:43

1.9K 125 5
                                    

K H A L I L

"Ano may nabuo na ba?"salubong ni mama sa akin ng makauwi kami galing sa team building.

"Anong nabuo ma?"takhang tanong ko.

"Wala pa bang baby?Aba masyado na akong matanda kung hindi pa kayo gagawa ng mga apo ko."Napatawa naman ang katabi kong hawak ang mga dalahin ipapasok sa bahay.

"Ma naman!h'wag nga kayong magbiro ng ganyan.Lalong lumalaki ang ulo nitong si kleir."Sabay pang natawa ang dalawa sa akin.

"Hayaan niyo ma,gagawa kami agad ni khalil sa lalong madaling panahon."Sabat ni kleir at lalong kinainit ng ulo ko.

"Bahala nga kayo dyan.."iritable kong sabi sabay pasok sa kwarto.

Naririnig ko pa ang tatawa tawa nilang pag uusap.

Nang makapagpalit ng damit ay humiga agad ako sa kama.Napagod kasi ako sa byahe.Hindi na kami sumabay sa bus company.Bagkus may sariling sasakyang gamit si kleir.Pinadala niya raw ito sa kaibigan niya.

Ang harot harot kasi sa buong byahe namin.Lalo pa at titigil siya sa pagmamaneho para lang halikan ako.Tss.

Ganito pala ang magmahal lalo pa kung pareho kayo nang nararamdaman para sa isa't isa.

Naramdaman ko ang pagyugyog ng kama.Kasunod nito ang paghapit ng mga braso niya sa aking katawan.

"Babe.."tawag niya na hindi ko nililingon.

Idinantay niya pa ang mukha niya sa leeg ko.Nakakainis.Nanunuot yung amoy niya sa ilong ko.Ang bango bango.

"Kawawa naman ang mahal ko.Napagod sa byahe."shems!why so landi kleir.

Hindi pa rin ako kumibo dahilan para manatili siya sa tabi ko.

Ilang minuto pa hindi ko na siya nararamdamang gumagalaw sa tabi ko.At marahil nakatulog na dahil sa mahihinang hilik niya.

Ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya.Nakakapawi ng pagod.

Dahan dahan akong humarap sa kaniya.

Ang amo ng mukha niya.

Kahit natutulog ay gwapo pa rin saan man anggulo tignan.Haay..

Pinasadahan ng palad ko ang mukha niya.

At habang ginagawa ko iyon.

Naglalaro sa isip ko ang mga salitang,

Bakit nga ba ako?

Ano ba ang meron sa akin na wala sa mga babaeng mas karapatdapat na ipares sa gaya mo?

Sana lang ay hindi panaginip ang lahat ng ito.

"H'wag mo akong iseduce babe.Dahil kahit nakapikit kaya kitang paligayahin.."

Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi ng mokong na ito.

Pinisil ko ang ilong niya dahilan para yakapin niya akong muli.

"Dito ako matutulog..Ang sakit ng katawan ko sa byahe."sambit niya.

"Sige.Pero sa kwarto ako nila junie matutulog."

"What!No.no.no babe naman."natawa ako.Para kasing batang naagawan ng kendi ang mukha niya.

"Joke lang."tugon ko na ini lock ang mga braso sa kaniyang katawan.

Walang bagay na dapat kong isipin para gawing alangan ang nararamdaman niya sa akin.Basta mahal niya ako at mahal ko rin siya.

----

Ilang araw ko ng napapansing tila wala sa sarili niya si kleir.

Minsan nga hindi niya ako magawang kausapin o pansinin man lang.

Parang may problema.

At ano man iyon ay nais kong makatulong.

Nagsimula iyon noong dumating ang ama niya.Naging maayos ang kalagayan nito matapos ang gamutang nangyari sa ibang bansa.

Balisa ang mga kilos niya.

Nandito ako ngayon sa tapat nang pinto ng opisina ng CEO.

Mabuti na lamang at pinayagan ako ng secretary niyang makausap siya.Isa pa ay kakilala ko naman ito.

Kumatok muna ako sandali saka ko narinig ko ang signal niya kaya agad akong pumasok.

Naabutan ko siyang nakatalikod at may kausap sa telepono.

"Sige,sa susunod na araw.Naayos ko naman na ang mga dokumento.Makakapunta agad ako diyan."saka baba ng tawag sa kausap.

Gulat naman siyang napatingin sa akin ng mapaharap siya.

"K-khalil?anong kailangan mo?"halos nangingiwi niyang usal.

"Uhmm.Yayain sana kita mamaya sa bahay para mag-dinner."Napansin ko sa mga mata niya ang pagdadalawang isip sa sinabi ko.

"Y-yeah..okey sa akin.Sure."mabilis siyang lumapit sa akin.He gave me a light peck of kiss.

"Mamaya sunduin kita sa floor niyo. okey?"Siya nitong sabi.

"Kleir,may problema ka ba?"walang paligoy ligoy kong tanong.

Matagal pa bago niya sagutin.

"W-wala.Paano mo naman nasabing may problema ako?"

"Pansin ko lang.Kung may problema ka,h'wag mo sanang kalimutan na nandito ako.May karapatan akong tulungan at samahan ka sa problemang iyan."Niyakap ko siya at rinig ko ang malalim niyang paghinga.

"Babe,alam mo sa tuwing nararamdaman ko ang presensya mo.Gumagaan ang lahat ng bagay para sa akin.Mahal na mahal kita khalil.Lagi mong tatandaan yan."

"Mahal na mahal din kita.Kleir."

----

Kasama ko si Froilan ngayon at ang kaibigan ko panay ang dada.Nakakabingi na.

"Kamusta naman magmahal ang isang kleir?Meserep ba?Meleki?Meteges?Mehebe?"Napakunot ang noo ko sa kaniyang mga kinukuda sa akin.

"Baliw ka!"ang sabi ko sabay ngisi.

"Ano nga?!Sabihin mo na kasi..Gaano kasarap magmahal ang isang Kleir?"eksaheradang tanong muli nito.

"Masarap.Masarap magmahal ang isang kleir"sagot ko na ikinapigtal ng ugat nito sa tili.

"Jusko!!Malaki ba?Masarap?Mahaba?Nagkasya ba?"napatingin ako sa paligid namin.Nakakaagaw na pala kami ng eksena.Napapatingin na ang ilan sa amin.

"Ewan ko sayo!"Sabay kaltok sa kaniya.

Maya maya ay naramdaman ko ang pagvibrate ng cp ko sa bulsa ng pantalon ko.

Rumehistro sa mga mata ko ang pangalan ni kleir sa screen at dali dali ko naman itong sinagot.

"Hello?"panimula ko.

"Babe,im sorry.May pupuntahan lang ako.Matagal pa siguro bago ako makabalik.I love you so much.."

Sasagot pa sana ako ng maputol na ang tawag.

A/N:TheGoodBoySide siguro naman...Hahaha

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now