:46

1.9K 139 14
                                    

K    H   A    L   I   L

Kung nakakahiwa lang sana ang mga tingin ko.Nagkapira piraso na ang katawan ng taong ito.

Hindi ko alam kung saan humuhugot ng kapal ng mukha ang lalaking na sa harap ko.At siya pa ang may ganang manermon sa akin.

"Saan ka galing?Bakit ngayon ka lang umuwi?"baritonong tanong nito.Wala sa mukha niya ang pagbibiro.

Imbes na sagutin ko ay nagtungo ako sa silid ko para iwasan siya.

Kung kaninang gusto ko siya agad yakapin ng makita.Dahil sa lubos na pangungulila.Napalitan iyon ng pagkairita.

Dahil nga sa pag alis niya ng hindi ko man  lang alam kung saang lupalop siya galing.Ano pang silbi ng salitang kasintahan kung wala man lang akong karapatan mag alala sa kaniya?

At ang walanghiya mabilis pa sa alas kwatrong nakasunod sa likod ko kaya hindi ko nasara agad ang pinto.

"Mag usap nga tayo..Hindi yung ganitong mag iiwasan tayo."hindi pakiusap kung hindi utos ito mula sa lalaking ito.Matapos isara ang pinto ng silid ko.

"Wala tayong dapat pag usapan!malinaw na sa akin ang lahat!baliwala naman sayo ang nararamdaman ko ng iwan mo ko!"asik ko.

"Hindi ganoon iyon..babe.Kung alam mo lang.Hindi ko ginawa iyon para sa iwan ka o ang isipin mong pinaasa lang kita."malumanay na sabi niya.Nakikiusap maging ang mga malamlam niyang mga mata.

"E,ano?sanay naman na ako sa mga gawain mong iyan.Noon pa man!Isa kang paasa!paasa!"nais kong ibulyaw sa kaniya ang sinasabi ng utak ko.

"H'wag ka ng paliwanag kung ngayon pa lang ginagawa mo na akong tanga.Ayokong maging martir kahit ganiyan ka adfgjjkll .."

"What?i dont hear you?what are you saying?"hindi ko na uulitin dahil baka ikalaki pa ng ulo nito ang sinabi ko.

Sadyang ibinulong ko na lamang ang salitang iyon.

"Wala!umalis ka na nga!saka pwede ba masakit ang ulo ko!gusto ko matulog!"pambabaliwala ko sa kaniya sabay hubad ng damit ko pang itaas.

Napatingin naman ako sa salamin na katapat ko.Napansin ko ang mukha niya mula rito.Pasilip silip sa gawi ko tapos tila nasasamid na ewan siya.

Liningon ko siya at nagtama ang mga mata namin.Pero napansin kong bumaba ang titig niya sa kabuoan ko.

Napatakip ako ng kamay sa katawan kong lantad.

"Labas ka na nga!"singhal ko rito.

"Nope.Hindi pa tayo tapos mag usap.Hihintayin kita matapos magbihis."saad niya na ikinarolyo ng mga mata ko.

Umupo ang hunghang sa kama ko.At talagang walang balak umalis.

Nang matapos makapagbihis ay lumapit naman ako sa kaniya."Oh!ano pa ang sasabihin mong kasinungalingan sa akin?"nakapamewang na giit ko sa kaniya.

Kung kanina ay tila nanlilimos ng awa ang kaniyang mga mata ngayon naman ay naningkit ito at sinamahan pa ng pagtangis ng panga.

Bigla niyang hinablot ang aking kamay dahilan para mapahiga ako sa kama.Mabilis niya akong kinababawan.

"Tss..hindi ako magsisinungaling lalo na kung sa seryosong bagay.Khalil"tiim bagang niyang paliwanag.Seryoso siya.

At mukhang masasabi ko ang ugaling mayroon siya ngayon."Huwag gagalitin ang isang Kleir"

"Mahal kita at hindi ko magagawang saktan ka.Lalo na ang iwan ka-''

"Pero nagawa mo na!"pagputol ko.

Napailing siya subalit nananatiling nakapako ang mga mata sa akin.

"Kinailangan lang talaga.Kailangan lang ng tulong ng isa kong kaibigan.Sorry."

"Pinaghintay mo ko."

"Sorry babe."

"Pinag alala mo ko."

"Sorry.i dont mean to."

Sa posisyon naming dalawa parang bibigay na ako lalo pa na amoy ko ang bango ng hininga niya.At ang init nitong pagtama sa akin.

"Saan ka ba galing huh?!"

"Basta.Long story pero ikukuwento ko sayo kapag maayos na."sabay haplos sa aking mukha habang nanatiling nakaibabaw sa akin.

"Ikwento mo sa akin yang long story mong iyan!"giit ko.At siyang ikinatango agad niya.

"So it means okey na tayo?"

"Hindi pa.Pero ang gusto ko matulog muna."Ang sabi ko.Ewan ko ba ang tagal ng talab ng hang over sa akin.

Hindi naman kasi ako pala inom.

Narinig ko naman na may sinasabi pa siya subalit tuluyang napapikit ang kanina pang antok kong mga mata.

Ngunit narinig ko pa ang ibinulong niya sa akin.

"Let me held you like this.."

At ramdam ko ang kaniyang bisig sa paghapit sa akin nito.

Pagkagising ko ba naman beastmode ang lolo niyo sa akin ng malaman niyang nag inom ako.

At sa froglet na froilan niya pa nalaman ito.

Ang siste na pagalitan ako ni mama ng isumbong ako ni kleir.

Padabog kong nginunguya ang pagkain sa loob ng bibig ko.Ang hinayupak naman ay masayang ka-kwentuhan si mama.

Kampihan talaga sila.

"Babe,aalis nga pala tayo pagkatapos nating kumain."Hindi ko pinakinggan ang sinasabi niya bagkus pagkatapos kong kumain ay pinuntahan ko ang mga kapatid ko.

Nakita kong busy sila sa paglalaro ng tablet.Lumapit ako sa kanila saka kinamusta ang mga ito.

"Kamusta ang school?wala ba kayong project or homework?"

"Kagabi pa po namin natapos.Tinulungan po kami ni kuya kleir.Ang tagal mo po kasing dumating kuya."tugon ni Simon.

Naguilty naman ako.Hinintay pala nila ako kagabi.

"Talaga?sorry kung ngayon lang nakauwi si kuya.Bawi ako sa inyo next time."sabi ko.

"Kay kuya kleir ka na lang bumawi kuya.Hinintay ka niyang dumating kagabi.Nakatulog pa nga siya sa sofa e."sabad ni junie.

Teka.teka.teka parang ako pa ang may kasalanan ah?

"Oo nga,sa akin ka dapat bumawi babe."napatingin ako sa pinto.Nakasandal siya doon habang nakahalukhip pa ang mga braso.

Nagflex tuloy ang muscle niya sa braso.

Ahmp!!

Inis akong tumayo sabay tungo sa pinto.

At saka...

"Araay!!"

nangingiwi siya sa sakit ng lagpasan ko.

Gigil kong kinurot ang tagiliran niya.Pacute kasi!

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Där berättelser lever. Upptäck nu