Chapter 28

5.9K 288 29
                                    

(KHALIL)

'HOY!naiirita na ako sa mga bulaklak na yan ha!tang ina sasabihin ko sa nagbigay sayo niyan anong klaseng trip ang dumaan sa utak niya at ikaw pa ang binibigyan niya'natatawa ako sa kapraningan ni marg habang tinitignan ang bulaklak na nasa lamesa ko.Parang malalanta ito sa gawi ng pagtitig niya.

At Oo,may nagbibigay nang mga bulaklak sa akin.Panay white rose na may kasamang letter ito.Well quotes or mga pahaging na pangangamusta.Hindi ko naman alam kung kanino galing ito.Naghahalong pagtataka,pagkairita at maging kaba ang nararamdaman ko.

Sa tinagal tagal ko rito ngayon lang ako nakaranas ng ganitong bagay.Mas malala e,pinagkakantyawan na nila ako dahil daig ko pa ang babaeng nililigawan.

At ayun ang ayaw ko,ang maging katatawanan sa iba.Hindi ko maiwasan maalala ang mga sandaling iyon.

Hindi naman kasi bago sa mga kasamahan ko ang sekswalidad ko.Ilan nga sa mga ito ang ladlad na ladlad.Para sa akin tama na ang ganitong tanggap ko ang aking sa sarili.Sa kung ano o sino man ako.

Have a great day for you.

Siyang basa ko sa kalakip nitong bulaklak.

Inilagay ko ito sa lata ng pen holder ko.

Sayang naman kasi kung itatapon ko.Ilalagay ko na lang sa altar namin pagkauwi ko.

Abala kami maghapon sa opisina.Habang itong si marg dinadaluhan pa rin ng kalokohan kaya kahit papaano ay magaan ang araw namin.

Iniligpit ko ang mga gamit ko kasama ang bulaklak na nasa aking lamesa.

'At talagang iuuwi mo yan ha?!'sartisikong tanong nito.Nagkibit balikat na lamang ako saka ngumisi.

Tumaas naman ang kilay nito sa akin.

Bumababa kami sa hagdanan ng exit ng makasabay namin si kleir.Seriously,maghahagdan siya?Marami kasing gumagamit nito gayong uwian na.

At dahil sa kasama ko si marg umarya na naman ang kalokohan nito.

'Hi siirr!!'wika nito na tila nangingisay pa sa huli.

Sumilay sa amin ang makalaglag panty na ngiti nito.

Binuntutan naman ito ni marg mabuti na lang at kakaunti lang kaming tao sa hagdan.

Nagkakatawan ang dalawa dahil na rin sa mga kabaliwan na kwento ng kaibigan ko.

Napatingin siya sa akin.Saka dumako ang mata nito sa hawak kong bulaklak.

'Beautiful,it'suits you.'

Ano daw?!

Napaarko muli ang kilay ni marg(to the second power!)Mukhang narinig niya rin ata.

'Naku sir!ewan ko ba kung sino ang taong nagtitrip dyan kay khalil!Mukhang madatung dahil inaaraw araw niya pa ang pagbibigay!'masungit na saad nito na para bang ilang bunga ng ampalaya ang kinain sa kabitteran.

Inismiran ko lamang ito.

'Talaga?hmm..Wala naman sigurong masama kung bibigyan siya ng bulaklak.Baka naman espesyal lang si khalil sa kaniya.'Malambing nitong sagot sa aking kaibigan.

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon