Kabanata 23

446 18 2
                                    

CINCO'S POV

Nagsigawan at natakot ang lahat ng nandoon. May ilang umiiyak sa takot at may iilan na nahimatay dahil sa nasaksihan. Nagkagulo na ang lahat. Agad na nagsilapit ang mga teacher at pinilit na ipabalik sa mga classroom ang mga estudyante. Ang ibang guro naman ay tinulungan ang mga students na umiiyak, nahimatay at mga nahihirapang makakilos dahil sa nasaksihan.

Nanghihina at nakatulala naman ako habang nakatingin sa katawan ni Mam Honey. Barag ang ulo niya at hindi na ayos ang kanyang katawan. Tiningala ko ang lumang building at hinuha ko ay tumalon siya galing don. Mataas pa naman ang lumang building. Hindi na ako magtataka kung bakit naging ganon ang katawan niya dahil sa pagbagsak.

Inalalayan ako ni Ken sa braso kaya napaatras ako. Pero sa pag-atras ko, may naramdaman ako sa aking paanan. Nilingon ko 'yon at may nakita akong isang ballpen.

"Cinco, tara na..." Nagmamakaawa ang boses ni Ken dahil may papalapit na sa aming guro na nunuway na bumalik na raw kami sa aming mga silid.

"Mga bata, please, makinig na. Bumalik na kayo. Ipaubaya niyo na sa amin ang kasong 'to." Sabi pa ng guro nung magaan niya akong hawakan sa magkabilang balikat at itinulak paalis. Pero, bago 'yon, mabilis akong yumuko at dinampot ang ballpen bago sumunod sa gusto niya.

Hinayaan kong hilain ako ni Ken sa braso habang inilalagay ko sa bulsa ang napulot na ballpen. Hinatid niya kaming dalawa ni Rica sa batibot para pakalmahin.

"Ayos lang ba kayo?" Kabadong tanong ni Ken sa amin. Tuluyan ng naiyak si Rica habang ako naman ay tulala lang. Walang sumagot sa kanya kaya hinagod niya nalang ang magkabilang braso namin.

Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan rin ang pag-iyak.

Nakakapanibugho ng damdamin. Hindi ko inaasahan na may mangyayaring ganito sa school. And worst, one of the teacher ko pa. Napakabrutal ng kanyang pagkamatay dahil lustay ang katawan niya. Anong naisip niya kung bakit siya tumalon? Tumalon ba talaga siya? O may nagtulak sa kanya? O nasisiraan na siya ng isip?

Naguguluhan ako.

Gusto kong malaman ang totoong nangyari kung bakit kailangan pa naming makita siyang nakahandusay don. Gusto kong malaman ang rason. Gusto kong malaman ang dahilan!

Matagal na minuto kaming nakatambay sa batibot para magpakalma hanggang sa marinig namin si Roy.

"Ken!" Tawag niya sa pinsan. Agad niya kaming dinaluhan at niyakap ang kapatid nung makita itong umiiyak. Tinignan niya kami. "Ayos lang ba kayo? Nabalitaan ko ang nangyari. May nagsuicide raw..." Ani Roy.

"Si Mam Honey 'yon boy. Pare-pareho naming sub-teacher." Sagot ni Ken sa kalmado at seryosong tono. "Anong balita sa faculty?"

Umiling si Roy. "Dumaan ako ron, wala pang laman ang usapan nila kung bakit 'yon ginawa ng guro. Umuwi na tayo. Suspended na raw ang klase ngayon dahil sa nangyari. Hindi makakapag-focus ang mga bata pati na rin ang mga nakakita sa nangyari kung ipipilit pa nila kaya pinapauwi na ang lahat." Inilipat nito ang tingin kay Rica na panay ang hikbi. Pinunasan niya ang mukha ng kapatid. "Tumigil ka na sa kakaiyak, ha? Uuwi na tayo."

"Ako na kukuha ng mga gamit nila." Boluntaryo ni Ken bago sumibat paalis.

Mabilis ang naging pangyayari, nung makabalik si Ken, umuwi na kami agad. Inaalalayan ako ni Ken habang si Roy ay kay Rica. Dumiretsyo kami agad sa aming mga panuluyan. Hinatid naman ako ni Ken sa kwarto ko.

Hinaplos niya ang aking buhok. "Huy, relax ka lang. Huwag ka na mag-alala, ha? Ipagdadasal natin ang kaluluwa ni Mam Honey." Pagc-comfort niya sa akin. Kahit ang pagtango ay hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit. Hinila ako ni Ken at niyakap sa sobrang pag-alala. "Alam kong natrauma ka sa nakita mo pero kailangan mong maging matatag, Cin. Lilipas rin 'to. Huwag ka na mag-alala." Aniya bago ako iniwan sa kwarto.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now