Chapter 30

5.9K 282 28
                                    

(KHALIL)

Nang sumunod na araw,hindi na ako tinigilan ng mga kapatid ko.Kung kailan daw uli ito bibisita sa bahay.Pinagsasabihan ko pero talagang hindi maitago sa kanila ang kasabikan.Alam ko naman na masugid sila nitong tagahanga.At alam ko ang kasiyahang dulot nito sa kanila.

Araw ng Linggo.

Maagang nagsigayak sila mama at ang mga kapatid ko para magsimba.Ako naman ay nagsabing mamayang hapon na lamang dahil parang ang bigat ng pakiramdam ko.

Dala na siguro ito kagabing nagjogging ako at sabay ligo.

'Oh anak,iinom mo na yan ng gamot.Baka lumalala pa yan at trangkasuhin ka pa.Di bale may mag aalaga naman sayo.Sige alis na kami.Pahinga ka mabuti.'Sabay ngingiti itong tumalikod at labas ng pinto.Bat parang masaya pa si mama na magkasakit ako?

Ilang minuto pa akong nahiga sa kama bago nagtungo sa aming sala.Nakakangawit kasi kung buong araw akong mahihiga lamang.

Nanood na lamang ako.Pero sa ganoong sandali ay nakarinig ako ng katok sa pinto.

Imposible naman sila mama ito dahil kakaalis lang naman nila.O baka may nakalimutan.

Sinilip ko sa katabing bintana ng pinto kung sino ito.

Nagulat ako ng makita ko kung sino ang nasa labas.

Teka anong ginagawa niya rito?!

Ilang katok pa ang kaniyang ginawa bago ko pa naisipang pagbuksan ito.

'Hi.Good morning!'

Bungad nito.Hindi ko maiwasan mapanganga lalo pa at para bang nakakita ako ng mala adonis na anghel na bumaba sa lupa.

Idag dag pa ang bumagay na suot nitong damit na kahit simple lang.Ang lakas ng dating!

'Khalil?khalil..are you ok?'agad akong napatalima sa kaniyang tanong.

'Ah..ok naman.Good morning din sayo.Anong atin at napadalaw ka?'Medyo nakaramdam ako ng hiya ng titigan ako nito pababa.argh!Nakakahiya sa suot kong boxer short at kupas kong loose t- shirt.

'A-ah..wala naman.Napadaan lang.'Pansin ko ang pag iwas ng tingin niya at doon ko napansin ang pamumula ng pisngi niya.

'Mukhang mainit dyan sa labas,tara pasok ka.'Paanyaya ko.Kaagad naman siyang pumasok.May dala itong basket ng prutas.

'Nga pala para sayo.'iniabot nito sa akin.

'Nag abala ka pa.'alangan ko itong inabot at inilapag sa lamesa.

Akmang haharap na ako ng mapatalon ako sa gulat sa sobrang lapit na nito sa akin.

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya.

'A-ano..Kleir'

Nagkakandautal ako sa harap nito.

Gulat akong napatingin sa isang kamay nitong umaangat at akin itong sinusundan ng tingin.

Siya nitong pagdapo sa aking noo.

'Mainit ka..'

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon