Chapter 22

6.1K 319 23
                                    

( KHALIL )

Sumapit ang lunch time at lahat ay tila hindi magkandaugaga sa kanilang mga pag aayos.Sayang nga eh,hindi ko nakita yung tao dahil nung pagkadating ko ay siyang pagpasok nito sa opisina niya.

'Marg,nga pala paano mo nasabing singer yung anak ni ser?Sikat na sikat ba yun?'Pagtataka ko at siya?ayun parang espasol ang mukha sa pagtatapal ng foundation sa mukha.

'Uy inaalam..'

'Uy masasampal kita..'ngumuso naman ito.

'Basta sikat siya lalo na sa mga kabataan.Napakinggan ko na rin ang ilang acoustic saka pagrevive sa mga ilang kanta.Grabe ang lamig at kasing yummy niya yung boses niya.'sinamaan ko lang ito ng tingin.Umaatake na naman ang kalokohan nito.

'Hindi biro lang..member siya ng bandang Karie...

Karie..

Karie..

--Ajklmngpukll...'tila hindi ko na maulingan ang mga sinasabi nito dahil sa narinig ko.

Hindi.Imposible!

'O,ayan na pala si sir!!'Halata ang kagalakan sa mga mata niyang pinagmamasdan ang taong iyon.Napapalunok ako ng laway sa hindi maintindihang kaba.

Tila natulos na ako sa lamig ng sementong aking kinatatayuan.Natatakot makita ang taong tumatakbo sa isip ko.

'Khalil naman ayun si sir!oh!'Saka niya ako iniharap sa taong tinutukoy niya.

Napakunot noo ako sa aking nakita.

'Well,napadaan lang ako rito para sabihing magtulungan at pakisamahan ang isat isa.Kayo na bahala sa anak ko.Maasahan ko ba kayo?'Nagpakawala naman ako ng isang malalim na paghinga.Si sir tamayo lang pala.Pero hindi ko inasahan ang taong lalabas mula sa katabing pintuan nito.

Napaawang ang aking bibig.Halos nagkakarerahan na sa pagpintig ang aking puso.

'Dad,mabait naman ang mga empleyado mo.Saka mukhang magkakasundo kaming lahat.Diba guys!'nagsitanguan ang lahat sa sinabi niya.

'O,ikaw?Bustamante?Kamusta na ang late comers ng opisina.Magbago ka na!Mas strikto pa sa akin itong si klier.Kaya ayusin mo na ang alarm clock mo sa bahay.'kasunod ang tawanan at kantyawan ng mga katrabaho ko sa akin.

Napaismid ako sa kirot ng sikuhin ako ni marg.'Sabi na e!matutulala ka sa kaniya..'bulong nito na parang bubuyog sa kadaldalan.

Habang ako walang pagbabago ang emosyon.Tulala,kinakabahan at higit sa lahat humihiling na lamunin ng establisimentong aking kinalalagyan.

Hindi ko inasahan na mapapatingin siya sa aming gawi kaya dagling iwas ko.

Resto

Nakahilera kami sa mahabang lamesa at mga upuan.

At tama nga si marg.Maraming pagkaing siniserve sa amin ng mga waiter.Kotang kota nga ang loka lokang ito.

Habang ang lahat ay masaya sa mga nakikitang pagkain sa harapan nila ako naman ay tila napipi na sa isang tabi.

Bakit?

Nasa tabi ako ngayon ng taong nagpapakaba at tuliro ng sistema ko.

Nasa gitnang bahagi ito nakaupo at ako ang nasa kanan nito.

Pinagpilitan kasi ni marg na maupo kami malapit dito.Hindi ko naman alam ang kalokohang iniisip nito at nagpakayag naman ako.Ang engot ko lang!

At ayun nagsimula na ang pagkain nang lahat.Sarap na sarap ang mga ito.Samantalang ako tila kumakain ng nerbyos na baka mapansin nito.

'Hmm..eto oh.Kain ka ng marami.'napatingin ako sa ulam na inaabot nito sa akin.Napansin niya yata ang katiting na pagkain sa aking plato.Kung minamalas ka nga talaga!

Kinuha ko ito subalit nanatiling ikinukubli ang mukha ko sa kaniya.Mahirap na.

'Naku ser!mahiyain talaga yan si khalil.Kain lang bes habang madami pang lalapangin!'halos maduwal na ako sa kalokohan nito.Narinig ng mga kasamahan ko ang sinabi nito na naging dahilan para magsitawanan ang mga ito.

Pasimple akong tumingin sa kaniya at sa hindi inaasahan.Nakatingin din pala ito sa akin.Matiim at tila may kung anong dumi sa aking mukha.Ibinalik ko muli ang atensyon sa pagkain.

Nararamdaman ko na parang naka titig pa rin ito sa akin.

O,baka imahinasyon ko lang siguro.'

Natapos ang masayang lunch break,(-wait sila lang pala.)nagsibalikan na kami sa opisina.Naroon pa rin ang kabang dulot nito sa akin.Naalala pa kaya niya ako?

Anim na taon na rin ang nakakalipas.Malamang nakalimutan na niya kung sino ako.Sino nga ba ako para alalahanin.At saka bakit nga ba ganito ang inaasta ko.Wala naman akong pagkakautang o ginawang mali sa kaniya noon.Bagkus siya pa itong may atraso sa akin.

Posibleng hindi na niya ako matandaan dahil sa kung anong itsura ko ngayon.Marami na ring nagbago sa tagal ng panahon.Lalo na sa pisikal kong anyo.

Medyo pumayat na ako ngunit sakto lang.Hindi na rin ako sobrang singkitin gaya ng dati na nababanat lang ang mata dahil sa aking katabaan.Sapat na masabing healthy ang lifestyle ko.Ayokong nagbababad sa gym,mas gugustuhin ko pang regular na magjogging sa umaga o gabi ng sabado.

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil malayo naman ang HR dept.sa opisina niya.Kaya mas mapagtutuunan ko ng pansin ang mga gawain ko buong araw.

Samantala...

'Kamusta?Nahanap mo na ba yung pinahahanap ko..

Ano?Talaga?!S-sige i'll check it right now.'sabay baba ng telepono sa kausap.Nagmadaling buksan ang messege galing sa e-mail nito.Hindi niya inasahan ang nakita  nang buksan ito.

Hindi niya lubos akalain na mahahanap kaagad iyon ng inupahan niyang tao.

Hindi rin siya makapaniwala sa pagbabago ng itsura nito.

Masaya ngunit naroon pa rin ang mga katanungan sa kaniyang sarili.

'Ikaw nga ba talaga ito?Khalil...'ang nasabi niya mula sa kawalan habang pinagmamasdan ang larawang nasa screen ng laptop niya.

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon