Chapter 2

10.9K 371 5
                                    

(KHALIL)

6 YEARS AGO..

Eto na naman ako magi-stalk sa FB ng crush na crush kong si KLEIR LEVI ANGELES.Tipikal na manlalaro ng Basketball team ng paaralan namin.Gwapo,mayaman at GWAPO ulit.Ganun ko siya maidedescribe.

Apat na taon ko na siyang crush,hindi ko alam kung crush o paghanga pa ba ang tawag doon.Simula pa lamang kasi first year ay humanga na ako sa galing niya sa paglalaro.Doon na ako nagsimulang sundan ang mga laban nito sa basketball.

Taga-hanga or fan..no!number one fan niya ako.Dinaig ko pa ata ang mga babae sa kakasunod kung saan siya nagpupunta.Syempre sa school lang.Masyado naman over kung susundan ko pa ang pribado nitong buhay.Possesive much na kay crush...

Anyway highway,nakita ko sa timeline niya ang mga ilang kaganapan o post nito.Ang ilan dito ay kasa-kasama niya ang mga ka-team niya topless maliban sa kaniyang may hawak mismo ng camera o cellphone.Grabe ang mga pandesal sa tiyan nila.Hindi ko man lang nasilip ang tiyan ni crush kung may natatagong pandesal ito.#Sayanglang!

Tapos eto na nga nabasa ko rin yung mga comments nito.Nakakalulang ♡□♡ mga emoticons ang nakalagay.Hmp!makacomment nga.

Mas HOT ang may hawak ng cam.

Capslock talaga dahil bias na kung bias.Lakas makaKPOP ang aura ko dun.After a minute burger..may mga naglikes sa komento ko.Umagree ang sambayanan sa aking adyenda sa buhay.

(Scrolling..)

Nagtingin-tingin pa ako sa mga post nito at nakita ko ang isang larawan na ikinabagsak balikat ko.dinaig ko pa si sharon cuneta na pasan niya ang Daigdig!.mention ko lang.Sweet na sweet makangiti ang babae samantalang si crush naman ay ganun din.Sad to say.BAGAY sila.(II~II)

Marami rami rin ang nagcommentS with S' talaga kasi nga marami sila(wag tan-g.a mga bes.)Magkokomento pa sana ako kaya lang umatungal na yung bantay ng computer shop.

15 time naaaa!!

Akala niya naman mabibitbit ko yung monitor palabas ng shop.Hmp..makabayad na nga!

Naglog-out na ako,then i paid my bill and so on,and so for.Ganun.

Mabilis ang pagtumbling ng araw at naka-move on ang aking hormones sa bagay na yun.Feelingera/Assumera/Hindi ko na alam pa ang other meaning.Basta ganun.

Nakita ko si froi sa hallway patungo sa first subject namin.Tinawag ko ito at dali daling lumapit para makasabay."Morning,sis!"bungad nito.Si froi ay isang beki unknown.Which is hindi ko alam ang pinaglalaban ng plasenta sa katawan at wagas kung maka-tsunami walk.araw-araw.

Hindi kami kagaya ng ibang beki na kailangan pang maglagay ng make-up to feel the blood of our feminine side.Sapat na yung tanggap na ng iba ang ganitong uri ng seksuwalidad na meron kami.

Matalino at masipag mag-aral si froi.Unlike me na slight lang!char.Pinagbubutihan ko rin mag-aral para sa pamilya ko.Lalo pa at tinamaan ng sakit si pudra.

Kailangan matustusan ang gamutan nito.Pasimple pa rin itong rumaraket kahit ganun.Makatulong lang kay mama.Si mama na nagsusumikap sa pagluluto lamang sa isang cattering house.

Nagsisimula na ang klase ng mapansin ko ang ingay na galing sa hallway.Dumaan sa harap ng room namin ang team nila KLEIR.Samantalang nakasunod ang mga fans nilang tila nagbabalat kayo sa pagkakiti-kiti ang paggalaw.Gusto ko sanang makiusisa kung anong meron.But sad to say,nagsisimula ng tumalak ang guro namin.Lakas magpaulan ng laway..kaya walang umuupo sa first row.

Nakita kong hawak nito ang patpat niyang kawayan,nakaturo ito sa larawan ng mapa na nasa pisara.Hindi ko alam subalit biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni kleir mula sa larawan.Nakikita kong nakatingin ito sa akin samantalang hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa ganoong uri ng tingin na ipinupukol sa akin.

Khalil..

Naglalaro sa aking isipan na tinatawag niya ako habang nakatayo siya harap ng klase,tila isang modelo sa kaniyang mga tindig.

Khalil..

Tila nangiimbita ang kaniyang boses na namamayani sa aking isipan.Subalit..

Isang maliit na bagay ang tumama sa noo ko dahilan para magising ang aking diwa.

"BUSTAMANTE!STAND UP!"paktay!

At literal ako nitong pinatayo sa buong oras ng klase.

---
A/N:Literal akong natatawa sa pag eedit nito.Sa totoo lang mahirap pero kapag nababasa ko naman siya natatawa talaga ako.Mwehehehe.Pakibasa na rin pala ang 2018 Christmas Special ng LgbtPH Watty.Presenting CAROLS OF LOVE III.Collaboration ito ng mga writers of watty.Sana ay tangkilikin natin😉😊

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now