Kabanata 18

471 14 5
                                    

CINCO'S POV

Hindi nila ako malilinlang sa mga magaganda nilang mukha. Ang maligno ay maligno. Walang magbabago. Mga mukha pa rin silang impakto at sugo ni satanas. Hindi ako magpapaniwala sa mga ganyan. Hindi nila ako mapapaikot. Nararapat lang na maging matalino tayo. Kaya para sa mga ibang tao diyan, huwag na kayo magtaka kung bakit walang pangit na sugo ng dyablo. 'Yan kasi ang panglinlang nila sa mga tao para makipag-ugnayan at makuha ang inaasam. Huwag kayong magpapadaya dahil ang tunay nilang anyo ay siguradong pangit at nakakatakot.

Ganon naman talaga ang mga masasama, magpapakita sila ng mga magagandang bagay bago ka nila traydorin patalikod. Iyon ang way nila para makapangloko.

"Ano raw ginagawa nila rito, Cin? Nanliligaw na ba 'yon sayo?" Pangungulit ni Rica.

Inirapan ko siya. "Tigilan mo nga ako, Rica! Maligno nga 'yon. Tumigil ka na."

"Ang harsh mo naman sa kanya." Ngumuso si Rica. "Kung hindi mo siya bet, reject mo nalang kaagad. Or ibigay mo sa akin!" Humalakhak siya kaya nginiwian ko siya. Nasisiraan na itong si Rica. Isa na siya sa mga nabiktima ng mga maligno na 'yon. "So, ano nga?"

Sininghalan ko siya. "Bakit ba ayaw mo maniwala sa akin?"

Tinawanan niya lang ako. "Bahala ka. Akin nalang 'yon."

Dumating na sila Roy at Ken kaya natigil na ang pag-uusap namin about sa maligno. Akala ko nga sasabihin niya ang tungkol don kila Roy at Ken pero mabuti naman ay nanatili lang siyang tahimik. Pero, hindi rin naman bigdeal sa akin kung malaman man nila. Hindi ko lang alam kung maniniwala ba sila o hindi, ayoko lang na maisipan akong baliw o gumagawa ng kwento.

Nagbiruan at nagkwentuhan lang kami ulit sa kubo, parang hindi sila nauubusan ng ikukwento. Ako naman ay tahimik lang at kunwaring nakikinig sa kanila kahit na ginagambala pa rin talaga ako ng sinabi ni Erro.

Kainis! Ano kayang uri ng paniningil ang gagawin sa akin non?

Kinakabahan ako dahil wala akong alam at hindi ko maisip kung anong hihilingin niyang kabayaran. Nag-ooverthink ako na baka sobrang hirap non. Baka mamaya, ang kabayaran pala na gusto niya ay gugunaw ng mundo ko. Baka hindi ko maibigay sa kanya ang gusto niya.

Dahil sa labis na pag-iisip, nung nag-uwian na kami. Dumiretsyo ako kay Lola na kumikilos sa kusina.

"La..." Tawag ko.

"Ano 'yon, Cinco?" Sagot niya ng hindi ako nililingon. "Magtatanong ka na naman ba?"

Hilaw akong ngumiti, napapahiya. "Opo sana..."

"Ano 'yon?"

Tumikhim muna ako at nag-isip ng paunang usapin para hindi siya makahalata. Baka mamaya, maisipan talaga ni Lola na obsessed ako malaman ang tungkol sa mga engkanto at maisipan niya pa ako ng kung ano.

"A-Ano pong ginagawa sa mga aswang kapag nandito po sa atin?" Tanong ko. Hindi ko pa nga alam kung tama ba ang pagkakatanong ko.

Tinitigan ako saglit ni Lola bago siya natawa. "Ah, iyon bang mga nasa bubong? Mga tiktik o manananggal?" Tumango nalang ako kunwari. Agad naman siyang sumagot. "Minumura 'yon." Aniya. "Kadalasan kasing dumadalaw ang mga aswang sa mga bahay-bahay kapag may buntis o kaya kapag may gusto silang kunin na tao."

"Ganon po?"

"Oo. Sa amin dati, minumura 'yon. O kaya hahabulin ng itak o hahagisan ng asin." Mahinang natawa si Lola. "Mabisa ang asin, Cinco. Malaking tulong 'yan."

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now