Kabanata 46

543 28 0
                                    

CINCO'S POV

"Yun oh, malapit na pala ang birthday ni Cinco!" Asik ni Roy habang nasa batibot kami ng school, kumakain. Wala silang prof kaya nagawa niyang makasabay sa breaktime naming mga senior high.

"Yiiie! Excited na ako! Magde-debut ka raw!" Halata ang kasiyahan at excite sa mukha ni Rica. Bahagya pa akong natawa dahil punong-puno ang bibig niya ng pagkain.

"Sino ang 18 dance mo?" Humalakhak si Ken.

Mahina kong hinampas ang table namin. "Tumigil na nga kayo. Malayo-layo pa naman..." Suway ko sa kanila.

Humalakhak si Ken. "Sus! Malapit na 'yan! Ngayong month na yan e."

"Oo nga! Mag-isip ka na ng mga ii-invite mo!" Suhestyon pa ni Rica.

Bumuntong-hininga ako. "Malayo pa. Atsaka, ang sabi ko nga kay Mama, sana simple nalang. Wala naman kasi akong mashadong kaibigan at kakilala rito sa probinsya. Kung magde-debut ako, iilan lang rin ang mga bisitang mahahatak ko." Napasapo ako ng aking noo. "Ini-insist ko ngang maliit na handaan nalang kasi malapit-lapit na rin ang fieldtrip nitong school, mas gusto ko sumali ron. Gusto ko, doon nalang igastos ang pera."

"E, putspa, mayaman kayo eh!" Humalakhak si Roy. "O, ano? Diba, hindi pumayag si Auntie Amanda sa gusto mong simple lang? Nabalitaan namin 'yan kay Mama. Magde-debut ka raw talaga, Cin. May negosyo kayo sa Manila at maganda ang takbo non. Malamang gagastusan ka. Financially stable kayo kaya walang problema kahit sabay-sabay pa ang event na salihan mo."

Tumaas ang kilay ko. "Wow, nagsalita ang pamilyang may resort sa subic." Pang-aasar ko. Malala rin 'yang pamilya ni Roy at Rica. Makasabi 'tong mayaman kami. E, sila nga, may negosyong resort na popular sa mga turista.

"Mas mayaman pa rin kayo!" Reklamo ni Rica.

"Talaga lang?" Asik ko.

"Shh, tigil na. Ang tunay na mayaman ay yung may mga eroplano na or what. Huwag na nga kayo magtalo-talo riyan." Suway naman ni Ken.

Humalakhak si Roy. "E, pucha ka pala boy e. Kayang-kaya na ng pamilya mo na bumili non! Hindi lang kayo bumibili!"

Bumusangot si Ken. "Anong kayang bilhin? E, wala na nga kaming makain, hayop ka!" Hinampas ni Ken si Roy sa braso.

Mabilis naman na tumayo si Roy para gumanti. Niyakap niya ang ulo ni Ken, kunwaring sinasakal. "Mayaman kayo! Taas ng position ni Uncle sa ibang bansa, anong wala na kayong makain? Mema ka!"

Natatawa kami ni Rica habang pinanood sila.

Sa totoo lang, kahit na maayos at stable talaga ang mga trabaho or negosyo ng pamilya namin, stay lowkey pa rin. Ayokong aminin 'to pero pare-parehong angat ang buhay ng pamilya ko. Ayaw lang nilang ipakalandakan. Mas prefer nila na maging simple lang ang buhay. Hindi rin naman namin kino-consider ang sarili namin as mayayaman talaga. Ang tingin namin sa sarili namin, mga angat lang ng kaunti. Never naming nila-line-up ang sarili namin sa wealthy. At isa pa, hindi kami mayabang, never naging mayabang ang pamilya ko. At, proud ako na ganoon ang pagpapalaki nila sa amin. Hindi kami spoiled at maluho. Nananatili kaming namumuhay ng simple tulad ng iba. Hindi mayabang at mas ini-enjoy ang simpleng pamumuhay.

Habang nagtatawanan kami, napatingin ako sa isang kalapit na puno, nandoon nakatago ang itim na uwak na galing kay Erro. Tulad ng inatas sa kanya, nakasunod pa rin siya sa akin.

Napangiti naman ako.

Isang linggo ang lumipas matapos kong ma-meet ang ina ni Erro, pero hindi na naulit 'yon. Mukhang napagsabihan nga talaga ni Erro na huwag ng lumapit sa akin. Hindi ko naman na alintana 'yon dahil okay na ako. Okay na ang nararamdaman ko. Lalo na ngayon dahil may kung anong nagpapatuwa sa pakiramdam ko. May slight changes na nadagdag sa pang araw-araw ko. Alam niyo kung ano?

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now