Chapter 24

5.9K 267 34
                                    

(KHALIL)

Napatigil sa pagtatambol ang nagkukumahog kong puso.Seriously,hindi niya talaga ako maalala?

'Uhmm.Sa palagay ko po sir,ngayon ko lang kayo nakita.'pagsisinungaling ko.

Ang awkward naman kung sasabihin ko sa kaniya na'Oo!ako yung matabang pinaasa,niloko at ginamit mo lang!'

Mas maganda na yung ganito,yung hindi niya malaman kung sino ako.Dahil para sa akin ayoko ng balikan ang mga ginawa niya sa akin.Dahilan para magkalapit muli kami.At muling magpakatanga!

Pasalamat na lang ako at totoong may nagbago sa akin para hindi niya makilala.Kung sakali pala,baka maging dahilan iyon para gunitain niya ang nakaraan at muli niya akong mapaikot sa magigiliw niyang salita at kilos.

'Sigurado ka?'alangan niyang sabi at maging ang mukha ay nakikisama rin.

'Oo naman sir,'Sagot ko agad.Nakakapipi sa totoo lang ang kaniyang presensya.Kaya bago pa ako makain ng kasinungalingan ay siyang paalam ko rito.

Ayokong pahabain ang aming diskusyon at baka saan pa mauwi ang pag uusap namin.At baka mawala ang amnesia kuno niya.Mamaya maalala niya pa si kahlil 'Ang dakilang ilusyunadong beki'

Napabuntong hininga ako ng makasakay sa kotse kong nakikipanig sa kamalasan ko ngayong araw.Habang siya ay nauna na ng makaalis.Pinahupa ko muna ang kaba sa dibdib ko dahil sa naganap na pangyayari.

'Happy birthday!'sabay sabay naming bati sa kapatid kong si junie.Pinikit niya ang mga mata at matapos ang ilang sandali ay ang paghipan nito sa kandila ng kaniya cake.

Nakita kong inilapag ni simon ang isang maliit na parisukat na bagay sa lamesa katabi ni junie.

Nakita agad ito ni junie at agad na kinuha.Nagmadali siyang tanggalin ang balot nito.Kita ang excitement nito sa kaniyang mukha.

Bumungad sa akin ang mata ang lalagyan nito.

Isang Album ng CD.

'Yehey!!meron na rin ako!'tuwang tuwa ito sa kagalakan habang yakap ang maliit na bagay.

Kasunod ang paglapit nito sa katabi na dinaluhan ng mahigpit na yakap.

'Salamat simon!'nagkakawag kawag naman ito sa pagyakap ni junie.

'Grabe ka junie!Hindi ako makahinga!'reklamo nito sa huli ay napangiti dahil sa inasal ng katabi niya.

'Teka sandali,paano ka nakabili?edi ba mahal ito?'pang uusisa sa kapatid.

'Naku wag mo nang tanungin pa at baka malaman mo pa na nangupit ako sa alkansya mo.Mamaya magalit ka pa.'kaagad naman nag alburuto si junie at tila isang torong nangangalit sa kalaban.

Hindi pa na kuntento si simon at dumutdot ng icing sa cake at pinahid sa pisngi ni junie.At siyang karipas ng takbo.

Maging si mama napapangiti at napapailing na lamang sa dalawang naghahabulan sa aming sala.

'Kuya pedeng makahiram ng laptop at speaker?'bungad ni junie sa kwarto ko.Nakasuot na ito ng pantulog habang hawak naman niya ang CD.

'Ginagamit ko pa.Bakit?'

'Susubukan ko lang ito kuya.'hayag niya sabay lahad ng hawak at akin naman itong kinuha.

'Naku,junie gabi na.Atsaka pwede naman natin itong test -ingin sa sasakyan bukas.'paalala ko.

'Sige kuya,bukas na lang.'kaagad siyang tumalima sa pag alis dahil halata na ring inaantok dahil sa dagling pag hikab nito.

Napatingin ako sa hawak ko.Nakalimutan niya kunin sa akin.Marahil ay sa antok na antok na ito.

Sinuri ko ang lalagyan nito.Simple lang ito kung titignan,at hindi ko alam kung anong kinahihibangan nila rito.Pagbukas ko ay may mga papel na nakapaloob.Nakaimprenta doon ang ilan sa mga lyrics ng kanta.

Itatabi ko na sana,ngunit tila may nag uudyok sa akin na buksan at pakinggan ito.

At siya namang sinunod nang na uto kong utak.

Sinalang ko ito sa laptop kasabay ang pagtubo naman ng salitang kakaba kaba sa aking dibdib.

Lumabas sa media player ito.Mga pitong kanta ang siyang nakapaloob.May special song pa sa pang huli nito.

Nakasulat sa lalagyanan ng disc na siya mismo ang gumawa ng kantang ito.

Parang may kung ano at naisipan kong iyon ang unang patugtugin

Saka pinindot ng nangangati kong mga kamay para simulan ito.


Hindi maalis
Ang larawan ng
kahapon
Sa aking alaala
na ikaw ay nananahan

Tila isang panaginip lang,
Ang sandali na ikaw ay
nasa aking mga bisig

Kung maibabalik,
Ang oras at panahon
hindi sasayangin
Ang pagkakataon na ikaw
ay mahalin
Ibibigay sayo ang lahat
Kapalit ng pagmamahal
na aking inaasam

Araw ay bumabagal
Sa mga sandaling wala ka
Umaasa
Humihiling
Sakaling magbalik
muli sa aking tabi
Sa aking tabi(tabi)

Kung maibabalik
Ang oras
at panahon
Hindi sasayangin ang sandali
na ikaw ay mahalin
Ibibigay ang lahat
Kapalit ng pag ibig na aking
Inaasam

Napahigit ako nang hininga.Tila may tinatamaang kung ano sa aking damdamin.Ang swerte naman ng pinag aalayan niya ng kanta.

-Rozen.
-CG♥T.

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now