Chapter 32

5.2K 267 25
                                    

( K   H   A   L   I   L  )

Matapos ang araw na iyon tila naging komplikado ang lahat sa akin.

Paano na ang plano kong layuan siya.Gayong palagi siyang bumibisita sa amin.

Hindi ko naman alam kung paano siya pagkakaiwasan.Dahil unang una ay boss ko siya.

At ngayon naman ay masyadong malapit na sila nang pamilya ko sa isat isa.Ano na lang ang pag iwas na gagawin ko sa kaniya?

'Hoy khalil?bakit parang muryot na muryot ka diyan?Ano bang iniisip mo ha?!aba eh,malolosyang ang fez mo niyan!'paninita ni marg.Napapabuntong hininga ako sa pag iisip.

'Wala iniisip ko lang kung anong gamot ang ituturok sayo.Mukhang may sapak ka na naman eh!'biro ko na tinapunan lang ako ng pagikot ng mata niya sa akin.

Tinawanan ko na lamang siya at siya namang kinainis nito sa akin.Maghapong nag aasaran kami sa opisina.Kahit papaano ay nalihis ang nagpapagulo ng isip ko.

Pati tuloy mga kasamahan namin natatawa sa ginagawa namin.

Nasa parking lot na ako.Medyo hindi na ako natatakot maglakad ng mag isa.I mean hindi na madilim dito kaya marami na ang nakakasabay ko sa paglalakad dito.May mga ilaw na kasi.

Nang makalapit sa kotse ko ay nakita kong may kung anong kumpol ng bulaklak sa ibabaw ng kotse ko sa harap nito.

Nailang pa nga akong kunin ito ng may makitang nakatingin sa akin.Hindi ko naman pwedeng itapon lang ito ng basta basta.

Ayoko mang mag assume,subalit baka pakana na naman ito ng mahilig mag iwan ng bulaklak sa lamesa ko.At hindi nga ako nagkamali.Dahil sa nakita kong note dito.

May nakita pa akong dalawang choco nut sa gilid ng kumpol ng bulaklak.

You always make my day.Just keep smiling,

-K

Nang basahin ko ito,mas lalo akong napapaisip kung sino ang taong ito.Katulad ng handwriting nito ang mga nakikita kong sulat kasama ng mga bulaklak na ibinibigay niya sa akin.

Sino ba siya?anong kailangan niya sa akin?

Napalinga ako sa paligid.Baka sakaling makasalubong ko ang guard at mapagtanungan para sa bagay na ito.

Subalit natanaw ko na naman ang isang lalaking nagpapasakit ng ulo ko.

Medyo naiintimida ako sa kaniya ng mapansin ko ang kaniyang suot.Pormal na pormal siya sa kaniyang dating.Parang modelo pa nga.Kahit na napapaligiran na kami ng kadiliman ng gabi.

Iwas tingin ako ng makalapit siya sa akin.

'Pauwi ka na?'tanong nito sa akin.

'Oo,kaso hinahanap ko yung may ari nito.May nakaiwan siguro?Sa sasakyan ko pa pinatong.'paliwanag ko.

'Wala na ring gaanong tao dito.Baka naman sayo talaga yan.'umiling ako sa kaniyang sinabi.Luh.

'Finders,keepers na lang.Saka bagay naman sayo ang humawak niyan.'sinamaan ko ito nang tingin.

'Bagay?tindero lang ng bulaklak?'

'Nope.I mean,bagay sayo.Hindi sa magmumukha kang tindero.Pero bagay lang naman na makatanggap ka nang bulaklak.'Nag iinit ang aking pisngi sa kaniyang sinabi.

'Hindi ako babae para tumanggap ng bulaklak.'

'Hindi lang naman ang babae pwedeng makatanggap nito.'natameme naman ako.Bakit ba kasi kami nagtatalo sa bulaklak na ito.Anak nang tipaklong naman kung kanino man galing ito!

'I guess worth it din naman kung ikaw lang din ang pagbibigyan.'sabay kindat nito.Napakagat labi ako sa ginawa niya.Ilang sentimetro na lang baka kumbolsyunin na ako sa simpleng gawi niyang ito.

'Sige na.Umuwi ka na at kakagaling mo lang sa sakit.Magtxt ka ha,pagnakauwi ka na.'Siyang saad nito.Tila hindi na makaumang ang utak ko sa ginagawa niya.

Hindi kaya naalala niya na ako?

O baka naman...

Hindi.Hindi na ako papadala pa kung ganoon lang din.Ayoko ng magpadala sa pagpapakita niya sa akin ng mga pambibilog loob niya.

Ako na naman kasi yung aasa.

Mag mumukhang tanga.

Nang matapos ako sa pagdadalamhati ko kuno sa kaniya noon.Pinangako ko sa aking sarili na iingatan ko na ang puso ko.Na kung iibig man ako sa hinaharap,hindi ko hahayaang ibigay lahat ng kung anong mayroon ako.At tinatak ko sa aking sarili na pakaiwasan ang umasa sa bagay na alam mong imposible.

Kaya gustuhin man ng isip ko ang magpatihulog sa kaniya,lagi ko namang naalala ang mga katagang kaniyang binitawan noon.Tila isang sirang plaka itong umiere sa aking alaala.


Sa takot na mangyari noon at maulit na naman ngayon.

Kahit na gumawa ako ng mahabang distansya at matibay na pader.

Mawala lang ang nabubuong damdamin sa loob ko.

Itutuloy...

A/N:Hectic man,gagawa ako ng paraan para maayos ko ng sunod sunod ang chap.Salamat sa mga nagbabasa.Nakakatuwang basahin ang mga komento niyo,nagpapalakas minsan sa akin para gawin pa ang ibang drafts ko.😚

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now