Kabanata 21

457 16 0
                                    

CINCO'S POV

Hindi ako napilit ni Rica na magkwento about kay Erro. Wala siyang mapiga sa akin kaya tumigil na rin siya kalaunan at pumunta sa kubo. Nanatili naman ako sa kwarto at natulog lang, pampawala ng sakit ng ulo dahil sa problemang dala-dala ko.

Nagising ako nung maramdaman na may pumupukpok ng hita ko, pagtingin ko, si Uno. Pinupukpok niya ang laruan sa hita ko at ngumangawngaw na parang pinapagalitan ako. Narinig ko ang mahinang tawa ni Mama. Nasa kwarto ko pala silang dalawa.

"Panay ka tulog ngayon, ate. Nasa kubo ang mga pinsan mo. Nag-away ba kayo?" Tanong ni Mama.

Bumangon ako at binuhat si Uno. Hinalikan ko ang mataba niyang pisngi pero nainis ito at nagpumilit na kumawala sa yakap ko. "Hindi, Ma. Tinatamad lang ako lumabas ngayon..." Pagra-rason ko.

"Ganon ba?"

"Hmm." Tumango ako. "Si Papa?"

"Pauwi na 'yon sa friday. Nakabili na raw siya ng mga school supplies mo..." Tumango ako. "O'sige na, iiwan ko muna sayo si Uno, ha? Tutulong ako kay Mama na maghanda ng meryenda natin.." Tinanguan ko siya. Umalis naman siya at sinarado ang pinto.

Sakto namang umihip ang hangin kasabay ng halimuyak ng dama de noche, hindi na ako nagulat nung lumitaw si Erro sa upuan na nasa kwarto ko. Nakangisi siya habang pinapanood ang kapatid kong si Uno na pinupukpok ang hita ko. Okay lang. Hindi naman sobrang masakit.

"Magandang lalaki ang kapatid mo." Papuri ni Erro habang pinapanood ang kapatid ko.

"Huwag mo siya hahawakan." Babala ko.

"Hindi ko naman hinahawakan."

"Sinasabihan lang kita." Hindi siya nakasagot. Binuhat ko ulit ang kapatid ko at tumapat kami sa bintana para makaamoy siya ng hanging labas.

Sinusulyapan ko si Erro at nanatili lang siyang nakatitig sa aming dalawa ni Uno. Pinapanood kami. Parang halata sa mukha niya na interesado talaga siya sa bata. Gustong-gusto yata talaga niya na mailaganap ang lahi nila. Nauubos na ba sila? Tsk, dapat lang.

"Kailan mo sasabihin sa pamilya ko ang tungkol sa kasunduan?" Pasimple at kalmadong tanong ko.

"Sa nakatakdang oras."

"Kailan nga?"

"Sa nakatakdang oras." Pag-uulit niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero parang wala lang sa kanya 'yon. Kainis! Engkantong walang kwenta kausap.

Hindi rin naman siya nagtagal sa kwarto ko dahil tinawag na kami ni Mama na bumaba na raw para kumain ng meryenda. Nakita ako nila Rica dahil kumuha na rin sila ng pagkain. Inaya nila ako sa kubo kaya pumayag naman na ako. Kahit medyo may pangsisisi pa rin akong nararamdaman, nagawa ko pa rin naman silang harapin ng maayos.

"Dun naman tayo pumunta." Turo ni Ken sa kabilang gilid ng gubat. Agad tinapik ni Rica ang hintuturo nito dahil sa panunuro.

"Ano ba? Bawal magturo-turo ng ganyan sa magubat na part dahil baka may maturo kang entities na hindi nakikita. Nagagalit ang mga 'yon kapag natuturo dahil feeling nila nababastos sila. Kasabihan 'yan sabi ni Lola." Paliwanag ni Rica. Umawang naman ang ulo ko. Ngayon ko lang kasi narinig ang bagay na 'yan. Nadagdagan na naman tuloy ang kaalaman ko.

"Ganon?"

Tumango si Rica kay Ken. "Kagatin mo 'yang hintuturo mo kasama ang kuko."

"Bakit?"

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now