:45

1.8K 134 21
                                    

K    H    A    L    I    L

Sobrang sakit ng ulo ko ng bumangon ako.Tila mabibiyak ito.

Napagtanto ko na wala ako sa sarili kong kama.At iba na ang suot suot kong damit.T-shirt na puti na may kalakihan sa akin.Nakaboxer na lang din ako.

Kahit ngarag ang aking pakiramdam ay pinilit kong umalis ng kung kaninong kama ito.

Well,malaki siya at ang silid ay walang kaabubot abubot.Manly design sa white and gray theme ng silid.

Marahan akong nagbukas ng pinto.Doon narinig ko ang ingay na nagmumula sa paghahalo ng kung ano sa kawali.

Infairness ang bango ng niluluto ng kung sino man iyon.Naalala ko na si froilan ang kasama ko kagabi.Baka ito yung bahay ng bruho na iyon.

Masyado naman manly?kabaligtaran ng ugali ng palakang iyon.

Nang matanaw ko ang mini kitchen doon ko nakita ang lalaking nakatayo.

Nakakapagtaka lang,biglang lumaki ang katawan ni froilan.

Yung likod niya,may muscle?

Kailan pa siya nagkaroon nito aber?!

Pero nakakamangha ang enhance ng mga ito.Muscle kung muscle.Saka hindi lang iyon dahil nakasando lamang ito habang naka apron pa.

Nabigla ako ng humarap ito.Hawak ang kawali at sandok.

Parehas kaming nagkatinginan.

"Good morning!gising ka na pala."nakangiti man sa akin ay siyang puno naman ng pagtataka ang mukha ko.

Hindi pala siya ang kaibigan ko.Kung gayon...

Sino siya?!Nasaan ako?!

"Sino ka?Bakit ako narito?Nasaan ang kaibigan ko?"

"Easy lang.Halika rito.May kape ako ritong hinanda para sayo."hindi niya pinansin ang pagtatanong ko bagkus patuloy lang siya sa pag hahanda ng pagkain.

Bigla akong nanlaway sa nakahain.Mainit init pa dahil sa umuusok pa ang mga ibabaw nito.

Nang iimbita ang mga nakalatag sa lamesa niya.

Sinangag,ham,itlog at longganisa.Meron pang papaya at juice bukod sa kape.

Natatakam man ay inulit ko ang pagtatanong sa kaniya.

"Umupo ka muna.Saka ako magpapakilala."siyang saad nito.

Bahala na!Gutom na rin ako!

Umupo ako sa katapat niyang upuan.

Nagsimula siyang salinan ng pagkain ang plato ko.Habang ginagawa niya iyon.Tinitignan ko lamang siya.

May naalala ako sa kaniya.Ngunit hindi ko alam kung sino.

Ang sabi niya kilala niya ako.So kilala ko rin siya kung ganoon.O baka siya lang ang may kilala sa akin?At hindi ko naman alam kung sino siya?

Haist ang gulo!

Papasubo pa lang ako ng magsalita siya.

"Magkakilala tayo nung highschool.Hindi naman tayo ganoon close.But i think tama lang na sabihin kong naging magkaibigan naman talaga tayo."

"Talaga,so sino ka nga ba?"

"Hindi mo ba talaga ako natatandaan?Buti pa si froilan nakilala mo agad samantalang ako hindi mo maalala."Napasimalmal ang mukha niya pero hindi mo masasabing hindi bagay sa kaniya.Gayong ang cute niya pa sa face expression niyang iyon.

May hinugot siya sa bulsa.Saka isinuot sa mga mata niya.

Napanganga ako sa aking kinauupuan.

"I-ikaw!"bulalas kong sambit na siyang ikinangisi nito."Naalala mo na?"naka arko ang kilay nito.Waring nanantiya.

"C-crause..ikaw ba talaga yan?!"halos hindi ako makapaniwala na siya itong nasa harapan ko.

Ibig sabihin matagal na silang magkaibigan ni froilan?

"Yep.Kung hindi ko pa susuotin ito hindi mo ako makikilala?"dismayadong komento niya sa akin.

"Syempre malaki ang pinagbago mo.Hindi kita makikilala agad agad."nagsimula na kaming kumain.Doon napuno nang mahabang kamustahan.Isa pala siyang guro sa kolehiyo.Matagal tagal na rin silang magkaibigan ni froilan.Yun nga lang hindi daw siya makakuha ng tiempo para makasama kami dahil sa schedule niya sa isang pribadong paaralan.

Hinatid niya ako sa bahay.Nahiya pa nga ako ng malaman ang pagkawasted ko sa buong magdamag.

Nagsuka lang naman daw ako sa sala niya.Kaya pati damit ko ay puro suka na.Nilabhan niya ito kaya nagamit ko na ng pauwi.Ayaw naman daw papigil ni froilan na hindi umuwi dahil may lakad pa siya kinabukasan.

Hindi naman daw nila ako makausap ng matino kaya naisip ni froilan na iwan ako kay crause.

"Maraming salamat sa paghatid crause."siyang pasalamat ko rito.Gusto man niyang bumisita sa amin para ipakilala kay mama ay hindi maaari.Gawa na rin ng may biglang tawag siya sa trabaho.

"Kita na lang tayo sa susunod."sabi niya na sasagutin ko na sana ngunit..

"Wala ng susunod."




Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon