ano mang oras, mapapraning na ako.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now