Chapter 39

2.8K 151 20
                                    

K H A L I L

"Huy.."

Nawala ako sa aking iniisip ng tawagin ako nito.

"Pansin ko kanina ka pa tahimik.May problema ba?"Kaagad akong umiling sa kaniyang tanong.

"Huwag ako,kilala kita sa ganiyan mong gawi.Spill it,love."Napatingin ako sa kaniya at alam ko kapag seryoso si kleir.Makulit ito.At hindi ako tatantanan nito kapag alam niyang may mali sa kinikilos ko.

"Wala..Pagod lang siguro ako."

"Sure?"

"Yep,masyado ka lang nega.."

"Nega ka dyan,hindi ako magiging ganito lalo na kapag ganyan ka.At ayokong nagkakaganyan ka."saad niya.

Natameme ako.Hindi ako makahanap ng isasagot dito marahil dahil sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko.

"Tsk,Pagod lang to.Nga pala pumunta ako sa mall noong nakaraang araw and guess who kung sino nakita ko."pag iiba ko.Ayoko naman masira ang mood nito tuluyan dahil kung tutuusin mas haggard ang araw nito sa akin.

"Who?"

"Si froi"

"Oh,musta na siya?Sila pa rin ba?"siyang tanong naman nito.Sila?

"Sila?Ano yung ibig sabihin ng sila?Si Froi kako nakita ko."napangiti ito ng tila wala sa sarili.

"I mean si crause saka yung kaibigan mo.Namiss ko yung dalawang..Teka hindi mo ba alam?"kunot noo siyang napatingin bago ibalik ang tingin sa daan.Buti na lang ay trapik.

"H-hindi.."ewan halo halong damdamin ang naramdaman ko sa puntong iyon.Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil na rin sa kaganapan kanina.

"Yes babe,naging sila simula noong..noong umalis ka."pagsisimula nito dama ko ang ilang sa pagkukwento nito marahil alam niya yung pakiramdam ko.

"I was shocked at first.Pero alam mo yun,naging sandalan ko silang dalawa noong mga panahong iyon.Nakita ko sa kanilang dalawa ang katagang love no genders.Hindi ko nakita ang salitang alangan sa kanilang damdamin.Simula noon binago nito ang kaisipan ko.Na kapag mahal mo,mahalin mo ng buo.Sa naramdaman ko sayo hindi trip o dala ng kuryosidad ko ang lahat.Kasi iba na pala kapag naririnig mo yung sarili mo na..Itong taong ito yung gusto kong alagaan,mahalin at makasama ng buong buhay ko."nakatingin lamang ang mga mata nito sa akin habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Hindi ako mahihiyang ipakilala ka sa milyong tao bilang kabiyak ko.Kaya huwag kang mag alangan sa nararamdaman mo sa akin.Lahat ng bagay kaya nating lagpasan.Basta magkasama tayo."isang halik ang dahan dahang nakapagpagaan ng damdamin ko.

Siguro nga,masyado lang akong nagiging negatibo dala na rin siguro sa iisipin sa amin ng ibang tao.

Pero bakit ko nga ba uunawain ang bagay na ito kesa sa nararamdaman ng isang taong labis ang pagpapahalaga sa akin.

----

Nagkaroon kami ng meeting patungkol sa gaganaping team building.Isinabay na rin kasi ito sa pagdiriwang ng anibersaryo ng kumpanya.

Sa isang pribadong isla ito gaganapin.Sagot na daw ito ng kumpanya pati ang mga sasakyang gagamitin papunta doon.Hindi namin lubos asahan na makakasakay kami ng yate.

Ganoon na lamang ang pagkabigla ng mga kasamahan ko.

Lunch?'

Ilang minuto bago ito sumagot.Kaso abala siya dahil sa may mga kakausapin siyang tao para sa pag eexpand ng kumpanya nila mula sa ibang bansa.

Naalala ko tuloy dati,ang tamad na mag aral na si kleir.Ganito pala ang hinaharap.Hehehe.

Sumapit ang ala 5 ng hapon.Sinilip ko siya sa opisina subalit maging ang sekretarya niya ay wala sa desk nito.Nakakapagtaka.Kadalasan,kapag may pupuntahan itong meeting o lugar.Magtetext sa akin o chat.Yayain pa ako nitong isama.

Siguro sa sobrang abala nito ay nakalimutan niya lang sabihan ako.

"Kuya!"salubong sa akin ng mga kapatid ko.Inabot ko agad ang pasalubong kong donut sa kanila.Ngingisi ngisi yung dalawang nakatingin sa akin.

Sinabi ko kay mama na mamaya na lamang ako kakain.Dahil gusto ko magpahinga.Ewan pero parang ang bigat ng pakiramdam ko.

Pagkapasok ko sa aking silid nagpalitagad  ako ng t shirt.Medyo loose at malaki sa akin.Mas kumportable kasi ako sa ganito kesa fit sa akin ang damit.

Pinatay ko ang ilaw bago ako mahiga sa kama ko."Aaahhh!!!"

Napasigaw ako ng biglang may pumulupot sa aking bewang.Ganoon na lang ang higpit nito at mabilis akong kinababawan.

____
A/N:;)

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon