K L E I R

4.8K 218 12
                                    

Pagkatapos ng practice game namin sa gym tumungo kami ng mga kateam ko patungo sa canteen.Habang naglalakad nandyan yung asaran namin.Panay ungkat nila kung sino yung kasama ko ng nakaraang program.

Ang mga ulol hindi magkamayaw ng sinabi kong kinakapatid at kababata ko ang iyon.Gustong ligawan ng mga loko.

Si Trina.

Maliit pa lang kami,lagi na kaming magkalaro nito.Magkasundo naman kasi kami sa iilang bagay.Kapatid na nga ang turingan namin sa isat isa.May mga kapatid rin naman ako pero sadyang malalaki na ang agwat ng mga edad namin.Kung ako nasa eskwela,sila nasa opisina na.Busy rin ang mga magulang ko sa kani kanilang posisyon sa gobyerno.

Habang ako?uhaw sa atensyon.Lumaki sa pag aalaga ng mga katulong.

Kaya mas ginusto kong magcondo na lang.Kung sa bahay ako pipirmi panigurado mas mararamdaman ko ang lungkot na walang pamilya ang siyang umaalalay sa akin.Sa condo nagagawa ko ang mga bagay na walang bakas nila,ramdam ko ang pagiging independent sa buhay ko.Hindi ko nararamdaman ang pagkukulang nila bilang isang pamilya.

Nagkahiwalay lang kami ni trina ng magtapos kami pareho sa elementarya.Kinailangan kasi nilang mag-migrate sa US dahil doon na nanatili ang ibang kamag anakan nila.

Bumalik lamang siya ngayon para magbakasyon.Natuwa naman ako dahil doon.Balak ko rin kasing ipakilala sa kaniya si khalil.Teka nga,naisip ko lang ilang araw nitong hindi pagpaparamdam sa akin.Nakakamiss din pala iyong taong iyon kahit papaano.

Ang daling mapikon

Bugnutin

Minsan tahimik

Tapos strikto pagdating sa pagtutor sa akin

Pero

Ang cute niya sa tuwing nakikita ko siyang nagsusuot ng cartoon character na shirt

Tapos kung matulog,tulog mantika

Tapos one time,nanood kami ng horror movie sa laptop ko halos hindi na siya gumalaw sa kinauupuan niya.Hahaha..

Siya lang ang taong hindi kumakain ng bell pepper.

Ewan ko kung bakit ayaw niyang nahahaluan ang pagkain niya ng gulay na iyon..

And lastly the most thing i like the most..

Determinado siyang gawin ang bagay na imposible kahit mahirap.

Naniniwala na ako ng dahil sa mga bagay na nagawa niya para sa akin.

Ipinakita niya na kapag nagpupursige ka sa isang bagay.Makukuha mo ito ng walang alinlangan sa huli.

Sa maikling panahon na kami ay nagkakilala.Masasabi kong swerte akong nakilala ko ang isang tulad niya.

'Uy,pre balita ko pumasa ka sa exam ha?!Anong himala ang ginawa mo.Saka sabi pa ng pinagkukuhanan natin ng kodiko ay hindi ka na raw kumuha sa kaniya.Nanghinayang nga siya sa ibabayad mo.'Napangisi na lamang ako sa mga pang uusisa nito.

'Oo nga pre,baka naman may bago ka ng pinagkukuhanan at ayaw mo lang pahalata sa amin.'dagdag pa ng iba.

'Mga ulol!pinaghirapan ko iyon sagutan.Walang halong daya yun!'buong pagmamalaki ko.

"WEEHH!!"sabay sabay nitong sabi.Hahaha..nakakatawa ang mga mukha nilang hindi makapaniwala sa aking sinabi.

'At paano mo naman nagawa-..wait wag mong sabihing nag aral ka para don?!'

'Kung ayaw niyong maniwala edi wag,basta ako?Masaya ako kasi nagawa ng sarili kong utak iyon.Kaya kayo,magbagong buhay na kayo!'Singhal ko na ikananganga nito.

Sakto naman na palabas na kami ng gym at papunta sa cafeteria ng eskwelahan.

(Convo about past)

Mahigit apat na araw na simula ng hindi ko na makita si khalil.Bakit kaya?Kung kelan end of school year saka ko pa siya hindi makita kita.Balak ko pa naman siyang mag summer out of town.For sure masaya ito sa ibabalita ko.

Naisip ko kasing maging summer buddy ito kesa sa mga loko loko kong barkada.Maiba lang.Puros kasi kalokohan ang pinag gagawa namin nung nakaraang bakasyon.Kaya ito, gusto ko lang masubukan na siya ang makasama ko.Balak ko na sa Coron,Palawan ang punta namin.

Sagot ko na ang lahat.Basta kasama lang siya.

Pumunta ako sa room nila para sana sunduin siya.Tiyak makikita ko na naman ang malakamatis na pisngi nito.Natatawa talaga ako sa tuwing naalala ko iyong bigla kong pagsulpot sa harap niya paglabas niya ng klase.

Ilang text at tawag ko na rin pero wala siyang reply o sagot man lang.Nakakapagtaka na nga.

Nagmadali pa akong tumungo doon.Naghintay pa ako ng ilang oras matapos lang ang klase nila.Pansin kong kakaunti na lang sila.Medyo naghaharutan na lang sila sa loob ng klase nang marinig ko.

Nakasarado kasi ang pinto nila.Wala na rin kasing gaanong gagawin at panay pasahan na lang ng mga requirements sa bawat subject.Ako naman ay papetiks petiks na lang dahil natapos na namin ni khalil iyon.

Lumabas na sila pero walang khalil akong nakita.Napapalingon pa ang mga kaklase niya sa akin.Pero wala akong paki.

Huli na nang silipin ko ang room at nakita ko na dalawa na lang ang naroon at palabas na rin ang mga ito.Saktong isa sa kanila ang nakikita kong kasama ni khalil.

Lumapit ako sa kanila ng makalabas ang mga ito.

'Hey!'sabay silang napalingon.

'Ay!fwend si fafa kleir!!Anong maiooffer nang dyosang katulad ko?'Sabi nito habang kumikendeng pa sa huli.Ang sagwa!

'Tanong ko lang sana kung nasaan si khalil?'nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ko.

'Ah,si beks..i mean si khalil.Hindi mo pa ba knows fafa kleir?'sagot nung baklang maitim habang nakakalampay sa braso ng matangkad niyang kasama na halatang bakla rin.

'Ang alin?'

'Wala na siya rito.Fafa kleir'

'PAANONG WALA!!Kasama ko lang siya nung nakaraan!'medyo hindi kasi tanggap ng utak ko ang pagbibiro niya gayong nalipasan na ako ng lunch break.

'Oo.Fafa kleir as in he go away.Far,far away.Kinuha niya ang mga record niya sa office.Nakakasad nga e.Saka kalma ka lang fafa,anyways bakit mo pala siya natanong?Close ba kayo?Naku,naku..mahilig talagang magsecret ang beshie kong iyon..Hoy!!fafa kleir!!'

Kaagad na akong tumakbo paalis.

Bakit?!

Bakit siya aalis?Hindi totoo iyon..

Kaagad akong nagtungo papunta sa bahay nila.Kahit na naghahalo na ang gutom at pagod.

Umaasang makita siya r'on.

A/N:May isang page pa ang kadramahan ng Fafa natin...Kaya sa mga kinikilig dyan,higpitan ang kapit ng garter ng mga panty or brief niyo..

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now