Chapter 10

6.6K 306 23
                                    

(KHALIL)

Akala ko pa naman buo na ang araw ko.Wala naman akong karapatan umakto ng ganito.Isa lang naman akong die hard fan nito.Bonus na lang na naging slave niya kuno ako.

Nandito kami ni froilan sa benches ng park sa loob ng campus.Habang sarap na sarap si froi sa kinakain niyang fries ako naman ay nakatingin lamang sa gawi kung nasaan siya.

Si kathleen pala iyong kasama niya.Sikat na cheerleader dito sa school.Maganda at maputi.Pero may ugali raw itong hindi kanais nais.Hindi ko alam kung ano yun.At wala rin akong balak alamin.

Masaya siyang nakikipagkwentuhan sa mga barkada niya.Habang nakalingkis ang babaeng iyon sa kaniya.

"Kahit konting pagtingin ang manggagaling sayo ay labis ko nang ligaya dahil sa ikaw ay ..ARAY KO!!"Nangingiwi siya sa sakit ng tadyakan ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa.

"Kumain ka na nga lang diyan!!dami mong alam eh no!"pinaningkitan ko lang ito nang mata.

"Kasi naman friend,tama na hangaan mo na lamang siya wag ka nang umaasa ng higit pa roon.Dahil sa huli ikaw lang din ang masasaktan."paliwanag nito bago bumalik sa pagkain.

Wala naman talaga akong dapat asahan.Dahil una sa lahat,malabo na magkaroon siya ng gusto sa mga kagaya ko.

Habang nasa klase nakatanggap ako ng text sa aking cp.Pasimple ko lang itong sinilip.

4:15 at the gymnasium

Ang sabi sa mensahe.

---

Natapos naman ng maaga ang klase ko ng alas tres.Kaya hindi na ako gaano pa nagmadaling nagtungo roon.At baka hindi lang dapa ang abutin ko.Kapag nagkataon.

Nakarating naman kaagad ako.Umupo ako sa gilid ng court nito.Nakita ko naman ang grupo ng team nila.Todo warm up ang pinagagawa sa kanila ng coach nila.

May mga kababaihan naman ang kilig na kilig sa mga ito.Minabuti ko munang makinig ng kanta sa mp3 player ko habang naghihintay.

Napansin ko naman na pasimpleng tumitingin ang ilan sa mga kasamahan ni kleir.Nagbubulungan at saka ngingisi.

Problema nila?

Kalaunan natapos rin ang kanilang ginagawang practice.

Mukhang hindi naman ako nakita ni kleir sa aking kinaroroonan.

Kaya minabuti kong lumapit sa kaniya habang nagpapahinga sa isa sa mga bench.

Lalapit pa lang sana ako ng dumating ang mga kagrupo nito.Minabuti ko na lamang na tumigil malapit sa mga kinauupuan nila.Alam kong bully ang mga kasama niya at ayokong pati siya ay asarin nito.

"Pre!Ano tuloy ba tayo sa bar mamaya?"tanong ng isa sa mga ito.

"Oo naman pre!bakit hindi?"sagot ni kleir.

"Sasama mo ba si kath?"tanong muli nung isa.

"Oo pre,sayang din yung isang yun!"Nagtawanan sila sa sinagot nito.

Hindi ko maiwasang malungkot na ganito pala si kleir sa mga babae.Sabagay para ano pa at tinawag siyang playboy.

Nagkwentuhan pa sila at nang matapos ay naiwan si kleir roon sa puwesto nila.

Nagtxt naman siya sa akin kung nasaan ako.Nagaalangan naman akong replyan siya kung sasabihin kong malapit lamang ako.

Hindi ko kasi naiintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Oo,paghanga nga ang nararamdaman ko para sa katulad niya.Pero parang iba ang nararamdaman ko kapag may kausap siya o kasama na mga babae.Inis iyon!

Pero sa kabilang banda,nakakatuwa kasi naalala niya ako..yun nga lang kapag may nais siyang ipagawa sa akin.

(Cellphone ringing..)

Kumalampag naman sa bulsa ko ang cp ko.

Natanaw ko na nakadukdok sa tenga nito ang telepono niya.

Saka ko napagmasdan ang nakarehistro rito.

Sasagutin ko na dapat iyon subalit kinansela na kaagad niya ito.Saka umalis agad.

Susundan ko pa ba siya?

Nanatili lamang akong nakatanaw sa kaniya habang papalayo sa lugar na ito.

"Hey!"

Napapitlag ako sa humawak sa aking balikat.Kaagad kong nilingon kung sino iyon.

Sinalubong ako nito ng matamis na pagngiti.

"Hello!"sabi pa nito.

"H-hi?"alanganin kong pagtugon.

"Kamusta ka?Mabuti at naalala kita."Nakatingala lamang ako sa maamo niyang mukha."Ma-mabuti naman.."sagot ko.

Totoo nga na gwapo ito si crause kahit nakasalamin pa ito.Mas nakakaintimida kasi lalo ang kaniyang mga mata sa reading eyeglass nito.Hindi na nakakapagtaka na marami din siyang tagahanga sa paaralan namin.

"Mmm..so i ask if your free this time,konting chatting you know?and miryenda rin.My treat!"tanong nito na kinabigla ko.Si CRAUSE WILLER!niyaya akong magmiryenda!

"Can we?"Tanong ulit nito.Wala naman akong gagawin sa bahay at wala na rin sigurong balak na utusan ako ni kleir.

"Ahh..."walang tanggi na sana akong sasagot ng may sumingit.

"Sorry,pero hindi siya sasama sayo."

Napapitlag ako ng humakbay ang braso nito sa aking balikat.

-

----
A/N:Hala ka!Khalil.


ORIGINAL DATE POSTED:03/24/2017

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon