Chapter 36

4.9K 221 19
                                    

SAD TO SAY,ILANG PART NG KWENTO ANG HINDI KO NARESTORED.GAWA NG PAGLILIPAT KO NG FILES.KAYA UTAY UTAY ANG UPDATES KO RITO.HOPING NA SANA MAS MAGAWAN KO SIYA NG BAGONG TWIST SA PAG EEDIT.-C.g

(KHALIL)

Kitang kita ko ang ngiti ni kleir sa mukha niya habang sabay sabay kaming kumakain nila mama at mga kapatid ko.

'Eh kuya,paano niyo po napagsasabay ang trabaho at pagkanta niyo?Hindi po pala basta basta maging singer na gaya niyo?'kwento ni junie.Sa kanilang dalawa ni simone ay siya ang nahihilig sa musika.

'Basta may quality time ka para sa lahat.Pero mas maganda na may ilalaan ka rin para sa sarili mo.At sa taong mahal mo.'sabay kindat nito sa akin.Pinigil ko ang sarili na masamid mula sa hinihigop na kape.

'Ahem!'sipat ni mama.Binilinan niyang bilisan ng dalawa kumain ng makapasok na ang mga ito.Nang makaalis ang dalawa ay inutos niyang mag usap kaming tatlo sa sala.Balak kasi ni kleir talaga ngayong araw ay lumiban muna kaming dalawa.

Medyo hindi ko lang inasahan ang ugali ni mama ngayon.Mukhang strikto ang dating.Alam kong ramdam niya na ang namumuong samahan namin ni kleir.

Magkatabi kaming nakaupo sa mahabang sofa namin.Habang si mama sa katapat na upuan.

Isang malalim na pagbuntong hininga ang narinig ko kay mama.'Alam kong dito mapupunta ang lahat.Una ko palang makitang magkasama kayo noon.Hindi ko lang inasahan talaga na magtatagpo kayong ulit dalawa.At kung sakali,hindi ako mag aalangan ibigay ang basbas sa inyong relasyon.Hindi ako gaya ng ibang ina,ayokong maghigpit lalo na kung hindi ikaliligaya ng mga anak ko ang nais nila.Basta nasa tamang daan sila sa gusto nilang marating sa buhay.Hindi ko masasabing perpekto ang lahat sa nais niyong pasukin pero gusto ko lang makasiguro,kung handa niyo bang ipaglaban ang isa't isa sa mata ng mapanghusgang mundo.'

Daig ko pa ang napipilan sa tanong ni mama.Oo,hindi ko man nagawang ipagtapat ang nilalaman ng puso ko simula noon at kahit ngayon.Gusto ko naman tiyakin na kaya kong harapin ang nararamdaman ko para kay kleir.

'Yes tita,alam kong hindi ko mahihingi ang pag unawa ng mga tao sa paligid namin.Kahit saan tignan,lagi silang may panghihinayang mula sa aming dalawa.Pero hindi iyon ang mahalaga.Mahal namin ang isat isa,hindi kailangan sukatin kung gaano man katatag ang samahang bubuoin namin pero mas mahalaga ay magkasama kaming haharap sa mundo.'sa palad ni kleir ramdam ko ang bawat katagang binibitawan niya.

'Ikaw anak,alam ko na mahirap ang ginawa mong pagsuporta sa amin.Gusto ko na maging masaya ka naman sa buhay mo.Dati ramdam ko na may kakaiba sayo.Ayoko lang tanungin sayo ito dahil mas gusto kong sayo manggaling.Kasi mas nakakaluwag ng pakiramdam kung ikaw sa sarili mo tanggap mo kung ano ka.Pero anak,wala sa akin kung ano man ang bagay na iyon kasi anak kita.'nang makita ko ang pagluha ni mama kusang dinala ako ng mga paa ko sa kaniyang tabi.Sa pagyakap niya sa akin daig ko pa ang nakapatong sa tuktok ng bahaghari.Yumakap din si kleir sa aming dalawa.Kaya kakaibang kaligayahan ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.

'Basta bigyan niyo agad ako ng apo!'natawa na lang kami ni kleir sa tinuran ni mama.

_________________

Papunta kami ngayon sa bar na pagmamay ari ni kleir.Naabutan namin na nagrerehearsal ang mga kabanda nito.Hindi ko lang inasahan ang maabutan ko.Galing daw sila sa kani kanilang mga trabaho.Kaya nakaattire pa ang mga ito.

Kung nandito si marg baka lumuwa ang mga mata nito sa mga nakikita ko.

'Woah..mga tol,tignan niyo kung sino ang dumarating!'sigaw ng basisst nilang si marco.Nakatitig ito sa akin ng sabihin niya iyon.Hindi ko maiwasang mahiya.Kung itatabi ako sa grupo nila mahmumukha akong utusan.Iba ang mga datingan nila.Makalaglag panga ika ni marg.

'Guys,si khalil nga pala...'hindi pa natatapos magsalita si kleir ay sabay sabay nilang binanggit ang pangalan ko.

'Khalil?!you mean yung chubby na nerd at medyo weirdo nung nasa middle school tayo?!'sabi ng isa sa kanila.Lalo akong nahiya sa sinambit niya tuloy naalala ko na naman yung dati.Pero bigla kong naramdaman ang kamay na humakbay sa aking balikat.

'Yes,he is.Yung chubby na nerd at medyo weirdo na mahal na mahal ko.'bigla akong napatingin sa kaniya.Ramdam ko ang pagiging kalmado sa kaniyang tinig.

'Yun,yun e!!Meant to be talaga kayo tol!akalain mo yun..Sabagay nagbayashhjll..'hindi naituloy ang sasabihin nito ng takpan ang boses niya ng kasamahan.

'Congrats pre!!'masayang bati nila sa amin bago kami pumasok sa isang silid.Bago kami tuluyang makapasok nakita kong nagbubulungan ang mga ito.Hindi ko tuloy maiwasang mag isip ng kung ano.Subalit mas pinili ko na lamang iwaksi ito,ayokong magpakanegatibo.Lalo na at mga kaibigan ni kleir ito.

Sumalubong ang ganda ng interior ng silid sa aking paningin.Wallpaper pa lang ng silid pang high class na ang dating.

'Dito kami nagpapahinga pagkatapos namin kumanta.'sabi nito at niyakag ako sa may kalakihang couch ng silid.

'Nawawala ang stress namin kapag hawak na namin ang mga instrumento namin.Kaya kahit pagod man,sa huli masaya naman kami.Noong una ayaw ni papa ang ginagawa kong ito pero nakikita niya naman na pursigido ako sa posisyong inatang niya sa akin.Masaya ako dahil mas nagagawa ko ng gawin ang mga gusto ko.Noon akala ko tama na kung ano ako sa nakikita ng iba ay iyon na ako.Pero nagbago lang ito ng kung paano ko ba ipapakita o ipaparamdam sa iba ang nararamdaman kong pag iisa.Oo,nandyan na ang lahat sa akin.Pero parang laging may kulang.'napatigil siya sa pagsasalita.

'Anong kulang?'tanong ko.Dahilan para mawala siya sa kaniyang iniisip.Inabot ng aking kamay ang mukha niya.

'Im not ready to talk about this.Pero alam kong darating yung panahon na masasabi ko ang lahat sayo.'sinuklian ko lang siya ng ngiti bilang tugon.Kung ano man iyon,alam kong maibabahagi niya sa akin iyon.Balang araw.



Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now