Chapter 27

5.5K 290 18
                                    

'So,pare anong gagawin mo ngayong nakita mo na siya?'

'Pare alam mo naman na ang sagot diyan.'ang tangi kong nasabi.

'E,kamusta naman yung pagkikita niyo?may spark ba pare?'napangisi pa ito sa huli.

'Spark?..okey i get it.Oo pare!talagang  may spark.Kahit ibang iba na siya pare.'

Nung una kong makita siya talagang hindi pumasok sa isip ko na siya ang taong matagal ko nang hinahanap.

Sa tagal nang panahon na paghahanap ko sa kaniya,God gave me a way para makita lang sa hindi inaasahang pagkakataon ito.

Minsan nga naisipan ko na lang wag ipagpatuloy ang paghahanap sa kaniya.Nag ukopa pa ako ng private investigator para mahanap lang siya noong nasa amerika na ako pinag aral ni papa.

Hirap daw silang mahanap ito dahil sa palipat lipat daw ang pamilya nito.Pero isipin ko lang ang mga bagay na ginawa niya sa akin na hindi nagawa ng kung sino man.Naiisip kong wala akong utang na loob,na para bang wala akong pakialam sa mga aral na ibinigay niya sa akin.

Lumaki akong sunod sa luho lamang.Walang pumapat nubay.At galing na rin sa broken family.Noong mga panahong nasa high school pa lamang ako ay nakapag asawa muli si mama.At iyon nga,nawalan ng time sa akin ito dahil sa pag aasikaso ng mga negosyo nila ng asawa niya at maging ang mga anak nito sa lalaki.

At ako?ibinibigay niya sa aking ang mga luho subalit hindi ang atensyong hinahanap hanap ko.

Nang makatapos ako ng high school hindi ko muna tinanggap ang alok ni papa na sa ibang bansa magkolehiyo.Bagkus nag aral muna ako rito habang patuloy sa aking pag hahanap sa kaniya.

Hirap akong makakuha ng impormasyon mula sa kanilang nilipatang bahay.Nagawa ko na rin puntahan ang mga lungsod,karatig probinsya maging ang malalayong pulo sa bansa.

Nang sumunod na taon hindi na ako nakatanggi pa kay papa na pumunta sa ibang bansa.

Gayumpaman,hindi ako nawalan ng pag asa na mahahanap siya.Kagaya ng ginawa niyang pagbabago sa kagaya ko.

'Alam mo matalino ka naman e,sadyang tamad ka lang!'

'Hindi buong taon sa bola na lang iikot ang mundo mo.Kailangan mo rin pagbutihin ang pag aaral mo kagaya ng ginagawa mo sa basketball.'

'Alam ko namang magagawa mong ipasa itong pagsusulit.Tiwala lang kleir!'

Sa mga salitang binibitawan niya noon sa akin.Ibayong pagpupursige ang aking nararamdaman sa tuwing nahihirapan akong pagsabayin ang varsity at pag aaral.Pero dahil sa kaniya tila naging madali ang lahat.Magaan.At higit sa lahat magagawa mo kung may tiwala ka lang sa sarili.

Marami man akong katanungan noon at kahit hanggang ngayon alam kong unti unting masasagot ito.Dahil na riyan na ang taong hinahanap ko.Ang taong nakapagpatibok ng aking puso.

Maaga akong pumasok umaasang makakasalubong siya sa pagpasok.Pansin ko kasing maaga siyang pumapasok sa opisina araw araw.Himala nga daw sabi ng mga kasamahan niya dahil lagi daw itong late noon kung pumasok.Ayon sa biruan ng mga kasamahan niya.

Dumaan ako sa area nila para tignan kung naroon siya.At mukhang tamang tama lang dahil wala pa siya.At maging ang mga kasamahan niya.Kaagad akong tumungo sa kaniyang lamesa.

Inilapag ko doon ang bagay na kanina ko lang binili.Napangiti ako lalo na at naiisip ko ang kaniyang itsura kapag ito ay nakita.Mabilis mamula ang kaniyang pisngi.

Hindi ko tuloy makalimutan ang ilang beses ko na itong nakita noon.At kahit hanggang ngayon ganoon pa rin siya.

Hindi ko lang alam kung bakit hindi niya ako naaalala.O baka naman kinalimutan niya na ako?

Kung gayunman,ipapaalala ko kung sino ako sa kaniya.At ipaparamdam ko rin ang sayang dulot sa akin ng presensya niya.

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon