Kabanata 16

470 14 0
                                    

CINCO'S POV

Panay hagod ni Cuadro sa likuran ko para pakalmahin ako. Matapos pa naming maihatid sa kani-kanilang bahay sila Mark at Lyle ay binilhan niya ako ng maiinom. Yung bottled water na sealed talaga. Hindi siya pumayag na hindi sealed. Pero kahit na ganon, kahit nakainom na ako, hindi pa rin kumakalma ang sistema ko. Gusto kong maiyak pero pinangungunahan ako ng takot at kilabot. Hindi ako halos makapagsalita sa nasaksihan.

"Nandito na po tayo." Sabi nung driver na tauhan namin. Bumaba siya at inalalayan ako. Alam kong nastress at nag-alala rin siya sa akin.

Pagpasok namin sa mansyon, iniwanan na kami ni manong driver. Pinaupo naman ako ni Cuadro sa sofa na nasa sala. Nagpasalamat pa ako sa isip ko dahil hindi nakatambay dito sila Mama ngayon. Hindi na sila magtatanong kung bakit parang nanghihina at hindi maipinta ang mukha ko.

Napansin kami ng dumaan na kasambahay."Senior Cuadro, ano pong nangyari? Bakit po namumutla si Senyorita Cinco?"

Iniba ni Cuadro ang usapan. "Nasaan sila?"

"Nasa hapagkainan po, kumakain ng pang-gabihan. Ano po bang nangyari? Inabot na po kayo ng dilim." Tanong pa nito.

"May dinaanan lang kami. Pasuyo ako, manang. Pakuha po ng tubig." Utos niya kaya agad na kumilos ang kasambahay at iniwan kami.

Ramdam ko ang panginginig ng palad ko. Naghu-humerentado rin ang puso ko dahil sa kaba. Grabeng kababalaghan 'yon. Taliwas sa isip ko na pwede palang mangyari ang ganon. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Nilingon ko si Cuadro na nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Ano 'yon? Ano ang bagay na 'yon? Paano mo nagawa 'yon?" Nalilitong tanong ko.

Bumuntong-hininga siya at pinanood lang ang mukha ko. Nagda-dalawang isip siya kaya mas mariin ko siyang tinignan. Pinakita ko sa kanya na desidido akong malaman ang kasagutan sa nangyari. Ilang buntong-hininga ang ginawa niya bago sumuko at sumagot.

"Sa mga probinsya, or kahit saang lugar, maraming aswang na hindi mo napapansing malapit sayo. Minsan pa nga ay katabi mo na 'yan." Panimula niya. "Mannerism ko na ang magdala ng kalamansi. Minsan nga ay may luya pa akong dala." Pag-amin niya.

Nanatili ang tingin ko sa kanya. "Anong meron sa ginawa mo?"

"Ginagawa ko 'yon, always." Paglilinaw niya. "Sa pagpihit ng baso, kailangang babasagin lagi ang lalagyan. Hindi mo magagawa 'yon kung sa plastic. Kapag kasi pinihit mo ang baso at nabasag, ang ibig sabihin ay may dasal o sumpa na nakalagay dun."

"Nasa tubig?"

Umiling siya. "Nasa bunganga ng baso." Paglilinaw niya. "Doon nila nilalagay ang dasal o sumpa."

Humigpit ang paghinga ko. "Sa... sa kalamansi?"

"Ang kalamansi ang lumalantad sa mga pagkain. Nakita mo naman kanina. Naibunyag ang tunay na kinakain natin." Suminghap siya. "Parte ng tao 'yon."

Sumama ang tingin ko. "Mamamatay-tao sila?"

Umiling siya. "Aswang na may halong mangkukulam. Alam mo ba ang balbal?"

"Balbal?"

"Huwag mo sasabihin ng higit ng tatlong beses ang salita na 'yon."

"Bakit?"

"Maririnig ka na nila. Tinatawag mo na sila." Paglilinaw niya. "Sa mga burol, hindi ba't may pamahiin na hindi pwedeng iwan ang patay o walang bantay?" Napalunok ako at hindi nakasagot. "Alam mo kung bakit? Dahil, fresh pa sila. Ganon ang mga tipo ng mga aswang. May kakayahan silang kuhain ang katuhan nito o ang katawan. Ang tawag don ay balbal. Iyon rin ang inihahalo nila sa pagkain gamit ang dasal. Delikado 'yon lalo na't maaaring gawin ka nilang kalahi nila."

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now