Kabanata 12

452 12 0
                                    

CINCO'S POV

Hindi maganda ang ala-ala ko kay Mamita, which is Mama ni Papa. May mga ala-ala akong pilit na tinatanggal sa isip ko kasama siya. Pero, kahit ano yatang gawin ko, hinding-hindi na matatanggal ang nakakatakot at nakakabaliw niyang alaala sa akin.

Simula nung makuha ako nila Mama kay Mamita, ipinangako kong hindi na ako babalik sa kanya. Pati sila Mama ay pinangako sa akin 'yon, pero mukhang hindi talaga maiiwasan ngayon. Lalo na't matagal na ring hindi nakakauwi si Papa sa kanila. Siguradong namimiss niya na yung pamilya niya. Matagal na rin ang panahon na lumipas mula nung nakita niya ang mga kapatid at si Mamita.

"Ate, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Papa habang nasa byahe kami papuntang probinsya nila. Kahapon, after nilang sabihin sa akin na dadalaw kami dito, nagbyahe na agad kami ngayon.

Nakatulala ako habang nakatingin sa bintana ng kotse. Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko na ulit si Mamita. Nakakatakot na matrigger ulit ang ala-ala ko sa kanya. Kahit na matagal na 'yon, hindi pa rin maalis ang takot sa akin kapag inaalala ko.

"Don't worry, saglit lang tayo ron..." Pag-comfort sa akin ni Papa. Alam kong nag-aalala siya sa akin dahil saksi sila sa trauma na dinanas ko kay Mamita. Pero kailangan kong tatagan ang sarili ko para kay Papa. Alam kong gusto niya rin icheck ang pamilya niya sa malayo.

Bandang hapon na nung makarating kami sa probinsya nila. Malayo talaga ang probinsya nila Papa at nasa dulo rin ang hacienda nila. Malayo at pinapalibutan ng napakaraming puno. Para kaming nasa gitna ng gubat, malayo sa mga tao. At ayon ang nagpapadagdag takot sa akin sa lugar na 'to.

Mayaman sila Papa kaya may Hacienda sila. Kung hindi niyo natatanong, both scientist ang mga magulang ni Papa at nakapagtrabaho sa labas ng bansa ng matagal na panahon, pero nung nakauwi rito, hindi ko na alam. Mashado na silang mataas. Mashado na silang nakakatakot.

"Maligayang pagbabalik, Senior at Senyorita Amanda." Sinalubong kami ng isang babaeng katulong. Hindi ko siya kilala pero pamilyar siya. "Ito na ba si Cinco? Abay, napakagandang dalaga na niya..." Papuri niya sa akin.

"Si Ate Trese?" Pag-iiba ni Papa ng usapan. Si Auntie Trese ay kapatid ni Papa. Actually, tatlo silang magkakapatid. Ang pangalan ni Papa ay Dos, ang pangalan ng nakakatanda niyang kapatid ay si Auntie Trese, at ang panghuli ay si Auntie Cent.

Marahil ay nagtataka na kayo sa pangalan namin. Sa totoo lang, kahit ako ay nagtataka pero kapag tinatanong ko si Papa kung bakit puro numbers ang pangalan namin, hindi niya rin ako masagot. Ang paulit-ulit niya lang na sinasabi ay gusto raw ito ni Mamita.

"Nasa hospital pa po. Pauwi na 'yon siya mamaya..." Sabi ng katulong na pinagkakatiwalaan ni Papa. May tinawag ito sa malaking mansyon kaya lumabas ang dalawang lalaki na mukhang katulong lang rin ng napakalaking bahay. Inatasan niya ito na tulungan kaming buhatin ang mga bagahe at ituro ang magiging kwarto namin.

Pinapasok na rin kami sa loob. Walang emosyon ang mukha ko nung maging pamilyar sa malaking mansyon. Madilim ang kada-sulok at kakaunti lang ang ilaw. Mas nagbibigay ng matinding pangamba sa akin ang vibe na 'to. Parang mas lalo lang nanunumbalik ang ala-ala ko.

Sa isang hagdan, bumaba ang isang lalaki na parang kasing edad ko lang. Namataan siya nila Papa kaya agad agad na sumilay ang pag-uusap.

"Oh, ito na ba si Cuadro?" Tanong ni Papa. Humalakhak siya at inakbayan ako. "Cinco, siya si Cuadro, anak ni Auntie Trese mo. Pinsan mo siya." Sabi ni Papa.

Hindi ako sumagot bagkus ay tinitigan ko lang siya. Ganon rin siya sa akin. Nagpapalitan kami ng malamig at walang ekspresyon na emosyon. Sinenyasan kami ng katulong na pumasok na sa hapagkainan kaya tinanggal ko na ang tingin kay Cuadro. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa amin.

Along with the EntitiesOn viuen les histories. Descobreix ara