Chapter 4

7.8K 327 9
                                    

(KHALIL)

Napalingon ako sa taong tumawag sa akin.Si froilan lang pala.Well ganyan naman kami kung mag-asaran basta walang pikunan.

"Oh bakit?Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo dito aber!"sabi ko.

Natawa naman ito atsaka umupo sa aking tabi."May laban pala ang team nila kleir sa NPU.Kaya dapat nandoon tayo sa laban nila!panigurado maraming fafa doon.Saka nandoon pa yung mga crushes natin."magiliw nitong sabi.Mabuti pa itong si froi.Wala lang sa kaniya ang mga insultong inaabot namin sa tuwing pinagkakatuwaan kami ng karamihan.

Atleast,the best way na ginagawa na lang namin ay ang umiwas or wag patulan.Hindi naman kasi ikauunlad ng aming hormones iyon.Nagkwentuhan pa kami ng puro's kalokohan at saka napagdesisyunan na sabay umuwi.

Nang makarating sa bahay.Agad akong nag-open ng FB acc.ko.At saka nagstalk sa taong iyon.Ilang scroll pa at tila wala namang bago sa mga post niya.Nag-logout na lang ako.Tapos ay pabagsak akong humiga sa kama ko.Naisip ko paano ba niya malalaman na may taong labis ang paghanga sa kanya.Gayong lagi lang akong nasa malayo at tinatanaw lang siya.Daig ko pa ang anino niya.Anino na laging nasa malapit lang subalit hindi naman pansinsin,walang mukha at walang makikitang magandang bagay para ito ay pagmasdan.

Haiist!bakit ko ba idina-down ang sarili ko gayong wala naman masama sa pagiging chubby.Sabi nga ni mama okey lang naman maging chubby atleast cute.Lagi ko lang naman sinasakyan ang biro nito.

Tumayo ako at nagpalit ng damit.Kinuha ang bag at inilabas ang mga libro na kailangan aralin.Itutuon ko na lamang ang lungkot na ito sa pag-aaral dahil mas may patutunguhan pa ito kesa sa pagdadrama ko.

----------------------------------

Narito ako sa hallway at nagmamadaling pumunta sa library.May research kasi at nalaman ko kay froilan na madaling makuha ang sagot sa libro dito.Pagpasok ko naglog-in kaagad ako at hinanap ang librong kailangan ko.Ang sabi ni froi ay nasa bandang dulo lamang iyon ng aklatan.

Patingin tingin ako sa mga estante ng aklatan ng may marinig akong ungol.

"Ahhh...umph..."nacurious ako baka naman may multo.Pero uunahin ko pa ba ang takot kung ang nakasalalay ay ang grades ko.

Muli narinig ko muli ang pag-ungol ng lumipat ako sa ibang bahagi nito.Nang maalis ko ang ibang bahgi ng aklat mula sa kinalalagyan niyon ay tila sumambulat sa akin ang eksenang iyon.

Yung librarian at si KLEIR!

Naghahalikan ang mga ito.At hindi pa sila titigil kung hindi ako nakita ng librarian.

Namutla siya ng ako ay makita.Umalis ito at iniwan si kleir.Papalingon na si kleir sa aking gawi ngunit kaagad akong umalis sa aking puwesto.

Kakaba-kaba akong nagtago sa mga bookshelf para hindi makita.Pasilip silip ako sa gawi niya subalit wala na pala iyon doon.Nakahinga ako ng maluwag.

"Sa palagay mo natutuwa pa ako sa mga pagsunod sunod mo sa akin..."

Mali yata ang sapantaha kong umalis na ito.Kaya't heto siya nasa aking tabi habang binabalot naman ako ng matinding kaba.Sa tangkad niyang halos ikatingala ko na ay nagawa ko pang mapanganga ng bonga.

"Sumagot KA!!"matalim nitong pagbulong..Habang ikinawit ang isang kamay sa estanteng nasa likuran kong bahagi.

Napalunok na lamang ako ng laway.Shit!ang bango ng hininga niya.Juicecolored!inuna pa ng malanding hormones ko ang lumandi.

Sa takot ko ay umusog ako pakaliwa kung saan ay may matatakbuhan ako kung sakali.

BLAG!

But i was wrong ng muli niya ikawit ang isa pa nitong kamay sa aking sinasandalan.Ngayon na-corner niya na ako palagay wala na akong palag.Lalo pa at nasa dulo kaming bahagi ng aklatan.

Sinubukan kong iangat ang tingin ko sa kanya.Another wrong move na naman dahil ang talim ng pagkakatitig niya.Siguro kung sibat iyon nalagutan na ako ng hininga.

Hindi ko alam na may ganitong side pala si crush.Nakakatakot pero nakakainlove din at same time.Pero nanindig ang balahibo ko sa sumunod niyang sinabi.






















































"Alam mo ang ayaw ko sa lahat,ay binibitin ako sa mga bagay na nakakapagpaligaya sa akin"

Yung mga mata niya ay pawang sa akin lamang nakatingin.Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin.Pero isa lamang ang nasa isip ko ngayon,ang makatakas.

-----
A/N:Habang nagbabakasyon tinamaan ako ng sakit kaya hindi ako makapagupdate agad.Ano kaya ang mangyayari kay khalil at kleir?

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now