Kabanata 15

460 17 0
                                    

CINCO'S POV

Kasalukuyan akong nasa tambayan ng malawak na hardin ng hacienda. Nakauwi na kami at nasundo si Mamita. Nasa loob siya ng mansyon at kinakausap ng mga tao ron. Hindi ko talaga siya masikmura kaya lumayo na ako sa kanila. Pakiramdam ko, hindi siya safe. Hindi siya safe tabihan o lapitan. Pakiramdam ko, may posibility na maulit muli ang nakaraan kahit na matanda na siya ngayon.

Napabuntong-hininga ako.

Hindi lang 'yon. Naiisip ko rin ang matanda sa mental hospital. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring 'yon kaya nalulumbay ako. Mabigat pa rin sa pakiramdam ang nalaman kong nangyari kaya may pagsisi sa puso ko. Naaawa ako ng lubos. Pakiramdam ko, may kasalanan ako kung bakit nangyari sa kanya 'yon.

"Nag-iisa ka na naman..." Napalingon ako kay Cuadro nung nakapamulsa siyang umupo sa tabi ko. "Trauma ka talaga kay Mamita 'no? Hanggang ngayon, kahit isang salita, wala kang nasabi sa kanya."

Pasiring ko siyang nilingon. Hindi ko alam kung bakit niya pa binabanggit si Mamita dito. Isinasampal niya pa talaga ang word na trauma. Akala niya siguro madali ang nangyari sa amin noon.

"Balita ko, mas mapapaaga ang uwi niyo, ah?" Sabi niya ulit.

Tumaas ang kilay ko. "Ano?"

Tumango siya. "Narinig ko kanina lang. Masama ang timpla ni Auntie Amanda at alalang-alala sayo. Imbis na isang linggo, mukhang hindi na kayo magtatagal dito." Ngumiwi siya. "Sumang-ayon si Uncle Dos kaya nasabi niya na rin kila Mama."

Tumango ako. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa balitang 'yon. Gusto ko na rin makita sila Rica. Mas gusto ko roon sa probinsya nila. Masarap ang hangin at walang presensya ni Mamita na nagbibigay sa akin ng pangamba.

"Wala kang ginagawa?" Biglang tanong niya ulit nung sinubukan kong sindihan ang katahimikan. Nilingon ko siya. "Gusto mo sumama sa akin sa bayan?" Ngumiti siya. "Maigagala kita roon atsaka inaya ako ng mga kaibigan ko kaya pwede kitang isama. Para naman makakita ka ng mga place dito sa amin."

Magandang paraan 'yon para makaiwas kay Mamita kaya tumango ako. Pumasok kaming dalawa sa bahay at nagbihis. Pagbaba namin, nagpaalam kami sa kanila. Mabuti nga at pinayagan ako nila Mama at Papa. Samantala, kahit nandoon si Mamita, hindi ko siya pinansin. Hindi ko hiningi ang opinyon niya sa aming pag-alis.

Hinatid kami ng aming tauhan sa bayan gamit ang sasakyan. Bumalik rin siya agad sa hacienda at sinabihang tatawagan nalang kapag magpapasundo na.

Sa isang restaurant kami pumasok ni Cuadro. Nakasunod lang ako sa kanya. Sinabi niyang dito ang tagpuan na napagusapan nila ng mga kaibigan niya kaya hinanap niya ito sa lugar. Mabilis rin naman namin silang natunton kaya lumapit kami ron at nakisalo. Tahimik lang akong nakinig sa kanila.

"Wow, pinsan mo?" Turo sa akin ng isang lalaki. Dalawa silang kaibigan ni Cuadro at kaharap namin.

"Oo. Huwag kang maloko. Tatamaan ka sakin." Sabi ni Cuadro at tinanong kung anong gusto kong pagkain. Sinabi kong wala akong pera ngunit pinilit niya pa rin ako na pumili dahil ililibre niya raw ako. Wala naman akong nagawa at sinunod siya.

Sa ilang minutong paghihintay, dumating ang aming pagkain. Pinigilan niya muna akong galawin ang pagkain ko kaya nagtaka ako sa kanya. Nilabas niya sa kanyang bulsa ang isang kalamansi. Nagtaka ako dahil hindi ko inaasahan 'yon. Lagi ba siyang may kalamansi sa bulsa niya?

Ibinudbod niya 'yon sa pagkain niya. Tumaas ang kilay ko. Kung hindi ako nagkakamali, ginawa niya rin ito nung isang araw. Nung unang dating namin sa hacienda, yung unang kain namin. Nakita ko rin siya na ganito ang ginawa. Ngayon ay inuulit na naman niya.

Along with the EntitiesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant