Kabanata 1

809 23 2
                                    

CINCO'S POV

Panay ang iyak ko dahil sa takot at sa nalaman. Inaalo ako nila Rica, Roy at Ken. Halos walang nakapagsalita nung aminin ko 'yon. Lahat ay nagulat. Pinagsisisihan ko tuloy kung bakit hindi ko sa kanila sinabi. Hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari at hindi ko alam ang bagay na 'yon dahil hindi ko pa nararanasan. Akala ko namamalikmata lang ako that time.

"It's fine, Cinco, anak..." Pag-aalo sa akin ni Mama habang nasa kandungan niya ang kapatid kong lalaki na si Uno.

Nasa sala ang lahat, pati iilan naming kamaganak. Lahat sila ay tahimik ngunit mga mukhang wala ng magagawa.

Tumikhim si Lola at nagsalita. "Wala tayong magagawa. Ang kasabihan, kapag anino ang walang ulo, wala na tayong magagawa para kontrahin 'yon. Tuloy ang tadhana niya."

Nagsalita si Auntie, mama nila Rica. "Hindi ba pwede sunugin ang lahat ng suot kapag ganoon, nay?"

Umiling si Lola. "Hindi ako sigurado. Ang alam ko, ginagawa 'yon kapag mismong ulo ang nakitang nawawala..." Tumayo siya. "Bukas na tayo dumalaw sa kanila, pagpahingahin nyo si Cinco. Wala siyang alam kaya hindi niya agad ito nasabi ng mas maaga..."

Nagsikilos na ang lahat nung pumunta ng kusina si Lola.

Inalalayan at hinatid naman ako nila Rica sa kwarto kasama si Papa.

"Ate, magpahinga, ha? Wala kang kasalanan. Hindi rin naman natin mapipigilan..." Sabi ni Papa bago magpaalam lumabas ng kwarto.

"Magpahinga ka muna, Cin." Nag-aalalang sabi ni Roy.

Bumusangot si Ken. "Nakita mo talaga, Cinco? As in walang ulo? Paano 'yon?" Pinunasan ni Ken ang tumulong pawis sa ulo niya. "Gagi, ang bait pa naman ni Gerard kahapon. Hindi ko inaasahan 'yon, ah..."

Ngumuso si Rica. "Sayang, hindi mo nasabi ng maaga, sana naprotektahan pa."

Yumuko ako. "Sorry..."

Umiling si Rica at pinisil ang kamay ko. "Wala kang kasalanan. Sinabi rin ni Lola na, tadhana na talaga niya 'yon. Lalo na't anino ang nawalan..."

"Akala ko talaga namamalikmata lang ako kaya hindi ko na pinansin pa..." naiiyak ulit ako.

"Wala kang kasalanan, Cin. Magpahinga ka nalang muna..." Ani Roy kaya tumango nalang ako.

Sa ilang oras na paghiga, nahulog rin ako sa malalim na pagtulog.

Ang malamig na hangin na dumampo sa aking ulo ang nagpabalik sa aking ulirat. Napakatahimik ng buong bahay nila Lola at ako lang mag-isa sa kwarto. Putok ang araw nung mapatingin ako ng awtomatiko sa bintana, tumayo ako at dumungaw don. Malawak na bakuran ang labas ng bintana pero sa bandang dulo, nandoon na ang matataas na puno, isang gubat. Naningkit ang mata ko nung may makitang nakaupo sa sanga. Mukhang lalaki at itim ang suot. Nakahalukipkip at may kinakain na kung ano. Hindi ko mapansin ang itsura dahil sa sobrang layo pero alam kong itim ang lahat ng suot niya. Kumurap ako at bigla itong lumitaw sa harapan ko kaya napasigaw ako.

Napabalikwas ako ng gising dahil sa napanaginipan.

Bumalik sa pagiging maingay ang bahay. Maririnig sa ibaba ang kaunting ingay na ginagawa nila Mama at ibang pamilya. May ilang tumatawa at malakas na pag-uusap.

"Ayos ka lang?" Hindi ko napansin si Rica na nasa gilid ko at nagbabasa pala ng pocketbook.

Pinalis ko ang pawis na namumuo sa nuo ko dahil sa kakaibang panaginip. Putok ang araw pero ganon ang napapanaginipan ko.

Along with the EntitiesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu