Chapter 17

5.8K 274 18
                                    

(KHALIL)

Humahangos akong pumasok sa gate ng school.Tinanghali kasi ako ng gising dahil sa napuyat rin ako sa movie marathon namin nila papa at ng mga kapatid ko.Sandamakmak pa ang sermon na inabot namin kay mama bago maka alis ng bahay.

Pero bago ako makapasok ng silid namin ay nakita ko si crause na siyang pasok sa room namin.

Kaagad naman akong sumunod sa kaniya.Tila hindi niya ako napansin sa kaniyang likuran.Lumihis na ako ng makapasok at diretsiyong umupo sa upuan ko.

Napansin ko agad ang bulong bulungan ng mga kaklase ko.Marahil hindi dahil sa akin iyon kung hindi kay Crause.Sikat naman kasi ito.Bukod sa may itsura na,matalino pa.

"Huy!Bakit sabay kayong pumasok ni fafa crause?Ay,may kleir na.May crause pa!Bad yan kahlil.Two timer ka ha!"inismiran ko lang ito.

"Manahimik ka nga diyan froi.Keaga aga kung anu anong lumalabas sa bunganga mo."pinaikutan lang ako nito ng mata.

"Class narito ang representative ng student council.Makinig dahil may announcement siya sa lahat."Sabi ng prof namin.

"Magandang umaga sa lahat ng kapwa ko kamag aral.Nais ko lamang sabihin na may kaunting kasiyahan sa ating paaralan ang siyang gaganapin bago matapos ang school year natin.May mga hinanda kaming palaro at papremyo na rin.Isama pa ang bandang dadalaw sa atin sa araw na iyon."paglalahad nito na siyang kinatuwa ng ilan sa amin.

Matapos ang kaniyang ibinalita sa amin ay kaagad rin siyang tumalima sa pag alis.Subalit bago pa iyon ay isang matamis ang aking nakita sa kaniya ng magtama ang aming mga mata.

"My god!friend nakita mo yun!!kinindatan ako ni fafa crause!!ayyiee!"halos gawing punching bag nito ang braso ko sa kabaliwan niya.Hindi ko alam na banlag pala ito sa pag aakalang sa kaniya ito nakatingin.(A/N:Assumera pala ang dalawang ito.Bagay talagang maging magbff ang dalawa!)

Kasalukuyan akong kumakain mag isa sa canteen.Wala kasi si froi dahil sa may meeting sa kanilang volleyball team.Aktibo siya sa paglalaro nito.Kung tutuusin maraming katangian si froi na hahangaan kahit na ganoon ang seksuwalidad nito.

"Would you mind to share your table?"

Napatingala ako sa nagsalitang iyon.

Si kleir lang pala.

"S-sige ba."ibinaba niya ang tray ng pagkain niya sa lamesa.Saka umupo ito sa katapat kong bakanteng upuan.

Nagsisimula na kaming kumain ng dumating ang grupo ng barkada ni kleir.Masaya silang nagtatawanan at pansin kong hindi nila kasama si kleir.

Sa kalapit lang na mesa namin sila naupo.Rinig pa namin ang kantiyawan ng mga ito.

Habang kumakain napansin ko ang bulungan ng barkada ni kleir.Nakakapagtaka lang dahil ang mga mata nito ay nakapukol sa bandang amin.

Hindi ko na lamang pinasin dahil baka naman nagkataon lamang iyon o baka imahinasyon ko lang.

"So,kamusta ka naman?medyo hectic ang mga school works ngayon kaya hindi kita makausap."pagsisimula nito.

"Ayos lang naman ako.Wala kang dapat alalahanin.Ikaw?siguradong marami kayong gagawin lalo pa at may farewell program pa pala kayong isasagawa."

"Yeah it is.Pero marami rami rin naman ang nagvolunteer para matulungan kami.Bago kasi ganapin ang exam ay napaghandaan na namin ito.Actually napagplanuhan na rin ito matagal na."Nakakahanga lang dahil magaling ang mga namamahala sa student council at alam nila na ikasasaya rin ito ng mga kapwa kamag aral nila.

"Hmm..kahlil maari ba akong humingi ng pabor sayo?"napatigil ako sandali sa nginunguya ko.At kaagad ko rin itong nilunok.

"Oo naman.Anong tulong ba ang magagawa ko?Basta ba wag mulang akong uutangan ha..hehe..biro lang."halata sa kaniyang mukha na seryosong pabor ang hihilingin niya.Nakakakaba lang.

"Maaari bang ikaw ang makasama ko sa araw na iyon?"

(A/N:hehe ano kaya ang magaganap sa Farewell program nila?Aalis pa kaya siya o mananatiling nasa tabi pa rin ng hunky fafa nating si Kleir?)

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now