Chapter 38

5.4K 218 29
                                    

Napahilamos ako ng mukha nang maalala ko ang nangyari sa amin kahapon.Hindi ko nga alam kung makakapasok pa ako dahil masakit pa ang pang upo ko.Habang namumutawi ang alaala sa aking isipan,mismong pagpasok naman ng nilalang sa silid na kinaroroonan ko.

"Good morning,"bati nito at sabay kintal ng halik sa aking labi matapos ilapag ang tray sa katabing lamesita.

Sinamaan ko ito ng tingin,pero kahit gayunpaman ay nakucute-tan naman din ako sa gawi niya ngayon.Nang matapos kasi sa pagtatrabaho kaagad niya akong niyaya dito sa condo niya.

Noong una,alanganin ako dahil nga sa parang bad mood ito.Nakakatakot naman kasi baka bigla ako nitong isalya palabas ng outer space kaya naobliga akong sumama.Alam ko naman na kahit tumanggi ako magkakampi sila ni mama.

Pero nangyari na ang nangyari sa amin.Napaismid tuloy ako nang maalala iyon.Argh!

"Hey,are you mad?"gusto ko sana siyang singhalan sa pagkakatanong niya.Pero ng makita ko ang maaamong mga mata nitong nakatitig sa akin.Nalusaw bigla ang inis ko.

Umiling ako.Pero hindi ko naman siya magawang tignan na.Dahilan para iharap nito ang mukha ko sa kaniya.

Hiyang hiya ako dahil nakabalandra ang katawan niya sa aking mga paningin.

"Tell me,are you mad of me?Is it because of what happened to us last night?"

Nauligan ko ang kaseryosohan sa boses nito.

"Hindi ako galit.Pero ayoko lang na nagseselos ka sa mga ganoong bagay.Isa pa ay hindi naman alam ng kaibigan ko kaya niya nasabi yun."saad ko.Bababa sana ako ng kama ng bigla akong makadama ng matinding sakit sa aking katawan.

"F*ck!masakit ba?teka wag ka munang gumalaw.Saan masakit?Punta na tayo hostpital?"pag alalay nito sa akin.Imbes na indahin ang sakit hindi ko mapigilang mapangiti.

"Ano ka ba?!okey lang ako.Saka a-alam mo naman na.."hindi ko maituloy ang sasabihin dahil mataman na nakatingin sa akin si kleir.

"Basta!alam mo na yun."hirap kong binaba ang mga paa ko mula sa kama.Subalit kaagad naman akong inalalayan ni kleir na hindi ko naman inaasahang bubuhatin ako nito papunta sa lamesitang kinaroroonan ng pagkain.

Hindi naman ako makapalag dahil sa masakit ang katawan ko.Lalo na kapag gumalaw pa ako.

Hindi niya ako hiniwalay sa katawan niya hanggang sa maka upo sa isang silya.Bali ang siste ay nakakandang ako sa kaniya.Hayyy..

"Sana magustuhan mo,hindi naman kasi ako totally marunong magluto gaya mo.But you know,lagi kong pinapangarap ang sandaling ito.To held the most important person in my life.Na kahit sa paggising sa umaga mukha na niya ang makikita ko."

Kung siguro na sa lugar na isa akong babae,baka tama na kiligin ako sa mga sinasabi niya.Inabot ko ang kaniyang pisngi.

"Alam mo,ang daldal mo pala.Yan yung parte na ngayon ko lang napansin sayo."napapangiti siya sa akin habang napapailing.

"Eh ako,ngayon ko lang na laman na masarap ka palang--"bago pa ako lamunin ng lupa sa sasabihin niya ay tinakpan ko na agad ang bibig niya.Pilyo pa rin pala siya hanggang ngayon.

______________

Sumapit ang araw ng linggo,busy si kleir sa pagpapraktis sa kanilang banda.Ako naman ay nagpasyang tumungo sa mall para bumili ng bago kong pantalon pamasok sa trabaho.

Habang namimili,naulingan ko ang bulong bulungan ng mga sales lady sa kalapit kong kinatatayuan.

"Uy!nandyan na siya!"rinig kong sambit ng isa sa kanila.Halatang hindi maitago ang kilig sa tono nito.

"Pumwesto na kayo dali,baka naman masita tayo nun dahil sa ginagawa natin."

Naramdaman kong lumapit ang isa sa kanila sa akin."Sir,mura na po yan.10% discount po yan,abot kaya na po."Saad nito.

"Ganon ba,sige titingin lang ako ng size ko."tugon ko.

"Grabe ang gwapo talaga ni sir Crause."bulong nito ngunit siyang ikinahinto ko sa aking paghahanap at mapatingin sa kinatitigan ng mga tingin nito.

Napapalibutan ang lalaki ng mga escort nitong bodyguard.Hindi ko maipagkakaila ang mga sinasabi ng mga saleslady sa kaniya.Gwapo at ang lakas ng dating nito.Kahit sa malayuan mahahalata mo na ang posisyong ginagalawan nito.

Pero ayokong isipin na baka siya nga yung kakilala ko.Pinagpatuloy ko ang aking ginagawang paghahanap ng pantalon.

"Crause!Babe!Bakit mo naman ako iniwan!"Napatingin ako sa sumigaw.At bigla akong natulala ng mailarawan sa aking isipan ang alaala ng matalik kong kaibigan noon.

Sa paglalakad pa lang nito ay siyang siya iyon,pero ang pinagkaiba lang ay maputi ito.Kabaligtaran sa dati nitong kulay.

Hindi ako maaring magkamali si froilan ito!

"Grabe ang panahon ngayon!Kung sino pa yung gwapo siya pa yung pumapatol sa kapwa kasarian nila!At ang mas masakit ay ang chaka pa ng beki!"himutok ng kalapit kong saleslady habang nilalamukos sa inis ang hawak na damit.

Napipilan na lamang ako sa isang tabi,hindi ko man gusto ang kaniyang mga nasabi ay wala akong karapatan makialam sa kaniyang hinanaing.Napaisip tuloy ako,paano kung malaman nila ang patungkol sa amin ni kleir?

Ganitong uri din kaya ng panghuhusga ang mararanasan namin sa mata ng madla?


A/N:Hindi ako makapagupdate  gawa na rin na may health problem ako.Sa mga nakabasa nito sa unang pub ko.May bago siyang twist dahil na rin sa mga pages na hindi ko na maibalik.Salamat sa pang unawa.Love you guys.

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now