Chapter 3

8.8K 357 2
                                    

(KHALIL)

Natapos ang pagpapanggap ng ilang kaklase ko sa aral-aralan ng nagdaang akademiko,dumudugo na ang ilong ko sa matatas na lengguwaheng pilipino!kahit hindi naman required.Kaniya kaniyang nagsiuwian na kami except sa beauty kong irarampa pa sa gymnasium ng aming paaralan.At eto na naman ako panonoorin ang laban ni kleir.

Papalakpak kung kailangan,hihiyaw sa bawat puntos na kaniyang nagagawa.Gustuhin ko man magdala ng pompoms eh masyado naman ako maka-rukawa fanclub with urge na maiaangat ang mga binti ko pataas.Pagkapasok ko pa lamang ay mga umaatikabong paghabol na sa bola ang aking nakita.Mga gigil na kalukos ng rubbershoes nila sa sahig ng gym,hiyawan at mga topless ulit nilang katawan.

#NaglalagablabnaPracticeGame!

Pumunta ako sa itaas na bahagi ng bench.Doon ko napiling tumambay at magsight seeing na rin.Sinipat ko pa ang paligid kung nasaan ang taong ipinunta ko rito.At hindi nagkakamali ang aking tantalizing eyes sa pagronda.Naroon siya sa tabi kasama ang ibang player.

Mukhang kakatapos lang maglaro.Panay ang punas sa katawan nito.Nakakaaliw lang pagmasdan.Hindi yung papunas punas thing!kung hindi iyong pagngiti at minsan pagtawa tawa nito sa mga kausap niya.Sanay naman na ako na hanggang pagtingin lang sa malayo ko siya makita.Never as in never ko pa siyang nakakausap sa apat na taon ko sa high school.Hindi ko kasi alam kung paano at PAANO ulit ko siya makakausap.

Inuunahan kasi ako ng matinding hiya.Ano na lang ang sasabihin ko sa kanya.Kagaya ba ng"hello fan na fan mo ako!crush kita!Idol po kita!"Juicecolored!

Kapag nariyan nga siya ay parang gusto kong tupiin ko ang sarili ko sa walo at magtago kung saan man.Ganito ako katorpe..asus paano nga naman ba ako lalapit sa kanya.Gayong numero uno rin akong tampulan ng tukso sa paaralang ito.

Baboy,nerd,weirdo at marami pa na pang iimbentong pangungutsiya na ibinabato sa akin.Minsan may pagkakataong nasasaktan din ako.Pero mas pinipilit kong indahin ito basta hindi nila ako sinaksaktan ng pisikal.

Si kleir,siya lamang ang nagbibigay ng kulay dito sa eskwelahan.Kaya kahit ang malas malas ko sa mga pagkakataon,ang makita ko lamang siya ay isa ng malaking kaligayahan.

Kaya't tama na hanggang paghanga na lamang ang magagawa ko sa kanya.Taga-suporta sa laban niya kahit hindi niya na mabigyan pansin pa ang tulad ko.

"ARAY!!!"

Himas himas ko pa ang sumasakit kong ulo.Narinig ko naman ang pagtalabog ng bola sa malapit ko.Tila gusto ko ng tumakbo ng masipat ko ang ilan sa aking kalapit na nanonood.Lahat nakatingin sa akin.Tapos ang ilan ay tumatawa na.

Nagiinit na ang aking mga pisngi sa kahiyaan.Tumayo ako at lumakad ako habang nakayuko ang ulo.Nahihiya ako sa mga tingin at tawa na aking nakikita sa kanila.

Nang papalabas na ako ng gym ay may kung sinong humawak sa aking braso.

"W-wait!"

Napalingon ako subalit nanatiling nakayuko.

"Hindi ko sinasadyang tamaan ka ng bola..im sorry."bakas sa tinig nito ang sinseridad.

"O-okey lang.S-sige mauna na ako."sagot ko at saka umalis.

Dali dali akong tumungo sa paborito kong lugar.May abandonado kasing hardin dito.Wala naman masyadong nagdaraan rito kaya doon ako madalas tumambay.

Umupo ako sa mga damuhan nito.Malinis naman ang lugar kahit papaano.Wala rin namang talahib.Siguro iniiwasan pamahayan ng kung anu anong insekto ang lugar.

Huminga ako ng malalim at ibinulong ko na lamang sa hangin ang aking nararamdaman.

"Oy taba!sabi na nga eh andito ka lang pala!"


Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon