Kabanata 60

707 38 14
                                    

CINCO'S POV

Madalim. Tahimik. Malamig at nag-iisa.

Iyan ang pinakasentro nang aking pakiramdam ngayon sa isang pamilyar na lugar. Malalim na ang gabi at halos wala ng tao. Napakadilim ng lugar na tanging kumukurap-kurap na ilaw lang sa isang bahay ang nagsisilbi kong liwanag. Ang bumbilya na 'yon ay nasa itaas lang ng aking ulo. At ang nagsisilbi nitong sandalang kahoy ay yung bahay na nasa likuran ko.

Everything feels so dark and heavy. Hindi ko gusto ang pakiramdam. Kanina, ayos pa ang aking damdamin, ngayon, hindi na. Unti-unti ng bumibigat ang aking dibdib at parang unti-unti ng lumalalim ang aking paghinga. Nanlalamig na rin ang aking palad at nanginginig. Wala pa namang kakaibang nangyayari pero parang inaakyatan na ako ng mga ganitong pakiramdam.

Suminghap ako.

Iginala ko ang aking mata sa paligid. Pamilyar siya kaya pilit kong iniisip kung saan itong lugar. Bahagya pang naningkit ang mata ko at mariin na kinikilala ang bawat detalye ng paligid.

"Ito ba yung..?" Natikom ako agad nung sinubukan kong magsalita. Nagtaka ako dahil walang lumalabas na boses sa bibig ko, purong hangin lang. Sinubukan ko ulit ngunit wala talaga. Para akong naka-mute. Kahit anong pilit ko na gumawa ng ingay, wala pa ring nangyayari.

Inangat ko ulit ang tingin sa paligid.

Pamilihan...

Tama. Nandito ako sa pamilihan, dulo mismo. Ito yung lugar lung saan nakita ko si Claire na naglakad papunta rito at biglang nawala ng parang bula. Dito ko rin nakita si Erro at dito rin ako naabutan nila Roy at Ken na umiiyak at nakalupasay sa sahig.

Sa gilid ng aking mata, biglang may lumitaw kaya mabilis akong napalingon.

Si Claire...

Namataan ko si Claire na tuwid na nakatayo habang nakatingin sa akin. Malungkot at malamig ang kanyang mata. Yung damit niya rin, ganon pa rin. Kung ano yung nakita ko nung huling kita namin, ganon pa rin, nakaschool uniform. Bahagyang malayo ang distansya namin. Nasa kabilang panig siya, sa mismong malapit sa gubat. Nakatingin lang siya sa akin na halos hindi manlang kumukurap.

"Claire..." Sinubukan ko ulit magsalita pero wala talagang lumalabas sa aking bibig. Sinubukan ko ring ihakbang ang paa ko para sana lumapit sa kanya ngunit hindi ko manlang ito maikilos. Kahit anong pilit kong galaw, para akong napako sa kinatatayuan ko. Parang nakadikit ito sa lapag at kahit kaunting kislot, hindi maigalaw.

"Bitawan mo ako!"

"Haha! Ganda mo talaga!"

Natigil ako sa pamimilit na kumilos nung makarinig ako ng isang pamilyar na tinig at boses ng mga lalaki.

Galing sa madilim na sulok, lumabas doon ang tatlong lalaki na mga blurred ang mukha. Pumikit-pikit pa ako dahil baka kako sa mata ko lang pero kahit anong pagkusot ko sa aking mata, ganon pa rin. Blurred pa rin ang mga mukha nila. Malinaw sa akin ang mga katawan nila at boses ngunit ang mukha, wala talaga. Hindi ko na pinilit pa dahil bumaba na ang tingin ko sa isang babae na kinakaladkad nila.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung makilala 'yon.

Si Claire...

Napalunok ako.

Nilingon ko ulit ang unang Claire na nagpakita na malapit sa gubat. Nakatayo lang siya ron habang nakatingin sa tatlong lalaki at pangalawang Claire. Blanko ang kanyang ekspresyon ngunit yung mata niya, sumisigaw ng kalungkutan at kalamigan.

Totoo ba 'to? Dalawang Claire ang nasa harapan ko?'

"Bitawan niyo ako!" Sabi nung Claire na kinakaladkad ng tatlong lalaki. "T4ngina! Tinuring kitang kaibigan! Hindi ko alam na ganyan ka kamanyakis! Demônyo ka!" Sigaw pa nito at dinuruan pa ang isang lalaki.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now