Kabanata 4

560 15 2
                                    

CINCO'S POV

"Pamahiin 'yon. Ang tapik ay pumapasa ng balbal na salita, kulam, sumpa o ano pa man sa isang tao."

Natigilan kami dahil sa sinabi ni Rica. Hindi namin inaasahan na may ganon ring pamahiin. Mas sumampal sa akin na kakaunti lang ang alam kong pamahiin sa aming pamilya.

"Wala namang mangyayari sa akin diba?" Kabadong tanong ni Ken.

Badtrip na umiling si Roy. "Wala boi. Tayo ang huling tumapik, babalik sa kanya 'yon. Badtrip nga siya nung nilingon ko kanina, mukhang dismayado..." huminga ng malalim si Roy. "T4ngina non, mamimerwisyo pa ng mga tao."

Ngumuso si Rica. "Kuya, tama na. Kakatapos lang natin magsimba, makasalanan ka ulit." Humalakhak siya. Para namang natauhan si Roy at bigla ring tumawa.

"Sorry. Nabadtrip ako e. Ipapahamak pa tong labidabs kong si Ken..." Inakbayan niya si Ken kaya bumusangot si Ken at umaktong nandidiri kay Roy.

Tumawa naman kami. Gumaan ang pakiramdam ko dahil naging maayos na ang atmosphere sa amin. Grabe ang kaba namin dahil sa nangyari. Mas naliwanagan rin ako dahil may nadagdag na pamahiin sa kaalaman ko.

"Basta sa susunod, huwag kayo papatapik ha? Tapikin niyo rin pabalik. Mga aswang 'yon o mangkukulam na magbibigay sa inyo ng sumpa..." Paalala sa amin ni Roy kaya tumango kami.

"Oo, dati nga e. May ganyang kaganapan. Kapitbahay lang natin. Babae 'yon e tapos buntis. Natapik daw ng kung sino at binati, e nakalimutan yung pamahiin, ayon, patay yung baby niya." Sabi ni Rica.

"Ha? E, kamusta yung babae? Anong nangyari?" Tanong ko.

"Shempre, nahurt ng bongga pero lumipat na sa manila 'yon. Wala na rito. Ang usapan nga e maayos naman na ang buhay niya roon, may baby na sila ulit, dalawa pa." Ngumiti si Rica kaya nakahinga rin ako ng maluwag.

"Tara na, balikan na natin si Lola. Baka hinahanap na tayo..." Sabi ni Roy kaya naglakad na ulit kami pabalik sa simbahan pero alerto na sa paligid.

Nung mapuntahan namin si Lola, ikinwento namin sa kanya ang nangyari. Nag-alala siya kay Ken kaya pinaulanan niya ng tanong si Ken kung okay lang. Nagmadali rin kami agad umalis sa bayan at umuwi. Hindi kami dumiretsyo sa bahay bagkus ay dumaan kami sa isang bahay na malaki-laki. Kumatok si Lola ron at agad naman kaming pinagbuksan.

Naabutan namin ang isang matanda na bahagyang matalas ang tingin. Magkasing-edad lang yata sila ni Lola. Sinabi ni Lola na may ipapatawas siya kaya agad kaming pinapasok ng matanda. Namangha ako sa lawak at linis ng bahay pero mukhang mag-isa lang siyang naninirahan.

Pumasok kami sa isa pang room at mas madilim 'yon. Pinaupo ron si Ken habang kami ay nakatayo sa likuran niya. Yung matanda naman ay umupo sa harapan na may isinasaayos na kandila, papel, tubig at kung ano-ano pa.

Pinaliwanag ni Lola ang nangyari sa amin kanina. Nagsalita rin si Roy para mas detalyado. Tumango ang mangtatawas at nagdasal ng hindi namin dinig.

May narinig akong humagikgik kaya napalingon ako sa likuran ng pulang kurtina at napansin ko ang isang maputing-maputi na maliit na babae. Itim ang buhok niya at halos umabot na ito sa kanyang talampakan. Humagikgik ulit siya habang tinatakpan ang bibig. Nakatingin siya sa akin at panay lang ang hagikgik.

Nawirduhan ako sa kanya kaya lumingon ulit ako sa harapan. Bahagya akong nagulantang nung makitang nakatitig na sa akin ang matandang nangtatawas. Napalunok ako dahil punong-puno ng kuryuso ang mata niya. Kalauna'y bumuntong-hininga siya at inabot ang palad ni Ken. Natahimik siya at pumikit, maya-maya rin ay dumilat siya at ngumiti kay Lola.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now