:50

1.8K 126 15
                                    

K   H   A   L    I    L

Like a star in the wide sky of night.I always watching to fall one of them.Waiting to catch and embrace..






Ingay.Ingay ang siyang gumising sa akin.Inilibot ko ang aking pupungas pungas na mga mata sa bahagyang kadiliman ng paligid.

Nakita ko ang aking cellphone.Nagriring ito subalit hindi tawag.Kung hindi isang alarm na isinet ng kung sino.

Maayos ang silid.May kalakihan at masasabing pang VIP ang ayos nito.

Nagtaka naman ako ng tignan ko ang suot suot ko.Sando lang at boxer short.

Hindi kaya...

Hindi naman siguro.Wala namang masakit sa katawan ko.Lalo na ang ano ko..

Pero nasaan na ang mga damit ko?Saka bakit nga ba ako nandito?Nasaan na rin pala ang kasama kong si crause?

Saan niya ako dinala?

Nasipat ng aking mata ang nakatuping mga damit sa kalapit na lamesita.

Isang white polo at cocky pants ang mga ito.Agad agad ko itong isinuot.Bago pa ako makalabas ng pinto.Nakita ko naman ang isang kahon ng sapatos sa tabi ng pinto.May nakapatong pa na maliit na papel sa ibabaw nito.

Suit yourself..

Walang pag aatubili ko itong isinuot at lumabas matapos.Aligagang aligaga ako sa sarili ko.

Wala akong alam sa kaganapan bago ako nakatulog.

Sumalubong ang may kadiliman ngunit napapalibutan ng kandila ang paligid.At ngayon napagtanto ko kung nasaan ako.Nasa isa akong unit.Base sa ayos ng lugar.

May kalakihan ito.

At hindi lang iyon may mga lobo pa sa buong paligid.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa lamesa.

Nakita ko ang isang brown envelop na nakapatong rito.

Sinipat ko ang paligid ngunit wala talaga akong makitang tao.

Binuksan ko ito.

Bumungad sa akin ang larawang laman nito.

Isang larawan ng bata.

Sa tingin ko ay nasa dalawa o tatlong taong gulang na ito.At batang lalaki ito.

Sumunod kong nakita ang sa tingin ko ay mga dokumento.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

Nakapangalan sa papel ang pangalan ni kleir.Nakasaad doon na siya ang ama ng bata.

Nanlumo ako sa aking nalaman.Pero ano pa nga ba ang aking magagawa.May anak siya.

Kung ganoon,bakit kailangan niya pa ako paasahin.Akala ko ba mahal niya ako?Akala ko ba mahalaga ang kung anong meron kami para sa kaniya?

Hindi ko maiwasan ang mapaluha.Ano pa ba ang aasahan ko.Kung narito na ang patunay na wala naman akong dahilan pa para siya ay ipaglaban.

Sunod sunod ang alpas ng luha sa aking mga mata.

"Khalil.."

Napatigagal ako sa aking narinig.

Si kleir!

"Im sorry.."

Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.Mas masakit pa pala na marinig sa taong sobrang mahal mo ang bagay na siyang magiging pamamaalam niyo sa isa't isa.

Gusto ko sana siyang sagutin subalit hindi ako makapagsalita.Sumalubong ang higpit ng yakap niya sa akin mula sa aking likuran.

"I-im sorry.Im really sorry-"

"Okey lang.Okey lang ako kleir.Hindi ako maghahabol para hindi ka mahirapan sa akin.Kalimutan na natin ang isa't isa."hirap na hirap akong sabihin sa kaniya ang lahat.

Akala ko wala na akong mailuluha buhat sa mga nagdaang araw.

Nabigla ako ng marahas niya akong iniharap sa kaniya.

"What are you sayin'!"naghahalo ang pagkabigla at galit sa kaniyang mukha.

"Anong sabi mo khalil?Iiwan mo ako?nakikipaghiwalay ka?!"halos mabingi ako sa kaniyang mga sinasabi.

Halos mapa aray ako ng humigpit ang kapit ng mga kamay niya sa mga braso ko.

Hindi ko maiwasan ang matakot sa kaniya.

"Hindi ba at iiwan mo rin ako!Bakit ko pa papatagalin ang lahat kung sa huli ay iiwan mo rin naman ako!!"pagbawi ko.

"What?!Wala akong sinabing iiwan kita khalil.Bakit ko naman gagawin yon?!"nakangunot tanong nito sa akin.

"May anak ka.At kung may anak ka,may asawa ka.Kaya hwag mo akong lokohin pa kleir!"giit ko.

Sa huli ay gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi at mabilis niya akong kinulong sa bisig niya.

"Yun lang ba..Yun lang ba ang dahilan ng pakikipaghiwalay mo?"rinig kong sabi niya.Tila mahinahon pa ang ang kaniyang tinig.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya.

"Oo.May anak ka na pala at gusto mo pa akong gawing kabet?Kleir naman!Huwag mo naman akong gawing tanga."pagmamaktol ko na siyang ikinahalakhak niya.Hinampas ko siya bilang pagbawi.

"Seriously?Gagawin kitang mistress?No way,kung asawa pwedeng pwede.Let me explain babe.Hindi ako ang ama ng bata.I adopted him as our son."

Hindi siya ang ama.

I adopted him as our son.

Inampon niya ang bata?Para sa amin?

"Anak siya ng matalik kong kaibigan.Siya yung childhood friend ko.May sakit na siya habang dinadala ang bata sa sinasapunan niya.She is a rape victim.Kaya ako pumunta sa amerika noon ay para kamustahin siya.Nakaranas din siya ng depression that time.Gusto niyang ipalaglag ang bata subalit nagawa ko siyang payuhan.At bago pa kami magkahiwalay humingi siya ng pabor."

Pag sisiwalat niya na hindi ko mapigilang maawa sa ina ng bata.

"Nais niyang ibigay sa akin ang bata.Ulila rin siya at hindi niya maipagkakatiwala ang bata sa kinagisnang pamilya.Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ang kaniyang hiling.Isa pa,tiwala siya na maibibigay ko sa bata ang nais niyang buhay para rito."

"Pero ano na lang ang iisipin ng bata sa kung anong meron tayo kleir?"

Napabuntong hininga siya.

"Wala sa kung anong klaseng relasyon tayo khalil.Ang mahalaga ay mamahalin natin siya at ipaparamdam na pantay-pantay lang ang lahat ng klaseng pagmamahal meron ang mga kagaya natin.Mahal na mahal kita khalil.Kaya sana wag mo namang sukuan ang meron tayo."

Isang masuyong halik ang siyang iginawad sa akin nito.

Ano pa nga ba ang hahanapin sa kagaya niya?Alin pa ba ang masasabi mong kulang sa pagmamahal niya?

Ako.Ako na yata ang pinakaswerteng tao na minahal ng isang gaya niya.

"Sorry kleir.Sorry kasi ang hina hina ko para ipaglaban ka.Patawarin mo ako dahil ang dali kong bumitaw para sa ating dalawa.Patawarin mo ako dahil hindi ko maipakita sayo na lumalaban ako sa relasyon na imposible para sa iba.Pero ikaw?nagawa mong ipakita sa akin na dapat pakamahalin ang gaya ko.Gaya namin.Mahal na mahal kita kleir.Kaya sobra ang hirap para sa akin na iwan ka.Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na ipakita sayo kung gaano kita kamahal.Ang tanga tanga ko para pakawalan ka."

"Will you give me another chance to prove that im so lucky having a man like you babe."Nakatingin lang siya sa akin.Kaya parang kinabahan ako.

"Paano kung ayaw ko?"

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now