Kabanata 57

421 15 0
                                    

CINCO'S POV

Matapos mag-usap ni Lola at Manang Terresa in private, umuwi na rin kami agad. 'Yun nga lang, hindi kami pinayagan ni Lola na dumiretsyo sa mga bahay namin, dun pa rin kami sa bahay niya nagstay, sa family house. Ang sabi niya, doon muna kami sa kanya ng mga ilang araw para mabantayan niya kami ng maayos. Gusto nga sana namin magprotesta ni Rica pero pinal na ang kanyang desisyon. Wala na kaming magawa, hawak na niya kami ngayon.

Ang lagi niyang panakot, sasabihin niya sa pamilya namin lalo na kila Roy at Ken ang nangyayari kapag hindi kami nakinig sa kanya. Wala kaming naging imik. Kinakabahan kami sa maaaring maisip ng aming pamilya sa amin, at pareho kami ni Rica na ayaw silang mag-alala kaya tikom nalang kami. Hindi na kami nagreklamo pa at dumepensa. Nakikinig nalang kami kay Lola. Kapag may inuutos siya, sunod agad. Kapag may sinasabi siya, gagawin agad. Wala na kaming magawa. Huwag na raw kami maglakas-loob na pigilan pa siya dahil ginagawa niya lang naman daw ang nakakabuti para sa amin which is totoo naman. Yun nga lang, literal na nakakapanghinayang.

Kami lang ang nandito sa family house. Actually, dito pa rin sila Ken natutulog. Hindi pa kasi ayos ang pinapagawa nilang bahay, medyo malaki kasi ang gusto ni Auntie Arina since malawak naman ang lupa so medyo natatagalan. Ang hinuha namin, nandito si Auntie Arina. Pero, alam naman naming nasa taas lang siya, nasa kwarto, tulog. Or, kung hindi naman siya tulog, umaalis para makibalita sa negosyo nila. So, ang ending, parang kami lang talaga ang tao dito.

Napabuntong-hininga ako.

Kasalukuyan akong nasa bintana ng dati kong kwarto rito kila Lola. Nakaupo ako sa isang silya habang nakatanaw sa labas. Mataas ang sikat ng araw na nagbibigay nang pangkaraniwang liwanag para sa lahat, iyon nga lang, unti-unting nagdidilim ang aking katauhan bilang kanyang kasalungat.

Hindi ko mapigilang matulala.

Hindi ko maisip ng husto na parang ito na ang huli. Hindi ko inaasahan na aabot pa kami sa ganitong pangyayari. Akala ko, 'yun na talaga ang huli ko. Akala ko, kay Erro na talaga ang bagsak ko. Sa isip ko, wala na akong kawala sa kasunduan kaya tunay na magiging asawa na niya ako at bibigyan siya ng anak. Nagkamali ako. Akala ko lang pala lahat 'yon.

Malungkot akong ngumiti.

Yung damdamin ko, parang isang malaking kalokohan. Gusto kong matawa dahil dapat, natutuwa ako ngayon. Dapat nga, magpasalamat pa ako dahil malulubayan at mapuputol na ang pisi na kumokonekta sa aming dalawa dahil engkanto siya. Isang maligno. Isang elementong humihingi sa akin ng isang mahirap na sakripisyo. Siya ang kontrabida sa buhay ko. Pero, bakit ganito? Bakit parang unti-unting kumakapos ang hininga ko everytime na maiisip kong matatapos na ang kung anong meron sa amin ni Erro? Bakit parang nanghihinayang at nalulungkot ako? Bakit parang sumisigaw ng pagtutol ang buong sistema ko sa balitang may kawala ako sa kasunduan na 'to? Hindi ko maunawaan. Hindi ko kailanman maiintindihan.

Bahagya akong napangiwi.

Kahit hindi namin narinig ni Rica ang usapan nila Lola at Manang Terresa, alam ko na ang plano nila. Malamang, tatapusin na nila ang ugnayan namin ni Erro. Yun nga lang, hindi ko alam kung kailan. Hindi ko rin alam kung may gagawin silang seremonyas o ano. Wala na akong lakas pa para magtanong kay Lola. Alam ko naman na hindi niya rin sasabihin.

Bahagya akong natawa.

Nakakainis nga e. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Para akong naiipit. Parang nahihirapan akong pumili kung kay Lola ba ang panig ko o kay Erro. Timbang na timbang ko ngayon ang balanse nila. Yun nga lang, sa mga oras na 'to, maliwanag pa sa sikat ng araw na may namumuong dismaya sa damdamin ko para kay Lola. Kahit na naiisip kong ginagawa niya lang 'to para sa amin, para sa ikabubuti namin, nadidismaya pa rin ako. Sumasama ang loob ko dahil siya ang hahadlang sa aming dalawa ni Erro.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now