Chapter 1

24.4K 544 20
                                    

"Hell no!hinding hindi ako magkakagusto sa kagaya niya dre.."

"Hahahahahahahaaaaaaa...."


Nagising ako sa kalampag ni mama sa pintuan ko.Kinapa kapa ko pa ang ilalim ng kama ko upang hagilapin ang cellphone ko.Swerteng nakapa ko ito.Tinignan ko ang oras nito.Napapalatak pa ako ng makita ko iyon.

Dali dali akong bumalikwas sa kama.Nagtungo sa banyo,agad agad ginawa ang morning rituals ko.Then,lumabas na ako upang tunguhin ang hapag upang makapag-almusal na.

Naabutan ko si mama na naghahanda ng mga plato.May mga nakahanda ng sinangag,pritong itlog,ham at tuyo.Sinamahan pa ng kamatis na may sibuyas na tinadtad.Syempre may kasama pa na pakape.

"Morning ma!"bati ko rito.

"Good morning din anak!"tugon naman nito.

Kaagad akong umupo at kinuha ang mga kutsara at tinidor,sinimulan ang pagkain.

Nagsasalo na kaming kumain ni mama ng magsibaba ang mga kapatid kong si Simon at Junie.Mga nakababata kong kapatid.Parehas silang nasa kolehiyo at magtatapos na.Tulong tulong kami ni mama na pinagtatapos ang dalawang ito.

Isa akong HR sa isang kumpanya sa makati.Swerte namang malaki ang pasahod nila kaya natutugunan ang aming pangangailan.Si mama naman ay isang cook sa catering house.

"Kuya,sabi ng kaklase ko bakit ka raw may boobs?"sabi ni junie.Bunso sa amin.Nasamid naman ako sa tanong nito.

"Che!manahimik ka nga..bawasan ko baon mo eh!"sita ko rito.Nagtawanan naman ang dalawang nakababata kong kapatid.Mga abnormal talaga.

Totoo naman malaki gaano itong dibdib ko.Marahil dahil iyon noong nasa katabaan pa ang aking katawan at nabigla sa pagpapayat na aking ginawa.Ang panget ngang tignan.Wala akong abs.Flat nga lang ang aking tiyan.

Pero mapisnge o may katabaan ang aking pisnge mula noon hanggang sa ngayon.Singkit ang aking mga mata na minana ko kay papa.May katangusan naman din kahit papaano ang aking ilong.At mabuti ay maputi puti na rin ako dahil AC ng opisina namin.

Matapos ang asaran at kwentuhan ay nagsipag-handa na kami sa aming gawi para sa pagpasok.

"Bye ma!"sunod sunod naming pagpapaalam.Isinakay ko na sila sa aking sasakyan para hindi na sila kapusin sa pagbiyahe.

"Kuya buksan mo nga yung radyo.Ang boring eh!please..."sabi ni simon mula sa backseat ng sasakyan.Nakapundar naman ako kahit papaano mula savings ni papa na iniwan sa akin bago siya pumanaw.May sakit kasi sa puso iyon kaya maaga nategi lalo pa at maraming komplikasyon na rin sa katawan dulot na ring sakit nito.

Inilipat ko sa ibat-ibang station yung radyo at....

"...at ngayon nandito ang Karie upang tugtugan tayo ng kanta mula sa bago nilang kanta.."

"Kuya diyan na lang!idol ko yang bandang yan!lalo na si kleir!"hindi magkamayaw na tinig ni junie.

Napapreno ako ng husto dahil doon.

That name....

"Aray naman kuya!sabihin mo lang kung may toyo ka na naman at baba kami ng de-oras!"anas ng isa habang hawak ang mga ulo nila.

"Sorry.."saad ko at nag peace sign.Matalim na pagtitig lang isinagot ng mga kupal.

Kasumpa sumpa naman kasi iyong pangalang narinig ko.Malabo namang siya iyon dahil hindi naman singer yung hinayupak na yun.

Lumipas ang sandali na ihatid ko na sila sa kanilang paaralan ang mga loko loko kong kapatid.At tumungo na ako kaagad sa opisina.Sakto lang ang dating ko wala pang gaanong tao.Maliban sa mga maaga kong katrabahong nagsipasok.

"Uy!morning kahlil,"

Salubong ni marg sa akin.Malapit na kami sa isat isa dahil sabay kaming nagapply at nakapasok dito.Madaldal din ang isang ito.Talakerang ewan lang ang dating.

"Maganda ang morning ko...wag ka lang mambuburaot."pangiinis ko.At mukha naman tinablan dahil tila nalukot na papel ang pagngiwi ng kaniyang labi.

"Joke!ikaw pa...walang kabuhay buhay ang lugar na ito kung walang maingay na kagaya mo."pahabol ko at natatawa ko pang salaysay.Napangiti naman ang lokaret.Uto uto talaga.

"Syempre..ako pa!siya nga pala may good news ako sa iyo."nagaangat na naman siya ng mono block niyang bangko,sa kahanginan.

"Oh,share muna..baka mapanis pa yan sa bibig mo dali!"

"Eto na nga..dumating na yung anak ni Mr.Tamayo.Sya muna daw ang hahaligi sa negosyo ni sir..balita pa eh hot na hot na mas hot pa hotdog ang appearance ng junakis ni sir!"chika nito.

"So,bakit daw siya muna ang papalit kay sir tamayo?"

"Magpapagamot kasi sir.tamayo for awhile.Syempre may katandaan na rin ang tropapips nating iyon.Kaya ayan naghayag na ng tagapagmana niya at.."sabi nito.

"At ano?"taas kilay kong tanong.

"At ako ang gagawing reyna niya..hehehe..char lang..."pinitik ko ang noo nito.Atsaka umalis sa harap niya.Mukhang wala akong makukuhang matinong pangungusap sa babaeng iyon.

+++++++++++++

Lunch break na at nagdesisyon akong kumain sa isang resto sa isang mall.Tamang tama lang dahil may bibilhin din akong bagay doon.

Akala ko makakasama ko si marg.Subalit may meet up something daw siya.Isa sa mga kliyente sa opisina.Tiwala naman kasi sa amin si bossing habang nakaleave pa ito at wala pa ang nasabing junakis niya.

Naglalakad at the same time eh,naghahanap na rin nga makakainan ng mapansin ko ang  gitnang bahagi ng mall.May mini stage na nakabalandra doon pati mga upuan.May events something sigurong gagawin mamaya dahil inaayos pa ng mga crew ang entablado.May iilang tao na rin at may mga banner pang nakarolyo silang dala.

I decide na kumain sa kalapit na Savory.Pumasok ako at umorder na pati.Ilang minuto rin ang lumipas at nareserve na rin ang pagkain ko.Lumingon ako sa event na ginaganap ngayon habang ngunguya nguya ng kinakain.Dumarami na rin ang mga tao at nagsimula na rin magpatugtog.

Matapos kumain ay saka ako lumabas ng mabayaran ko ang bill.Pagkalabas ko ay makapal na dami ng tao ang siyang sumalubong sa akin.Maging ang mga teresante ng mga palapag ng mall ay marami rami rin ang nakadungaw.

Tumingkayad ako at nakita ko ang nakalagay na pangalan sa stage.

Karie?

Pinili ko na lamang tumuloy na.Dahil baka mahuli pa ako sa pagbalik sa opisina.

Hindi pa man ako nakakalayo ay dumagundong na ang hiyawan.Seriously?ganito sila kasikat.Nilingon ko naman ang mga hinihiyawan ng mga tao sa stage.Lumabas ang mga apat na kalalakihan.May maipagmamalaki nga.Gwapo eh!Tila mga artista o modelo sa mga kasuotan nila hindi yung tipong All black ang kasuotan.Kakanta ba o rarampa?

Maya maya pa at  may lumabas pang isang lalaki sa gilid ng stage.Mas lalo namang umingay sa sigawan ang lahat sa kanyang paglabas.

Tinitigan ko iyon mabuti.At halos ikaluwa ng mata ko ng masuri ko kung sino iyon.

-c.g

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now