FAQ

765 20 21
                                    

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

Hi, alam niyo naman po kung ano ang title natin ngayon 'no? This is the Frequently Asked Questions po. Ito yung kalimitan niyong mga tinatanong sa akin, always.

Let' start.

Q: May season 2 or sequel po ba ang Along with the Entities?
A: Wala po.

Q: Yung mga pamahiin po ba ay totoo? Yung mga pangyayari rin po ba ay based in a true story?
A: Yung lahat na pamahiin po na nasabi ko sa kwento, is mga pamahiin na nasabi lang rin sa akin ng pamilya ko. Para sa akin, totoo 'yon. Sa amin 'yon e hahaha. At isa pa, mga galing rin yung pamahiin sa mga kakilala ko. Yung iba, nabasa ko online. About naman sa mga pangyayari, utak na po ang puhunan ko diyan. Yung iba, galing sa sarili kong experience, yung iba naman, nakwento ng mga kaibigan ko (hindi ko lang alam kung sino sa kanila.)

Q: Yung mga pangontra po bang sinasabi niyo is totoo?
A: Yun po ang sabi sa akin so para sa akin, totoo.

Q: Totoo po ba ang mga pamahiin?
A: Depende na po sa inyo 'yan kung maniniwala kayo. Sa amin kasi, oo. Naniniwala kami sa mga ganon kaya para sa amin, totoo. Lalo na't sabi nila Mama, na-proven and tested na. Pero, may nagsabi sa akin na sabi raw po sa bible, hindi totoo ang pamahiin. Huwag daw maniniwala sa mga ganyan. It's merely coincidence lang daw po ang mga nangyayari. Huwag daw gawing bigdeal.

Q: Yung mga seremonyas o ritwal po ba ay totoo?
A: Hindi po hehe. Gawa-gawa ko lang 'yung ritwal. For example nalang yung yung kay Manang Terresa sa sapa, at Simon and Cinco about doppelgänger.

Q: Wala po bang pahabol na POV si Erro? Bakit po ayaw niyo siya gawan?
A: Wala po siyang POV. Hindi po sa tinatamad ako or whatsoever. 'Yan na talaga ang plano ko simula't sapul. Sa story ko na 'to, walang magaganap na POV niya. Wala ring POV ang ibang characters.

Q: Ano pong klaseng engkanto si Erro?
A: Ewan ko po, char. Tulad ng nakalagay sa story, nasa mataas siyang antas. Sa organisasyong kinalalagyan niya, mga kalevel niya na po ang mga makakapangyarihang diwata. Para mas malinaw, si Erro ay lider ng iba't ibang entities ng nasasakupan niya.

Q: Totoo po bang may level-level ang mga entities kung sino ang pinakamalakas at pinakamahina?
A: Hindi ko po alam. Gawa-gawa ko lang 'yan. Pero, may mga naririnig po akong may mga malalakas po talagang entities, nalaman ko yata yan sa albularyo. Hindi ko alam kung sino pero may malapit kasi sa aking tao na pinatawas namin dati and ang sabi, malakas-lakas daw ang nakabati sa kanya.

Q: Kailan po ulit kayo magsusulat ng panibagong story?
A: Hindi ko pa po alam. May pasok na po kasi ako. Mahirap ipagsabay lalo na't c-student ako. May extra-extra rin ako sa shop ng ate ko kaya mahihirapan mag-update if ever.

Q: Bakit po mahilig kayo mambitin ng mga readers sa kada-update niyo?
A: Natutuwa ako e, nagagalit kayo. Joke. Mas maganda kasi 'yon para sa akin. Nakikita ko kayong mas nae-eager mag-abang ng next update ko.

Q: Bakit niyo po naisipan na magsulat ng ganyan? Like, about pamahiin po?
A: Naisip ko lang din. Maraming kababalaghan sa buhay ko e.

Q: Fan ka po ba ng tragic endings?
A: Hindi.

Q: Ba't ka po ganyan?
A: Inaano ba kita? Char.

Q: Sino ka po?
A: Sino ka rin.

Kung may iba pa po kayong tanong na hindi ko nasagot, kindly comment nalang po. I'll try to answer that po. ^^

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now