Chapter 21

6.2K 306 38
                                    

(KHALIL )

Napatigagal ako sa aking nakikita.Nakangiti niyang sinalubong ang hindi mahulugang karayom na mga tao sa paligid.

Dug.dug.dug.dug...

Napahawak ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib.Hindi ko maintindihan ang siyang dahilan nito.

'Hello everyone!'

Siyang dagundong na hiyawan ang isinagot ng madla sa kanila.

Kasunod nito ang pagpapakilala ng emcee sa bawat isa ng banda.

Ramdam ko ang kasikatan ng mga ito sa papuri ng mga tao.

Habang ang aking mga mata ay siyang nakabaling lamang sa kaniya.

Maya maya nakaramdam ako ng pagtulak ng kung sino sa aking likuran.Hindi ako makalabas pa sa aking kinaroroonan dahil sa sikip ng paligid.Napapausog na lamang ako malapit sa kinaroroonan niya.At siya matinding kabang aking nararamdaman.

'How about our hottie vocalist here?Mr.Kleir...Anong inspirasyon mo sa pag awit at idagdag pa ang pagsusulat ng kanta sa inyong banda?'Kinilig naman ang ilang kabataan sa tanong ng emcee.

Tumingin muna ito sa dami ng nanonood sa kanila.Saka ngumiti.Yung ngiting hindi ko nakikita noon sa kaniya kahit sikat pa siya.

'Inspirasyon?Mayroon.Mayroon akong inspirasyon sa lahat ng ginagawa kong bagay ngayon at kahit noon pa man.Lahat ng ito ay dahil sa iisang tao.'

Mararamdaman mo ang sinseridad sa boses nito.

'Ayiiie!!ang swerte naman ng babaeng yun!'kinikilig na sabi ng ilang tagahanga.

'So,sino naman kaya ang swerteng tao na ito?Mukhang taken na pala ang hottie vocalist ng Karie..'tanong muli nito.

'Nope..im still single guys.Sadyang naghihintay lang sa pagbabalik niya.'

Dagundong na hiyawan muli ng tao.

'LDR na,Complicated pa ang status ng fafa natin.Mga ateng unahan na natin ang girlalung iyon kay kleir!'Napuno ng hiyawan ang paligid.

Single?Pero may hinihintay?Siguro iyong tinutukoy niya ay yung babaeng kasama niya noong panahong iyon.

Siya pa rin pala.

Bakit nga ba ako umasa na kung sa una palang.Ako lang ang siyang mistulang nagiilusiyon.

Tsk.Hindi ko na dapat ito inaalala dahil matagal ko ng tinapos ang kabaliwang imposibleng mangyari.

Isa pa mukhang masaya na siya sa buhay na mayroon siya ngayon.At ako?

Hindi ko na uulitin ang nakaraang pagkakamali ko.

Ang simpleng paghanga na humantong sa puntong nahulog ka na ng husto sa taong ito.

Bago ako umalis ay siyang huling pagtitig ang aking ginawa mula sa kinaroroonan niya.


'So,fafa klier ano naman ang masasabi mo sa taong naging inspirasyon mo sa lahat ng bagay na ito?'Sa huli mas pinili ko ng umalis ngunit hindi ko inasahan ang aking narinig mula sa kaniya.

'Kung isang araw magtagpo muli ang landas natin...Hinding hindi na kita pakakawalan pa.'masarap pakinggan pero sadyang nakalaan na sa iba.

Kinabukasan,maaga akong gumising para lang makarating sa opisina namin.Ngayon kasi iyong dating nang makakaagapay sa pamamalakad ng kumpanya habang wala si bossing.Sana lang hindi masungit at strikto.

'Oh junie!ano na naman yang pinagtatalunan niyo ni simon?!'paninita ko sa dalawa na nakaupo sa backseat ng kotse.

'Eto kasi si junie kuya!!'kaagad na sumbong nito sa akin.

'Oh,bakit?ano si junie?'

'Ayaw akong pahiramin ng album na meron siya.Samantalang hindi naman siya makakabili niyang CD kung hindi niya kinukupitan yung alkansya ko.'maktol nitong si simon.Minsan kahit maliit na bagay lang talagang pagtatalunan nila ng labis.Ang sarap lang pag umpugin sa tuwing naaabutan ko sa bahay na ganoon sila.

'Anong kinunupitan?!ipon ko yun saka baka kaya nauubos yang pera mo kakabili mo yan ng kung anu ano sa comic valley!'mukhang dehado si simon sa away nila.Totoo naman kasi dahil napupuno na ang kwarto nito ng action figure ng kung anu ano.

'Kayo talaga..Hindi ba sabi ko wag kayong bili ng bili nang kung anu ano.Matuto kayong magtipid paano kung isang araw mangailangan kayo?Hindi laging may pera kaming maiaabot ni mama sa inyo.'sermon ko na ikinatahimik nila.

'Opo kuya.'sabay nilang sagot.

Nakarating naman ako ng maagap sa opisina ng maihatid ko yung dalawang makulit.Pansin kong abala ang lahat ng makapasok ako sa mismong palapag namin.Kaagad akong umupo sa cubicle ko saka bukas ng computer sa table.

Narinig ko ang bulungan ng iba sa magkakatabing lamesa nito.Tinignan ko yung katapat kong si marg at sinitsitan ito.

Sakto namang tingin nito sa akin saka tumayo at lumapit sa akin.

'Anong meron?nakilala niyo na siya?'pagtutukoy ko sa tao.Tumango naman ito pero parang may kakaiba sa ikinikilos niya.Hinintay ko ang idadagdag nito dahil dakilang mahadera ang bunganga nito alam kong may masasabi siya ng kung ano dito.

'STARSTRUCK AKO SHET!'napaawang ako sa sinabi niya.

'Huh?ano kamo?starstruck.Bakit gwapong lolo ba ang nakaharap mo at ganyan ka mabaliw?Ay baliw ka nga pala talaga..'kasunod nito ang paghampas sa akin.

'Shunga!batang bata pa yun at hindi ka maniniwala sa sabihin ko.Singer pala yung anak ni Sir Tamayo at bukod pa doon pinamamahalaan na rin pala niya ang ibang negosyo ng ama niya.'napa-aah'na lamang ako.

'For sure makikilala mo rin siya sa lunch natin mamaya.Sasabay daw siya at libre daw niya.Ay naku,makakatipid ako ng bongga at susulitin ko rin ang take out!'baliw nga..

A/N:Hectic na ang sched ng nagsulat ng kwento.

-CinnamonGrapes.

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now